Muntik Nang Ipalaglag ng Dalagang Iniwan ng Boyfriend ang Ipinagbubuntis, Ngunit Isang Pangyayari ang Nagpabago ng Isip Niya

Kakagraduate lamang ni Stella sa college nang matuklasan niyang buntis siya. Ang ama ay ang boyfriend niya sa loob ng apat na taon na kasabay niyang gumraduate. Takot na takot siya nang makita ang dalawang linya sa resulta ng pregnancy test, hindi niya ito masabi kahit sa mga kaibigan dahil sa kahihiyan.

Kinausap niya nang masinsinan ang boyfriend, at sinabi ang kalagayan niya, umaasa siyang dalawa silang haharap sa sitwasyong ito.

“Hindi pa ako handa Ste. Kaka-graduate lang natin ni wala pa nga akong trabaho.” Sabi ni Ephraim na hindi tumitingin sa kanya.

Kanina lang ay hawak hawak nito ang kamay niya at napakalambing pero nang sabihin niya ang kalagayan ay nanlamig ito at tila ba napapaso sa kanya, ni hindi nga siya matignan ng diretso.

“Ako rin naman Eph. Sana lang sabay nating harapin ito.” naluluha niyang sabi.

“Ilang buwan na ba yan?” tanong nito.

“T-tatlong buwan.. nagpa check up ako noong isang araw at sabi ay kailangan raw akong i-ultrasound para makumpirma..gusto mo samahan mo ak-” naputol ang pagsasalita niya nang sabihin ng muling umimik ang boyfriend.

“Palaglag mo.” walang emosyong utos nito.

Advertisement

“Ano?! Anong sinabi mo?!” napasigaw si Stella dahil hindi niya inasahan ang kanyang narinig.

“Dugo pa lang yan.Wag kang OA Stella. Mamamatay rin yan dahil wala tayong ipapakain.” malamig pa ring sagot nito.

“Hindi. Anak natin to Eph, hindi mo ba ako mahal?” tulo na ng tulo ang mga luha niya.

“Emosyonal ka masyado. Wag na muna tayong mag usap, pag isipan mo ang sinabi ko. Kapag malinaw na yang utak mo sasamahan kitang ipalaglag yan”, yun lang at umalis na ang lalaki, iniwan siyang umiiyak.

Magdamag nag isip si Stella, paano kung tama si Eph? Paano kung palayasin siya ng magulang, saan siya pupunta? Paano niya bubuhayin ang sanggol?

Gulung gulo ang dalaga nang bumalik siya sa ospital, pinahiga siya sa isang kama para sa ultrasound. Nag iisip pa rin siya kung ano ang tamang gawin, malapit na siyang maniwala kay Eph..nang biglang..

Dug-dug dug-dug dug-dug

“Miss, yan ang heartbeat niya, normal ..healthy ang baby.” sabi ng doctor habang itinatapat sa tenga niya ang bagay na iyon.

Advertisement

Kita niya rin sa tila malaking monitor ang bata, kay liit nito ngunit mayroon nang kamay at paa na sumisipa nang malakas, bagamat hindi niya pa ramdam iyon.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Stella at napaluha siya, mali si Eph. Isa na siyang ina, tanggihan man siya ng lahat ay kakayanin niya para sa batang ito, para sa anak niya. Salungat sa akala ni Stella, buong puso siyang tinanggap ng magulang at ang magiging anak niya. Ngayon ay isa na siyang successful businesswoman na may napakabait at napakabibong anak.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?