Bigla na Lamang Sumakay sa Kotse ng Lalaki ang Isang Bata, Ito Pala ang Babago sa Buhay Niya

Kasalukuyang may bagyo noon at rumaragasa ang ulan sa labas. Piniling manatili na muna ni Bret sa coffee shop, at doon maghintay na humina ang ulan. Maraming tao sa loob at walang halos maupuan.

Lumingon-lingon siya sa paligid at naghanap ng bakanteng puwesto, ngunit wala kahit isa. Naisip niyang makisalo na lang muna sa kahit sinong pwede doon.

“Miss? Okay lang maki-share?” tanong niya sa babaeng may hawak ng libro.

Tumango lang ang babae, ngunit hindi man lang siya tinignan nito. Hinalo niya saglit ang mainit na kape at nilanghap ang bango nito.

Habang umiinom ay napansin niya ang librong binabasa ng kaharap.

“Alam mo? Favorite author ko yan, si Mitch Albom,” sinubukan niyang kausapin ang babae, ngunit nag ‘thumbs-up’ lamang ito sa kanya.

“Iyang librong binabasa mo ang kauna-unahang libro niya, na binasa ko. Maganda ang ending,” muli niyang kinausap ang babae.

Hihigop sana siya ng kape, nang biglang ibaba ng babae ang libro hawak binigyan siya ng seryosong tingin, na labis naman niyang ikinagulat.

Advertisement

“S-sorry, hindi ko naman sinasadyang abalahin ka,” nauutal na paghingi niya ng paumanhin.

“Bored ka ba sa buhay?” tanong ng kaharap sa kanya.

“H-ha? Sakto lang, medyo?” nagkibit balikat siya at natawa ng kaunti.

Napangiti naman ang babae sa sagot niya.

“Alam mo kasi, pag bored ako or parang pakiramdam ko, kailangan ko ng motivation, libro lang ni Mitch ang binabasa ko.”

“Parehas pala tayo,” nilahad niya ang kamay at nagpakilala, “Bret nga pala.”

“Ally, nice to meet you!” at saka iniabot ang kamay sa lalaking kaharap sa lamesa.

Magmula ng gabing iyon, nasungkit ni Ally ang puso ni Bret. Di nila inaasahan na mayroon palang katulad nila na parehas ang panlasa pagdating sa libro, kanta, at sa pagiging weirdo.

Advertisement

Nasundan pa naman ang kanilang pagtatagpo at napakadaming kwento pa ang ibinahagi nila sa isa’t isa. Di naman naglaon at naging magkasintahan din ang dalawa.

Naging mabilis ang lahat at para bang sobrang perpekto ng lahat. Mahal nila ang isa’t isa, at palaging nagkakasundo sa mga bagay-bagay.

Pero hindi ata talaga lahat ng perpekto ay mananatiling perpekto, dahil sa mundong ginalagawan, ang konsepto ng ‘perpekto’ ay tanging ilusyon lamang at malabong maging totoo.

Ang mga maliliit na away ay nagsimulang lumaki. Ang mga simpleng di pagkakaintindihan ay nauwi sa pagtatalo, hanggang isang araw ay natapos na lamang ng ganoon ang lahat sa kanila.

“Ayoko na! Pagod na pagod na akong intindihin ka!” sigaw ni Ally.

“O eh di mag break na tayo, pagod ka na pala eh, di ba?” galit na reaksyon naman ni Bret.

“Eh di break kung break. Ayoko na!”

“Fine!”

Advertisement

At doon natapos ang lahat. Kung gaano kabilis silang nagsimula, ganoon din naman natapos na lamang ang kanilang relasyon.

Nangibang bansa si Bret at doon piniling manatili upang magtrabaho. Wala na siyang balita na kahit ano tungkol kay Ally, basta ang alam lang niya, ay tapos na sila.

Walong taon ang lumipas. Umuwi si Bret sa Pilipinas. Dalawampu’t pitong taong gulang na siya ngayon, ngunit wala pa rin siyang asawa. Ibinuhos niya ang lahat ng panahon sa trabaho at pag-iipon lamang.

Umuwi siya sa isang condominium na nabili sa Maynila, at doon napagpasyahan na ipagdiwang ang Pasko, at nang sa ganoon ay makasama din naman ang ilang malalapit na pamilya.

