Inday TrendingInday Trending
May Nangyari sa Magkaibigang Binabae at Tibo nang Malasing Sila, Kakaibang Kwentong Pag-Ibig Pala ang Naghihintay sa Kanila

May Nangyari sa Magkaibigang Binabae at Tibo nang Malasing Sila, Kakaibang Kwentong Pag-Ibig Pala ang Naghihintay sa Kanila

Nanlaki ang mata ni Jin, tapos ay ilang ulit siyang kumurap-kurap upang masiguro na tama ba ang kanyang naririnig.

“Dali na kasi, ito naman. Kapirasong laman ay ipinagdadamot,” sabi ni Rein, kumukumpas pa ang kamay ng beki habang ichine-check ang buhok ng may edad nang ale na nagpa-rebond.

“Laman? Gaga ka pala eh! Akala mo biru-biro iyang hinihiling mo,” napatayo nang sabi niya.

“Pa-birthday mo na sa akin. Mag-30 na ako, tapos ay 27 ka na diba? Bakla ako, tomboy ka. Wala namang ibang siguradong magmamahal sa atin kundi tayo-tayo lang rin. Magkaibigan naman tayo..matagal na. Kaya nga may tiwala na ako sayo, kung may gusto man akong anakan na babae ikaw iyon.” litanya nito.

“Wow beks! Kung may gusto kang anakan, ako! Eh paano naman ako? Gusto ba kitang anakan?” taas kilay na baling niya rito.

“Hoy babae, wag mong sasabihin sa aking maganda ka ha. Titigan mo ako, kung hindi lang nilikha ng Diyos na mamon ang puso ko ay tiyak kong maraming keps na maghahabol sa akin. Ang gwapo ko kaya,” umanggulo pa ito sa kanyang harapan.

Well.. tama naman ito. Kaya nga siguro naguguluhan na siya eh, hindi na yata siya tomboy. Ilang taon na silang magkaibigan ni Rein, sabay nilang nakita ang pagbabago ng isa’t isa.

Siya ang naging sandalan nito noong unang beses na iniwan ng boyfriend at ito naman ang kainuman niya noong ipinagpalit siya ng girlfriend sa lalaki. Nitong huli lang, medyo kakaiba na ang nararamdaman niya. Para bang nahuhulog na siya sa kaibigan, imposible. Nakakatawa.

Kaya nga ganoon na lang ang pamumula ng mukha niya nang hilingin nito kani-kanina lang na gumawa silang dalawa ng baby. Akala mo ay nag-aabang lang ng isisilang na tuta sa asong buntis.

“Ano na? Mag-buntisan na tayo tombs, please.” pukaw nito sa kanya.

“Ah talaga? Buntisan? Kung sikmuraan nalang kaya kita? Parang mas madali iyon,” sabi niya at nag-martsa na palabas ng salon.

“Huy! Payag ka na ba?” habol nito.

“Hindi! Buntisin mo ang sarili mo! Isaksak kita sa matris ko eh,” sigaw niya habang naglalakad palayo.

Kinagabihan ay tulala pa rin si Jin sa bintana ng kanyang apartment. Iniisip niya ang hinihiling ni Rein, kung tutuusin ay tama ito. Ano pa ba ang mawawala sa kanya? Wala na siyang pamilya. Maaga siyang iniwan ng ama at ina dahil nasawi pareho sa bagyo sa probinsya.

Si Rein na lamang ang naging takbuhan niya.Kahit na kailan ay walang hiniling na kapalit sa kanya ang kaibigan, pera man yan o kahit na ano pang pabor. Ngayon lang. Kaya lang ay ang hirap naman ng hinihingi nito. Oo, kaya niyang magluwal ng anak. Pero paano naman siya pagkatapos? Baka lalo siyang mahulog rito.

Nagising siya sa pagkakatulala nang makarinig ng ilang mahihinang katok.

“Sino yan?” tanong niya habang papalapit.

“Boom tiboom, shalalalalalalala!” kanta ni Rein sa tapat ng kanyang pinto, nakainom ito.

Napapailing na lamang na pinihit ni Jin ang seradura, bumungad sa kanya ang lupaypay na kaibigan. Agad niya itong inakay sa loob.

“Reinard! Akala ko ba wala kang jowa ngayon? Eh ano itong pag-inum inom mo? Wasak na naman ang puso mo? Sabi ko kasi sayo ay tigil-tigilan mo na ang mga tambay na binatilyo, peperahan ka lang nila,” sermon niya.

“Jinette! Wala akong jowa,” malungkot lang na sagot nito.

