Pinerahan Lamang ng Babae ang Dating Nobyo; Babalikan Siya ng Lalaki Sa ‘Di Inaasahang Pagkakataon

Mayaman at matalino si Francis. Siya rin ang nangunguna sa kanilang klase at simula noong nakilala niya ang kaklaseng si Sonya ay labis niya itong inibig ng palihim. Alam niyang hindi siya magugustuhan ng dalaga dahil sa kaniyang itsura, mataba at maraming tighiyawat ang binata.

Image courtesy of www.google.com

“Bakit ka umiiyak Sonya?” tanong ni Francis sa dalaga ng maabutan niya ito sa isang sulok ng library.

“Naghiwalay na kami ni Paul,” sagot ni Sonya.

Noong narinig iyon ni Francis ay tila ba sumaya ang kaniyang puso dahil sa wakas ay single na ang babaeng minimithi niya. At kahit pa nga napakaliit lang ng pag-asa niya sa babae ay sinubukan parin niya itong ligawan.

“Sonya, baka naman pinapaasa mo lang si Francis tapos hindi mo naman pala sasagutin yung tao. Kung gayon e sabihan mo na ngayon pa lang,” payo ng kaibigan niyang si Kim.

“Mayaman e, binibigay lahat ng gusto ko. Subukan natin,” sagot ni Sonya sa mga kaibigan.

Image courtesy of www.google.com

“Napakasama mo talaga! Alam mo namang virgin pa yun! Mamaya ma-trauma yun pag ikaw ang naging unang jowa niya,” baling muli ni Kim.

“Hindi yan, para naman maging memorable ang una niyang pag-ibig,” sagot muli ni Sonya.

Advertisement

Kung ano ang binait ni Francis ay siya namang kabaliktaran ng dalaga. Sinagot ni Sonya ang binata kahit pa nga wala naman talaga siyang nararamdam para dito. Pinerehan niya ang lalaki at lagi pang itinatanggi sa mga kaibigan niya.

Samantalang si Francis namanay masayang-masaya dahil nobya na niya ang dalagang pinapangarap. Binigyan niya ito ng kung ano-anong materyal na regalo. Magarang telepono, damit, bag, alahas at nakatira na din ang babae sa kaniyang dorm.

Hanggang sa nakapagtapos ang dalawa at dumating ang araw na pinakahihintay ni Francis. Yayain niya papuntang states ang babae para ipakilala sa kaniyang mga magulang.

“Babe, may sasabihin ako sayo,” masayang salubong ni Francis sa nobya nang maka-uwi siya sa kanyang dorm at naabutan niyang naka-impake na ang mga gamit nito.

Image courtesy of www.google.com

“Bago ka magsalita, tinatapos ko na ang lahat sa’tin. Wag mo na tanungin kung bakit kasi aaminin ko na sayo na tiniis kong maging nobya mo. Sinubukan ko naman Francis e, pero talagang hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya na sinasabi nilang hindi raw tayo bagay. Kaya itigil na natin ito, kalimutan mo na ako!” sigaw ni Sonya sabay labas ng pinto.

Parang binuhusan ng asido si Francis ng mga oras na iyon, hindi siya nakagalaw at hindi rin siya nakapagsalita dahil sa sobrang sakit. Hinabol niya ang dalaga at nagmaka-awang magbalikan sila at aayusin niya ang kaniyang sarili kung iyon ang problema, ngunit hindi iyon umubra dahil pinagtaguan siya ng babae.

Hanggang sa lumipas ang tatlong taon na wala silang balita sa isat-isa. Isang araw, naglalakad si Sonya sa mall nang may bigla siyang natanaw.

“Shet! Sigurado kong si Francis yun pero bat ang payat na?” tanong ng dalaga sa kaniyang sarili.

Advertisement

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya ng lumapit ito at inabot ang kamay sa kanya.

“Sonya! Naaalala mo pa ba ako? Yung hinuthutan mong ex mo!” sigaw ng lalaki at medyo pinagtinginan sila ng mga tao.

Kaya naman mabilis na umabante ang dila ni Sonya at gumawa na naman ito ng malaking kasinungalingan upang makalusot sa nakakahiyang pangyayari.

