Inday TrendingInday Trending
Ipinasok ng Lalaki ang Kanyang Kabit Bilang Kasambahay sa Sariling Bahay, Ikinagulat Niya nang Malamang Mas Mautak Pala si Misis

Ipinasok ng Lalaki ang Kanyang Kabit Bilang Kasambahay sa Sariling Bahay, Ikinagulat Niya nang Malamang Mas Mautak Pala si Misis

Limang taon na magmula nang ikasal ang mag-asawang si Tricia at Eddie. Dahil sa labis na pagka-abala sa trabaho, isang manager sa bangko si Tricia habang isa namang matagumpay na businessman si Eddie, ay wala na silang gaanong oras para sa isa’t-isa. Isa pa lang din ang nagiging anak nila, at araw-araw ay iniiwan nila ang apat na taong gulang na si Rex sa mga kasambahay nila.

Napaka-laki ng pinagsamang sweldo ng mag-asawa, kaya naman upang mapagaan ang trabaho sa kanilang bahay ay marami rin silang kinuhang kasambahay upang makatulong sa pagpapanatili ng kanilang bahay.

Madalas din ang pag-aaway ng mag-asawa, kaya naman malayo rin ang loob ng batang si Rex sa dalawang ito. Mabuti na lamang at madalas dumalaw ang kaniyang tiyahin na kapatid ng kanyang ina na si Tintin na madalas ay nakikipaglaro at nag-aalaga sa kanya.

“Tita? Nag-aaway na naman po ba sila? Bakit po?” tanong ng walang muwang na bata.

“Ah, wala. Hayaan mo na sila. Mayroon lang silang hindi napagkasunduan. Maglaro na lamang tayo,” nakangiting sagot ni Tintin.

Isang gabi, umuwi si Eddie na may kasamang isang babae. Agad namang tinanong ni Tricia kung sino iyon.

“Sino ‘yang kasama mo?”

“Bago nga pala natin siyang kasambahay. Siya na lamang ang mag-aalaga sa anak natin,” sagot ni Eddie.

“Kasambahay? Eh ang dami-dami na natin, ah?” inis na sagot ni Tricia.

“Ako naman ang nagpapa-sweldo ah? Pati ba naman ito pag-aawayan natin? Siyempre kailangan ni Rex ng yaya na nakatutok lang sa kanya lalo na’t lumalaki na siya. E kung umuuwi ka ng maaga e ‘di sana hindi ko na kailangang kumuha,” sagot naman ni Eddie.

“Mommy, daddy! Huwag na po kayong mag-away, please?” paki-usap ng batang si Rex.

“Jonny! Ihanda mo ang kotse. Lalabas lamang ako at magpapahangin,” utos nito sa drayber niyang si Jonny. Sa tuwing nagkakasagutan sila ng asawa ay madalas siyang umalis upang ‘magpahangin’ lamang at magpalamig ng ulo. Lagi namang pag-uwi nito ay maganda na ang mood ng ina.

Agad namang napangiti si Eddie at ang bagong ‘kasambahay’ na si Mica.

“O ayan, sabi sa’yo ayos itong plano ko e. Palagi namang umaalis ang misis ko. Palagi akong may oras para sa’yo,” nakangising bulong nito kay Mica.

Kinilig naman agad ang babae, at nagmadaling inilagay sa kanyang sariling kwarto ang kanyang mga gamit. Agad namang napansin ng ibang kasambahay na iba ang pakikitungo ni Eddie sa babae.

“Huy! Kakaiba ang samahan nung dalawa, ‘no? Para bang may tinatago sila. At malambing pa!” bulong ng isang kasambahay sa isa pa.

“Baka babae ni sir! Nako talaga. Kawawa naman ang bata,” sagot ng isa.

At hindi nga sila nagkakamali. Si Mica ay ang matagal nang babae ni Eddie. Nagkakilala sila sa isang bar noon, at mula noon ay palagi na niyang pinupuntahan ito. Naisipan ni Eddie na kapag ipinasok niya si Mica bilang kasambahay ay palagi na silang magkikita at makakagawa ng kung ano-anong kamunduhan.

Lumipas ang ilang buwan at patuloy na ginagawa ng dalawa ang kanilang kalokohan sa bahay mismo ng mag-asawa. Hindi naman ito napapansin ni Tricia dahil madalas ay gabi na itong umuuwi mula sa trabaho.