Napakunot ang noo ng dalaga, “Bakit ka pala nagkakaganyan?”

Sukat pagkarinig noon ay humagulgol na lamang ito bigla.

“S-Si tatay kasi eh, dinala na naman sa ospital kanina. Akala ko, akala ko Jinette mawawala na siya. Takot na takot ako. Buti nalang ay na-revive ng mga doktor..ang sabi ay mahina raw talaga ang puso niya,” kwento nito.

Nahahabag naman ang dalaga na hinimas ang likod nito. Mahal niya rin ang ama ng kaibigan, ito ang tumayong ikalawa niyang tatay at ito nalang ang pamilyang mayroon si Rein. Tulad niya kasi ay wala rin itong nanay.

“Alam mo, naiinis nga ako sa kanya. Kasi nagbibilin na sa akin, palagi niya lang sinasabi na sana raw bago siya mawala sa mundo ay makita niyang may pamilya ako. Na hindi ako niloloko ng mga lalaki, sana raw magkaapo siya sa akin..iyon lang raw ay matatahimik na siya.”

“S-Siya ba ang dahilan kung bakit hinihiling mong magkaanak tayo?” gulat na tanong ng babae, akala niya kasi ay pinagtitripan lang siya nito kanina.

Mapait itong ngumiti, “Dahil alam kong matutuwa siya kung ikaw ang nanay ng apo niya. Itinuring ka na rin niyang anak. Pero ayokong maging makasarili, hindi biro ang hinihiling ko kaya noong sinabi mong ayaw mo ay hindi na kita pinilit pa. Mahal kita Jin, kaibigan kita kaya inirerespeto ko ang-“

Hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Rein dahil sinakop na ng dalawang palad ni Jin ang kanyang mukha, tapos ay hinalikan siya. Nanlaki ang mata niya, pero parang may humila sa kanya sa kakaibang mundo lalo na nang magsalita ang kaibigan.

“Ngayong gabi, gagawa tayo ng anak.”

Isinuko nila ang sarili sa isa’t isa.

Isang Linggo ang nakalipas ay nag-iiwasan pa rin ang dalawa. Sinasabi na nga ba ni Jin, nagpakagaga siya sa desisyon niya. Nagpadala siya sa tanga niyang puso. Humihingal na pinahid niya ang labi, ikatlong suka niya na ngayong araw. May nakain kaya siyang hindi maganda?

Napapitlag siya nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Sophie, ang babaeng matagal na niyang pinapa-charmingan pero di siya pinapansin.

“Hello?” nahihilo pang sagot niya.

“H-Hi Jin! Ah, I was thinking.. mali pala ako na hindi ko na-consider ang pagyayaya mong mag-kape. Kung available ka, nood naman tayo ng sine! Treat ko,” sabi nito sa kabilang linya.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay natuwa na siya, aba, ito na ang matagal niyang hinihintay! Pero bakit parang naiirita siya ngayon sa boses nito? Bakit may nag-iba?

Saka niya naisip si Rein. Ah, hindi na ito nawala pa sa utak niya. Nalintikan na, hindi na nga yata siya tomboy!

“Pasensya ka na ha. Medyo busy eh. Next time nalang. Bye!” nagmamadali niyang sabi, ibinaba na ang tawag dahil naduwal na naman siya.

Nanlalambot ni pinahid ni Jin ang kanyang mga luha, kasama niya ngayon si Ruel. Dati itong nobyo ni Rein pero naging kaibigan niya na rin, may pamilya na ang lalaki.

“Ano na ang plano mo ngayon?” naaawang tanong ng lalaki.

“Hindi ko alam. Siguro ay sasabihin ko sa kanya, ito naman ang gusto niya diba?”

“Paano ka na niyan?” muling tanong nito.

Bumuntong hininga si Jin, “Sa totoo lang ‘tol..hindi ko rin alam. Ang gulo-gulo ng utak ko.”

Nagulat naman siya nang ngumiti ito, problemado na nga siya ay tatawa-tawa pa!

“Ano’ng nakakatawa?”

“Wala, nakakatuwa. Hindi nakakatawa. Alam mo ba kung bakit hindi ako masyadong na-konsensya noong iwan ko si Rein? Kasi alam ko namang nariyan ka. Di mo siya pababayaan. Ramdam ko noon pa na may espesyal sa inyong dalawa. Sino ang mag aakalang magkakaanak na kayo ngayon?” nakangiting wika nito.

“Sshh! Huy! May makarinig sayo!”