Papunta na sana siya noon ng supermarket, upang mamili ng ibang pangangailangan sa bahay, at nakaupo na sa sasakyan nang maalala niyang naiwanan pala niya ang kanyang wallet.

Iniwanan niyang nakabukas ang sasakyan at muling tumaas sa kwarto. Ilang saglit pa ay nakabalik naman din siya. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan.

Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang may batang tumayo at nagsalita sa kanyang likuran, “Saan po tayo pupunta?”

“Jesus!” sigaw niya. Gulat na gulat siya kaya’t biglang naapakan ang preno. “Saan ka galing? Paano ka nakapasok dito?” naguguluhang tanong niya.

Advertisement

“Pumasok lang po ako nung nakita kong nakabukas yung car niyo,” malumanay na tugon naman ng bata.

Napakamot na lamang ng ulo si Bret, “Makakasuhan ako ng kidnapping sa ginagawa mo eh!”

Napaisip siya bigla, kung ibaba niya ang bata, baka hindi naman ‘to makauwi. Kung isasama naman niya, baka mademanda siya at makasuhan sa pangyayari.

Napailing na lang siya, “Sumama ka na muna sa’kin ngayon ha? Then pagbalik natin sa building dadalhin kita sa admin, kasi baka hinahanap ka na ng magulang mo.”

Tumango lamang ang bata ngumiti sa kanya. Pagdating sa grocery ay kumuha agad siya ng malaking push cart at doon isinakay ang bata.

Habang naglalakad ay binati sila ng isang sales lady.

“Ang gwapong bata naman, kamukhang-kamukha niyo sir,” nakangiting sabi ng babae.

“Mana sa daddy,” natatawang sagot naman ni Bret. Tinignan niya ang bata nang mapansin na hawig nga sa kanya ang hugis ng mukha, mata, ilong at labi nito.

Advertisement

Malapit na silang matapos mamili ng mapadaan sila sa toy section, napansin niyang nakatingin ang bata sa mga panda na stuffed toy na naka-display doon.

“Gusto mo ba nito?” tanong ni Bret sa bata.

Agad naman tumango ang bata ang ngumiti. Napatitig lamang ang lalaki at napatulala saglit, may naalala kasi siyang mahilig din noon sa panda, si Ally.

Aliw na aliw si Bret sa bata dahil napakabibo nito. Sa murang edad ay halatang matalino. Hindi niya namalayan na nasa condominium na pala sila, dahil sobrang nalibang siya sa kwento nito.

Pumunta muna sila sa admin at ni-report ang nangyari, ngunit sinabihan naman siya ng admin na isama muna sa kanya ang bata, at agad naman siyang tatawagan pag hinanap na ng magulang.

Isinama muna niya ang bata sa kanyang unit. Nagluto siya ng pancakes at binigyan ng chocolates ang bata upang makapagmeryenda.

Binuksan niya ang telebisyon at naglagay sa cartoons, ngunit ayaw ng bata nito. Mas gusto daw ng bata ng libro dahil yun ang hilig niyang gawin. Kinuha niya ang paboritong libro at ipinahiram sa bata.

Namangha ang bata nung ito’y makita, “Alam niyo po ba na itong ‘Tuesdays with Morrie’ din po ang favorite book ko?” nakangiting sabi ng bata.

Advertisement

“Talaga? Kilala mo din si Mitch Albom?” manghang-mangha naman si Bret sa mga naririnig.

“Opo, siya po yung sumulat nito. Puro libro po niya ang pinapabasa sa’kin ni mommy eh, favorite daw po kasi nila ni daddy ‘to.”

“Ah. Pwede bang malaman ang pangalan ng daddy mo?” pag-uusisa niya sa bata.

“Impakto, dem*nyo, at gag* po. Yun po ang tawag sa kanya ni mommy,” seryosong sagot bata.

Nagulat naman si Bret sa sinabi ng bata at natawa ng malakas dito. Panigurado niya ay kawawa ang ama ng bata sa mommy nito.

“Eh anong name naman ng-” bago pa niya matapos ang tanong ay tumunog naman ang kanyang cellphone.

Tumawag ang admin dahil may nanay daw na nagreport na sa baba, pero pataas naman na daw ito sa unit ni Bret, upang kunin ang anak.

Maya-maya lang ay may kumakatok sa kanyang pintuan.