Isang gabi, naisipan ni Eddie at Mica na pumunta sa garahe at doon magharutan.

“Tara babe, doon tayo sa garahe. Palagi na lamang tayong dito sa banyo o kaya sa may dirty kitchen e,” malanding sabi ni Eddie sa babae niyang si Mica.

Agad namang pumayag si Mica. Tulog na ang lahat ng kasambahay at si Rex, at nagpaalam si Tricia na gagabihin ng uwi kasama ang kaniyang drayber dahil may gagawin pa raw ito sa opisina.

Nasa kalagitnaan ng paghahalikan ang dalawa nang marinig ang kaluskos sa loob ng isa sa kanilang mga sasakyan. Nakapatay ang lahat ng ilaw kaya’t nataranta si Eddie dahil akala niya’y isang magnanakaw ang nakapasok sa paborito niyang sasakyan. Hindi pa sila nakakapagbihis ni Mica nang buksan niya ang pintuan ng kotse.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang asawang si Tricia na walang saplot at nakapatong sa drayber nilang si Jonny. Nagulat at napatingin naman agad si Tricia sa nagbukas ng pinto, at nanlaki rin ang mga mata niya nang makitang hubad na nakayakap si Mica sa kanyang asawa.

“T*ng*na! Anong ginagawa niyo d’yan?!” sigaw ni Eddie sa kanyang misis.

“Ano?! E kayo, anong ginagawa n’yo d’yan?! Mga baboy!” sigaw naman ni Tricia habang inaayos ang sarili.

“P*t*ng*na, mga taksil! Kaya pala palagi kayong magkasama?!” sagot ni Eddie habang nagbibihis.

“Ang kapal ng mukha mo! Mga walanghiya! Kaya pala ipinasok mo ‘yan dito kahit hindi natin kailangan, ano?!” sambit ni Tricia habang bumababa ng sasakyan.

“E ikaw? Gaano niyo na ako katagal ginag*go?” matapang na sagot ni Eddie.

Natigilan ang kanilang sigawan nang mapansing nakikinig ang kapatid ni Tricia na si Tintin.

“Tumigil kayo! Pareho kayong mga baboy! Hindi na kayo naawa sa anak ninyo,” wika ng umiiyak na dalaga.

Tumakbo ito papasok ng bahay ng mag-asawa at kinuha ang kanyang pamangkin.

“Hoy! Saan mo dadalhin ang anak namin?” sigaw ni Eddie.

“Wala kang pakialam! Hindi kayo karapat-dapat maging ama’t ina ng napakabuting bata na ito. Nakakadiri kayo. Pareho kayo! Subukan niyo akong pigilan at sasampahan ko kayo ng kaso! Kaya pala palagi niyong napapabayaan si Rex,” wika ni Tintin.

Tinangay niya ang bata at iniuwi sa sarili niyang bahay. Kinabukasan ay agad niyang isinaayos ang mga papeles upang tuluyang makuha ang kustodiya ng bata. Dahil maganda ang trabaho niya, at dahil napatunayang napapabayaan ang bata sa loob ng kanilang tahanan ay naging matagumpay ang pagkuha niya sa bata.

Tinanong din ang bata at mas pinili nito na makasama ang kanyang tiyahin kaysa ang kanyang mga magulang.

Si Eddie at Mica naman ay tuluyan na ring naghiwalay dahil sa labis na hindi pagkakaintindihan. Katwiran nila ay hindi na talaga nila mahal ang isa’t-isa at napipilitan na lamang magsama dahil sa kanilang anak. Ngunit ngayong nawalay na sa kanila si Rex ay wala na silang dahilan upang magsama pa. Wala ni isa sa kanila ang nagtiyagang ilaban ang kustodiya ng bata.

Tuluyan nang inampon ni Tintin ang pamangking si Rex. Naging masaya at masagana ang pamumuhay ng bata sa piling ng kanyang tiyahin. Ginawa ni Tintin ang lahat upang mapunan ang lahat ng pagkukulang ng mga magulang ni Rex.

“Tita, thank you po. I love you! Masaya po ako na ikaw na ang kasama ko palagi,” wika ng nakangiting si Rex.

“I love you too! Pangako, hindi kita iiwan at pababayaan kahit kailan,” nakangiting sagot naman ni Tintin.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement