Nagtataka ang Ginang na may Malubhang Sakit sa Palaging Pag-Alis ng Mister; Ito Pala ang Tunay niyang Ginagawa

Puno ng ligaya at pagmamahal ang pagsasama ng mag-asawang sina Rachel at Francis. Sa mata nga ng nakararami ay tila perpekto na ang pagsasama ng dalawa. Parehong may magagandang trabaho ang mag-asawa at bago pa man sila ikasal ay marami na silang naipundar kasama na ang isang maliit na negosyo.

Tila wala na ngang hihilingin pa ang dalawa kung hindi makabuo na lamang ng sarili nilang pamilya. Sa loob ng dalawang taon ay sinusubukan na ng dalawa na magkaroon ng anak. Ngunit hindi pa ito ibinibigay sa kanila.

“H’wag ka nang malungkot, babe. Siguro ay hindi pa laan ng Diyos na magkaanak tayo,” saad ni Francis sa kaniyang misis.

“Saka h’wag ka masyadong ma-istres. Bata pa naman tayo. Isipin na lang natin na magandang pagkakataon ito para makasulit pa natin ang isa’t isa. Sabi nga nila kapag nagkaanak ka na raw ay lahat ng atensyon mo ay mapupunta na sa anak mo. Darating din ang panahon na magkakaanak tayo,” pag-alo pa ng mister.

Kahit pilitin ni Rachel na ngumiti ay hindi pa rin niya maitago ang kaniyang lungkot. Alam niya kasi na sabik na rin ang kaniyang asawa na magkaroon ng anak. Maging siya ay nasasabik na ring makita kung ano ang itsura ng kanilang magiging anak at kung ano ang pakiramdam ng isang ina.

Hindi rin niya maiwasan na mag-isip kung hanggang kailan kaya ni Francis ang paghihintay na makabuo sila ng sarili nilang pamilya. Nangangamba siya na baka isang araw ay iwan na lamang siya nito o hindi kaya ay ipagpalit sa iba.

Dahil dito ay minabuti ng dalawa na humingi ng tulong ng mga eksperto. Iminungkahi ng doctor ni Rachel na magpahinga muna siya dahil malaki ang naidudulot ng stress sa hindi pagkakaroon ng anak. Habang hinihintay nila ang mga resulta ng pagsusuri sa kanila ay panandaliang lumiban ang dalawa sa trabaho at nagbakasyon.

“Maraming salamat, babe, at dinala mo ako sa lugar na ito. Masaya ako na kasama kita ngayon. Nakakatuwa ang lahat. Para akong nasa paraiso,” masayang sambit ni Rachel sa mister.

Advertisement

“Babe, sa tingin ko kung na-stress ka na talaga sa trabaho mo ay pwede ka munang tumigil. Tutal kaya ko naman na suportahan ang mga pangangailangan natin saka may negosyo pa naman tayo. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho,” wika ni Francis.

“Pero kailangan kitang tulungan, babe. Hindi biro ang magka-anak, babe. Kailangan nating paghandaan ito,” depensa ni Rachel.

“Alam ko. Kaya gagawin ko ang lahat para maibigay ito sa iyo at sa mga magiging anak natin. Magtiwala ka lang sa akin, babe. Sa ngayon, tumigil ka muna sa pagtatrabaho at pagtuunan ng pansin ang iyong sarili. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin,” wika pa ng mister.

“Talaga? So, pagbalik natin ng Maynila ay hahayaan mo na akong gawing hardin ang isang parte ng garahe? Alam mo naman na noon pa ay gusto ko nang magtanim ng mga halaman at mga bulaklak. Baka makatulong iyon sa akin para mawala ang stress ko,” pakiusap ni Rachel.

Natatawa na lamang si Francis. “Sige, pag-iisipan ko ‘yan. Sa ngayon ay enjoy-in muna natin ang magandang lugar na ‘to! Malay mo dito na mabuo ang junior ko!” pilyong tugon ng mister.

Walang ginawa ang mag-asawa kung hindi namnamin ang saya ng kanilang bakasyon. Pagbalik nila ng Maynila ay hindi nila inaakala ang bubungad sa kanilang balita.

“Mr. and Mrs. Cruz, lumabas na po ang resulta ng pagsusuri. Wala pong mali sa inyo, Mr. Cruz. Malusog po ang inyong pangangatawan,” wika ng doctor.

“Ngunit ikinalulungkot ko pong ibalita na malubha po ang kalagayan ng inyong asawa. Marami po kaming nakitang tumor sa kaniyang matres at maaari pa itong kumalat sa ibang bahagi. Kailangan po na agaran siyang maoperahan at sumailalim sa iba pang gamutan,” dagdag pa ng espesiyalista.