“Ikaw naman, halika nga rito. Payakap ako. Kaya mo yan, basta sabihin mo lang sa kanya ang damdamin mo.”

Inaalo-alo pa siya ng lalaki nang may biglang humaltak rito mula sa likod, gulat na gulat si Jin sa pangyayari dahil paglingon niya ay pinagsususuntok na ng isa pang lalaki si Ruel.

“R-Rein?!” gulat na sabi ni Ruel nang tingalain ang binatang umatake sa kanya. Hindi niya agad nakilala, ibang-iba ang ayos nito. Maiksi na ang dating mahaba nitong buhok, wala na rin itong mga kolorete sa mukha at higit sa lahat ay nakasuot na ito ng damit na panlalaki.

“Umalis ka na rito! Manloloko ka!” gigil na gigil na sabi nito.

“A-Anong.. bakit moko sinuntok? At bakit ganyan ang ayos mo?!” sabi ni Ruel. Imbes na sumagot ay isa pang sapak ang tinamo ng lalaki.

“Alis.” mapanganib na sabi ni Rein.

Nakauunawang umalis na lamang si Ruel. Naiwan ang dalawa, tulala pa rin si Jin pero pinilit niyang maging matapang ang ekspresyon.

“Wow beks, after ilang days na missing in action ka ay nagbabalik ka ngayon. At action star ka na! Ano yang ayos mo? Hindi ka ba nilalagnat?” taas ang kilay na sabi niya.

Nakita niyang gumalaw ang panga ng binata, titig na titig lang ito sa kanya.

“Tsaka..grabe ang ginawa mo kay Ruel. Diba sabi mo noon ay maayos naman ang paghihiwalay ninyo? Bakit naman kailangan mong saktan ang tao, magmove on kana huy. dalawang taon na rin iyon-“

“Bwisit ka.”

“H-Ha? Hoy teka ha! Bakit ako ang inaaway mo ngayon!” tumaas ang boses na sabi ni Jin.

Pero parang bubwit rin naman siya na umatras nang inilang hakbang lang ng binata ang pagitan nila. Ngayon ay hawak na siya nito sa bewang at titig na titig sa kanyang mukha.

“Ikaw. Ikaw Jinette, ginulo mo ang mundo ko.” bulong nito.

Hindi alam ng dalaga kung ano ang isasagot, kaya itinikom niya na lamang ang kanyang bibig.

“Bwisit ka. Nakakainis ka. Isang Linggo mo ako tinorture dahil ang plano ay.. magbubuntisan lang diba? Bakit affected ako? Bakit hindi lang sa baby ako excited, kundi excited rin na makasama ka habangbuhay? Para alagaan, mahalin..”

Ang bilis ng tibok sa dibdib ni Jin.

“Pinakiusapan ko pa ang malditang Sophie para tawagan ka at yayaing mag-date, tinesting ko kung may tama ka pa rin sa kanya. Kung tibo ka pa rin, kasi umaasa ako na kahit paano ay may naging pwesto ako sa puso mo. Nagdiwang ako.. nagpagupit, nagbago nang tanggihan mo siya! Tapos ay pagpunta ko rito, makikipagyakapan ka lang sa damuhong iyon?!” nagpipigil ng galit na sabi nito.

Di sinasadyang napahagikgik si Jin, nagdiriwang ang puso niya at pati ang anak nila sa tiyan ay nagtatatalon yata sa tuwa.

“Nakakatawa? Funny?” taas ang kilay na sabi ni Rein.

“Eh kasi, seloso ka. Kaya ko lang naman kinakausap si Ruel kasi inggit ako sa kanya na kahit paano naging jowa mo. Kasi nasa isip ko, kahit kailan ay di ka magkakagusto sa babae. Oo mahal mo siguro ang matris ko, pero ako ay hindi. Kaya nga ang hirap magtago ng pag-ibig sayo.”

Ito naman ang nagulat sa rebelasyon niya.

“H-Ha? Mahal mo rin ako?”

Bilang sagot ay hinalikan nalang ni Jin si Rein, tapos ay bumulong rito.

“Buntis ako.”

Napatalon sa tuwa ang binata, isang Linggo lang ay nagpakasal rin ang dalawa. Ano pa ba ang hihintayin nila? Kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

Maligayang-maligaya ang ama ng binata dahil napaka-cute ng apo nito. Nagkaroon pa sila ng tatlong anak.

Masaya ang kanilang samahan dahil ang kanilang pag-ibig ay pinagtibay ng tamang timpla ng respeto, pagkakaibigan at pagtanggap sa isa’t isa.

Advertisement