Hindi Kuntento ang Babae Dahil Maliit Daw ang Ari ng Asawa, Laking Pagsisisi Niya Nang Magkasakit Matapos Tumikim ng Iba

“Mare, Diyos ko! Kagabi, nagsiping na naman kami ng kumpare mo. Ni hindi ko naramdaman, nakapasok na pala!” Tsismis ni Erika sa kaibigang si Ailyn.

“Grabe ‘to! Ang ganda-ganda na nga ng buhay na ibinibigay ng asawa mo sa ’yo. Saka pakiramdam ko naman nalulungkot din ‘yon kapag ‘di ka niya napapaligaya sa kama.” Pagkontra ni Ailyn sa kaibigan. Alam niyang napakabuting asawa ni Manny sa kaniyang kaibigan kaya naman ayaw niyang naririnig na inaalipusta ito ni Erika.

“E, basta! Hindi mo kasi alam ang pakiramdam. Nakakapanlumo! Gabi-gabi na lang ba akong magtitiis?” sagot ng naiinis na na si Erika. Hindi man lang makisimpatya ang kaibigan.

Hindi na sumagot si Ailyn. Alam niyang ipagpipilitan pa rin ni Erika na agrabdyadong-agrabyado siya nang dahil lang sa sukat ng ari ng mister nito.

Nang makauwi si Erika sa kanilang malaking bahay, agad siyang sinalubong ng malambing na asawa.

“Honey! Kumain ka na ba? Maaga akong umuwi galing trabaho kasi naisip kong matagal na kitang hindi naipagluluto.” Paglalambing ni Manny. Siya ang may-ari ng kumpanyang gumagawa ng mga gamot na idini-deliver naman sa maraming ospital.

“Ayoko. Busog pa ako. Kumain ako sa labas.” Masungit na tugon ni Erika. Naalala niya ang mga nangyari kagabi nang makatulog si Manny matapos makaraos, at naiwan siyang bitin na bitin.

“Ganoon ba? Sayang naman. Hindi mo man lang titikman itong kare-kare? Paborito mo ito, hindi ba?” Patuloy na lambing ni Manny.

Advertisement

“Sabing ayoko nga!” Sabay bigwas sa kamay ni Manny na may hawak na kutsara at sinusubukan siyang subuan. Tumapon pati ang platong hawak ni Manny. Imbes na magalit, dahil mahaba ang pasensiya ng mister ay hinayaan na lamang ang pagbabarumbado ng asawa. Wala siyang kaalam-alam kung bakit ganoon ang ikinikilos ng asawa.

Lumipas ang ilang buwan at lalo lamang nadagdagan ang pagkadismaya ni Erika sa tuwing may mangyayari sa kanila. Isang araw ay hindi na niya nakayanan ito at nagyaya nang lumabas kasama ang ilang dating kaibigan.

Napagkasunduan nila Erika, Monica, at Rochelle na pumunta sa isang sikat na bar sa Quezon City kung saan nagsasayaw ang mga hubo’t hubad na guwapong kalalakihan na naglalakihan ang katawan. Agad namang pinayagan ni Manny si Erika dahil ang paalam nito ay mago-overnight lamang sa bahay ng isang kaibigan.

At tulad ng kanilang plano, tig-iisa silang nakapag-uwi ng mga gwapong lalaki. Siniguro muna ni Erika na malaki at mahaba ang sandata ng kaniyang makakasiping. Wala siyang nararamdamang pagka-kunsensiya sa gagawin dahil pangako niya sa sarili na matapos ang gabing ito ay hindi na siya uulit kailanman.

Unang pasok pa lamang sa pagkababae ni Erika ay naramdaman niya agad ang labis na sarap. Pakiramdam niya ay nasa langit siya sa sarap ng pagbayo sa kaniya ng kasamang lalaki. Ngunit dahil may suot na condom, naramdaman niyang may kulang sa nararamdaman niya. Agad niya itong ipinatanggal sa lalaki para maramdaman niya ang kabuuan ng pagkalalaki nito.

Matapos ang isang oras, pakiramdam ni Erika ay narating niya ang rurok ng tagumpay. Agad niyang inabot ang limang libong piso kapalit ng isang napakasarap na gabi.

Matapos ang ilang araw, bumalik na ang noo’y masiyahing si Erika. Malambing na muli siya sa kanyang asawa para hindi ito makaramdam na ginawa niyang manloko noong nakaraang gabi lamang. At dahil madalas mag overtime ang kaniyang mister ng mga nakaraang gabi ay wala pa munang nangyayari sa kanila.

Isang araw nang magising si Erika, napansin niya ang masakit na tila maraming singaw sa kaniyang ari. Agad itong kinabahan dahil nabasa niya noon sa Facebook na isa itong sintomas ng pagkakaroon ng sakit na nakukuha dahil sa pakikipagtalik.

Advertisement

Nagmadali siyang pumunta ng doktor at nagpatingin. Matapos ang ilang oras ng paghihintay upang matapos ang laboratory tests na ginawa sa kaniya, nanghina si Erika nang marinig ang resulta. Sinabi ng doktor na mayroon siyang Herpes, at posibleng mayroon ding HIV.

Lugmok na lugmok si Erika. Naalala niya ang sarap na nadama niya noong isang araw, ngunit natabunan ito ng pagsisisi nang malamang mayroon siyang sakit. Dahil hindi niya alam ang gagawin, agad niyang tinawagan ang asawa para umamin at humingi ng tulong. Tiwala siyang mahal na mahal siya noon at hinding hindi siya iiwan kahit pa sa nagawa niyang kasalanan.

“Mahal? Manny? May kailangan kang malaman…” Panimula ng pinipilit lumuhang si Erika.

Inamin niya ang lahat-lahat sa asawa. Nang matapos siya, yayakapin na sana niya ito nang nagulat siya nang bigla itong tumayo at sumigaw.

“WALA KANG AWA! LAHAT NG PAGPAPASENSIYA KO SA PAG-UUGALI MO, INILABAS KO. LAHAT-LAHAT AY IBINIGAY KO SA IYO. TAPOS DAHIL SA KAKULANGAN KO NA HINDI KO NAMAN GINUSTO, MAGAGAWA MO AKONG LOKOHIN?” Sa lakas ng boses ni Manny ay pinagtitinginan na sila ng mga tao sa ospital.

Agad itong umalis ng ospital at agad tumawag ng mga abogado upang asikasuhin ang kanilang annulment papers. Kahit pa mahal na mahal nito ang asawa, hindi niya matanggap na ginawa siya nitong lokohin.

Makalipas ang ilang taon, sa wakas ay nakatagpo si Manny ng tunay na magmamahal sa kaniya. Habang si Erika nama’y lubog na sa utang sa pagpapagamot sa sarili. Hindi na rin ito nakapag-asawa dahil sa tuwing malalaman ang sakit niya’y natatakot itong mahawa.

Sinayang ni Erika ang halos perpekto na sanang buhay niya nang dahil lamang sa paghahanap ng higit pa.

Advertisement

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.