“Ah, Hello. Ako ba? Pasensya kana ha, di kita naalala. Nagka-amnesia kasi ako nito lang, nabanga ang van na sinasakyan namin at tumama ang ulo ko kaya ayon, nawala ang mga memories. Pero kung kilala mo man ako, at base sa narinig ko e nasaktan kita dati? Hala! Sorry! Sabi nga daw nila masama raw ako,” mabilis na dahilan ni Sonya. Galing na galing siya sa kaniyang sarili ng mga oras na iyon.

“Una na ako sayo ha! Bye!” dagdag pa ng dalaga sabay talikod at nagmadaling umalis.

“Nagkita kami ni Francis kanina sa mall at sinabi kong nagka-amnesia ako kaya ‘di ko siya maalala. Pag may nagtanong sa inyo, please guys pakisuportahan ako!” mensahe ni Sonya sa mga kaibigan na mabilis niyang napalaganap.

Image courtesy of www.google.com

Lumipas ang isang lingo na hindi nanggulo sa kaniya si Francis kay kampante siyang napaniwala niya ito.

Naglalakad na si Sonya noon papasok sa kaniyang trabaho, nang magulat siyang sinabayan siya ni Francis.

Advertisement Image courtesy of www.google.com

“Hindi mo ba talaga ako naaalala?” tanong ng lalaki.

Ngumiti lang ang dalaga at nagpatuloy sa paglalakad, kinuha niya ang kaniyang telepono at tinext niya ang mg kaibigan.

“Kasama ko si Francis ngayon, pag nalaman ko lang na may nagsabi sa inyo ng totoo, naku girls! F.O. kayo sakin,” sinend ito agad ng dalaga.

“Alam kong nagsisinungaling ka, alam ko ring nagpapanggap ka lang. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi naman ako andito para manggulo. Andito ako para sabihin sayong pinapatawad na kita sa mga nagawa mo, at gusto ko lang rin malaman mo na masaya akong minahal kita kahit pa nga para sayo ay hindi iyon totoo. Kaya Sonya, sana naman patawarin mo na rin ang sarili mo at dalawin mo ako,” saad ng lalaki.

Nagulat si Sonya sa sinabi ni Francis dahil hindi niya ito masyadong naintindihan. Titingnan niya sana ang lalaki ngunit biglang nagring ang telepono niya, tumatawag si Kim.

“T*ngina mo Sonya! Lakas mo mangtrip ha! Nabalitaan mo ba? Si Francis nasa ospital ngayon D.O.A girl! Nabangga ang Van na sinasakayan. Ano yung sinasabi mo diyang kasama mo?!” saad ni Kim sa telepono.

Tumindig ang balahibo ni Sonya at mabilis niyang nilingon ang kausap kanina. Nakatalikod na ito at kumaway pa sa kaniya. Tanging kamay na lamang ang naaninag niya sa lalaki. Namutla si Sonya tsaka umiyak nang umiyak sa gitna ng daan.

Image courtesy of www.google.com

Pinuntahan ng babae ang lamay ni Francis at doon humingi siya ng kapatawaran.

Advertisement

“Francis, isa kang mabuting tao. Tinuruan mo ako kung paano maging mabuti, kung paano magmahal ng totoo. Kahit pa nga kinakahiya kita sa maraming tao pero aaminin ko na masaya ako sayo pag tayong dalawa lang. Patawarin mo ako kung sinayang ko ang lahat ng iyon para lang sa magandang imahe. Patawarin mo ako dahil kahit sa huling sandali ay nagsinungaling ako sayo. Pero ngayon, hayaan mong ipagsigawan ko ditong PROUD AKONG MINAHAL AKO NI FRANCIS! AT MINAHAL KO RIN SIYA! YUN ANG TOTOO!” sigaw ng dalaga sa mikropono habang nag-iiwan siya ng kaniyang huling mensahe.

Simula noon ay nabuhay ng simple ang dalaga at hindi na siya nangloloko pa ng tao. Natahimik na rin ang kaluluwa ni Francis at kailanman ay hindi na siya dinalaw pa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.