Advertisement

“Yan na ang mommy mo,” nakangiti niyang sabi sa bata. “Ano pala ang pangalan mo?”

“Bret po. Bret Jason,” sagot ng bata bago buksan ang pintuan.

Parang bumagal namang bigla ang mundo ni Bret sa narinig. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ng mommy ng bata.

“Bakit tumakas ka na naman while tulog si yaya, ha? Di ba sabi ni mommy sa’yo bad yun?” wika ng ina ng bata habang nakaluhod at hinahawakan ang pisngi ng anak.

Lumapit siya sa pintuan upang makita kung sino ang ina ng bata.

Dahan-dahang tumayo naman ang ina nung makita palapit sa kanila ang nakahanap sa kanyang anak.

“Maraming salamat po sa pag-aalaga sa-” nanlaki ang kanyang mata at hindi na naituloy ang sasabihin.

“Ally?” gulat na gulat si Bret sa nakita.

Advertisement

Parang tumigil pansamantala ang pag-ikot ng mundo sa tagpong iyon. Hindi makapaniwala si Bret sa nakikita.

“Tara na anak,” pagtawag ni Ally sa bata, at mabilis na naglakad palayo.

Hinabol naman sila ni Bret at pinigilan.

“Anak ko ba siya, Ally? Anak ko ba siya?!” malakas na tanong ng lalaki.

“Hindi, kaya lumayo ka na sa’min.” saka ito tumalikod.

Napailing naman si Bret, at napaisip.

Yung panda na gustong-gusto ni Ally noon, yung pagkakahawig nila ng bata, yung paboritong libro na binabasa, at yung pangalang “Bret Jason” na napagkasunduan nilang ipapangalan sa magiging anak na lalaki.

Sigurado siya, siguradong-sigurado siyang anak niya ang bata.

Advertisement

“Sandali!” muling pagpigil niya sa mag-ina. “Anak ko siya, Ally. Hindi ako pwedeng magkamali, anak ko ang bata,” pagmamatigas ng lalaki.

Bigla namang pumatak ang luha ni Ally at tumingin sa anak, “Baby, di ba nagtatanong ka noon kung nasaan si daddy mo?”

“Opo mommy, bakit po?” sabik na tanong naman ng bata.

“Siya si daddy mo,” saad niya habang nakaturo sa lalaki.

“Siya po yung imp*kto, dem*nyo, at g*go, mommy?” agad namang tinakpan ni Ally ang bibig ng bata, at saka natawa.

“Oo, baby,” ang mga luha sa kanyang mga mata ay napalitan ng mga ngiti ngayon.

Napaluhod naman si Bret at saka niyakap ang bata. Bakas sa mukha niya ang sobrang kasabikan. Kaya pala ganoon na lamang kagaan ang loob niya sa bata, ay dahil anak niya ito.

Ipinaliwanag ni Ally, na nagdalangtao siya matapos silang maghiwalay ni Bret. Nawalan naman siya ng pagkakataong sabihin ito nang malaman ni nakaalis na pala si Bret, kaya itinaguyod na lamang niya mag-isa ang bata. Hanggang sa dumating nga ang araw na ito, kung saan nagtagpo ang kanilang mga landas.

Advertisement

Walang mapaglagyan ang kaligayahan ni Bret. Muli naman niyang sinubukang suyuin si Ally. Noong una ay ayaw pa nito, ngunit muling nabuhay naman ang pag-ibig sa puso niya, lalo noong makitang masayang-masaya ang anak na makilala ang ama.

Hindi man naging perpekto ang relasyon noong una, pero sa pagkakataong ito ay muli nilang sinubukan. Hindi man maging perpekto, basta ang mahalaga ay masaya sila at mayroong buong pamilya na nagmamahalan.

Naging napakabuting ama ni Bret sa kanyang anak. Hindi tulad ng dati, mas nagkakaintindihan na sila ngayon ni Ally at mas tumibay ang pagmamahalan sa isa’t isa.

Ang mga naging pagsubok nila ang naging daan upang mas lumawak pa ang kanilang pang-unawa at pagkakaintindi sa kung ano talaga ang tunay na ibigsabihin ng pagmamahal, at iyon ay ang pagtanggap sa mga naging pagkakamali at pagbibigay ng puwang upang mas lumago pa bilang isang tao.