Advertisement

Halos pagsakluban ng langit at lupa ang dalawa. Tila gumuho ang kanilang pangarap sa mismong harapan nila. Agad na tumugon ang dalawa sa rekomendasyon ng doctor. Ngunit parang tila huli na ang lahat dahil palubha na nang palubha ang kalagayan ni Rachel.

Halos mag-iisang buwan na rin sila sa ospital. At mas pinili na rin ng asawa na tumigil muna sa pagtratrabaho upang maalagaan ang asawa. Ang hindi lamang maintindihan ni Rachel ay kung saan palaging nagpupunta ang asawa sa umaga at sa hapon.

Sumama pa ang kaniyang loob ng hindi sinasadyang makabasa siya ng isang text message mula sa isang numero. “Sana naibigay ko ang gusto mo.”

Sa gitna ng malubhang karamdaman ay isa pa ito sa gumugulo sa isipan ni Rachel. Ngunit malapit na niyang matanggap na maaaring mawala siya at maiiwan ang kaniyang asawa. Dahil sa pagmamahal ay ayaw niya itong maiwanang malungkot. Tama lamang na magsimula na itong humanap ng kapalit niya.

Kahit masakit sa kaniyang kalooban ay tinanggap na niya ang katotohanan. Hanggang isang araw ay hindi na niya kaya pa at kinausap niya ang asawa.

“Mahal mo pa ba ako sa kabila ng kalagayan ko?” pinipigilan ni Rachel na pumatak ang kaniyang mga luha.

“Wala na akong ibang mamahalin kung hindi ikaw,” mabilis na tugon ng asawa.

“Puwede kang maging tapat sa akin, Francis. Hindi ako magagalit. Kung mayroon nang iba ay maluwag kong tatanggapin,” saad pa ng ginang.

Advertisement

“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, Francis, pero alam ko ay may nililihim ka sa akin. Tanggap ko na darating ang panahon na mawawala ako at makakahanap ka ng bago. Hindi ako magiging makasarili. Pero gusto kong maging tapat ka sa akin,” pakiusap ng ginang.

“Rachel, isa lang ang sasabihin ko sa’yo. Parang awa mo na, lumaban ka. Kasi kahit tingin mo ay ganoon akong katapang, hindi ko makakaya ang mawalay sa’yo. Gagawin ko ang lahat para makasama ka pa,” saad ni Francis.

“Ikaw lang ang babaeng minamahal ko at mamahalin, babe, ‘yang ang pangako ko sa’yo!” dagdag pa ng ginang.

Dahil dito ay nabuhayan ng pag-asa si Rachel. Napagtanto niyang hindi nga ito magagawa ng kaniyang asawa dahil higit kanino man ay kilala niya ito. Dahil sa tapang at dedikasyon na pinapakita ni Francis at sa pagmamahal na rin ng asawa ay pinilit ni Rachel na lumaban.

Makalipas ng tatlong buwan ay nakalabas na rin ito ng ospital.

Sa kaniyang pagbabalik sa kanilang bahay ay tila may isang sorpresa na naghihintay sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa ganda ng paligid na bumungad sa kaniya.

“Nasa paraiso ba ako?” wika ni Rachel habang nakatitig sa isang hardin na punumpuno ng bulaklak.

“Ako mismo ang nagtanim at nag-alaga ng mga iyan. Hinanap ko kung saan-saan ang lahat ng paborito mong bulaklak nang sa pag-uwi mo ay ito ang bubungad sa iyo. Alam kong matagal mo nang pangarap ang magkaroon ng ganito kaya mahal, ito na, ibinibigay ko na sa’yo,” naluluhang sambit ni Francis.

Advertisement

Hindi akalain ni Rachel na ito pala ang dahilan kung bakit madalas ang pag-alis ng kaniyang asawa. Ayaw nitong pabayaan ang kaniyang mga tanim na bulaklak na supresa niya sa kaniyang kabiyak. Walang mapagsidlan ng tuwa si Rachel sa ginawa ng kaniyang asawa.

“Paano na ‘yan, hindi na talaga tayo magkaka-anak, babe? Gusto mo pa rin ba ako makasama?” wika ng ginang.

“May anak o wala, basta ikaw ang kasama ko, buo na rin ang buhay ko, babe!” tugon ni Francis.

Masayang niyakap at hinalikan ni Rachel ang asawa. Nagpapasalamat siya sa pangalawang buhay na kaniyang natamo at sa asawa niyang walang sawang tapat na nagmamahal sa kaniya kahit ano pa ang kaharapin nila sa buhay.