Inday TrendingInday Trending
Takot sa Pagbabago sa Buhay ang Ginang na Ito Lalo na sa Teknolohiya; Isang Araw, Wala Siyang Magagawa Nang Kailangan Niyang Matutuhan Ito

Takot sa Pagbabago sa Buhay ang Ginang na Ito Lalo na sa Teknolohiya; Isang Araw, Wala Siyang Magagawa Nang Kailangan Niyang Matutuhan Ito

Kay ganda ng bansang Pilipinas. Ngunit sa paglipas ng maraming taon, napakaraming pagbabago ang naganap sa bansa. Magmula sa mga kaugalian, bagay at katayuan ng isang tao sa buhay. Nang dahil sa nangyayaring pagbabago sa bansa, marami ring suliranin ang ating kinakaharap.

Si Aling Nena ay isang trabahador ng isang Factory na malapit sa kanilang lugar. Siya ay may katandaan na ngunit patuloy na nag tatrabaho gawa ng kahirapan. Siya ay biyuda na at walang anak. Kasama niya sa kanyang simpleng bahay ang anak ng kaniyang pumanaw na kapatid na si Nina na sampung taong gulang pa lamang. Mabuting bata si Nina at itinuring niya na itong sariling anak.

Ngayong may pandemya, si Aling Nena ay tuluyang nawalan ng trabaho at piniling magtinda na lamang gamit ang perang natanggap niya noong sya ay umalis sa kanyang dating pinagtatrabahuan. Nagtayo siya ng maliit na sari-sari store at nagtitinda rin siya ng mga pagkaing ulam at inilalako sa kanilang lugar.

Idineklara ng ating pangulong Duterte na hindi matutuloy ang pasukan ngayong taon. Bilang tugon sa edukasyon, ipinatupad ang Online Classes na ikinatuwa at ikinabahala ng mga magulang. Ikinatuwa dahil ang mga bata ay mayroon pa ring pagkakataong makapag aral sa at ikinabahala ng iba dahil sa takot na mapag-iwanan ang kanilang mga anak dahil nga sa kakulangan sa gadgets. Isa si Aling Nena sa nabahala sa Online Classes na ito dahil ang gamit niyang cellphone ay hindi makabago at de-keypad pa. Siya ay mas nag sumikap upang mabili ang cellphone na gagamitin ng kanyang pamangkin.

Isang araw, bumisita ang kanilang kapitan Upang mamigay ng mga tablet at ilang notebooks para sa pasukan. Ang tablet na ito ay may load nakasama para sa buong taon. Tuwang tuwa si Aling Nena dito dahil kahit papaano ay nabawasan ang kanyang poproblemahin. Noong una ay hirap na hirap sina Aling Nena at Nina sa pag gamit ng tablet ngunit salamat sa kanilang kapitbahay at tinuran sila nito.

Naging maayos ang pag-aaral ni Nina at silang mag tiyahin ay sabay na natuto sa pag-aaral. Tinuturuan ni Aling Nena si Nina sa iba niyang aralin. Isang araw, ang klase nila NIna ay binigyan ng takdang aralin na manood ng balita at ilahad ito sa klase. Nagalak si Nina sa kanyang takdang aralin dahil silang mag tiyahin ay parating nanonood ng balita. Kinabukasan ay nauna siyang nagbalita sa klase. Binalita niya kung ilan na ang utang ng Pilipinas at kung ano ang nangyayari ng pagbabago sa kapaligiran ng bansa. Ipinaliwanag niya rin kung paano siya makakatulong sa pag lulutas ng suliranin ng bansa sa murang edad. Nang matapos ang talakayan ng kanilang klase, napagtanto niya na napakarami palang binago ng pandemyang kinakaharap ngayon. Naging high tech na ang pakikipagkita sa mga kaibigan at pagbili sa mga tindahan.

Sa mga oras na ito, natutunang yakapin at tanggapin nina Aling Nena at Nina ang makabagong panahon. Naniniwala sila na ang pagbabago ay mayroong mabuting resulta para sa kinabukasan ng bawat isa.

Lahat ng tao ay may suliraning kinaharap. Kailangan nating maging bukas at handa sa anumang pagbabago upang mabigyang solusyon ang suliraning hinaharap ng ating bayan. Mahalagang maunawaan ang mga isyu ng ating bansa upang mabigyang diin at aksiyon ang problema. At mahalaga din ito upang malaman ng sangkatauhan ang kanilang magagawa at maitutulong sa paglutas nito.

Advertisement