Inday Trending

Inday Trending

Nabuntis ang Dalaga Kahit Siya ay Birhen, Ikinagimbal Niya ang Totoong Dahilan ng Nangyari sa Kanya

Nabuntis ang Dalaga Kahit Siya ay Birhen, Ikinagimbal Niya ang Totoong Dahilan ng Nangyari sa Kanya
MiracleMysteryStories

Alas singko pa lang ng umaga ay handa na ang mga gamit ni Hershey para sa outing nila ng kanyang barkada.

Matagal na nilang planong magkakaibigan ang mag-night swimming ngunit sa araw lang na iyon nagtugma ang mga schedule nila.

“Hershey, nariyan na sa labas sina Hazel!” sigaw ng ina.

“Opo, lalabas na po!” aniya.

Paglabas ng bahay ay agad nang sumakay ang dalaga sa van at nagpaalam sa ina.

“Ma, alis na po kami!”

“Mag-iingat kayo, ha!”

Ilang oras lang ang biyahe at narating agad nila ang isang private resort sa Laguna.

“Wow, ang ganda naman ng resort na ‘to. Tahimik at solong-solo natin, guys!” sabi ni Hazel sa mga kasama.

“Buti na lang at nagdala kami ni Maru ng pang-toma para mas mag-enjoy pa tayo mamaya!” sabi naman ni Harvey.

“Ows, ang lamig ng tubig! Sarap mag-swimming. Langoy na tayo, guys!” excited na wika ni Hershey.

“Teka, magpalit ka muna ng panligo mo, besh! Ano, lulusong ka na ganyan ang suot mo?”

Ang tinutukoy ni Hazel ay ang suot nitong maong pants at t-shirt.

Matapos magpalit ng damit panligo ay dali-daling lumusong si Hershey sa swimming pool kasama ang mga kaibigang sina Maru at Harvey. Habang si Hazel ay mas pinili munang maghanda ng kanilang pananghalian.

Mabilis na nagdaan ang mga oras at sumapit na ang gabi. Nag-umpisa na rin ang tagayan ng magkakaibigan. Ilang bote rin ng alak ang naubos nila. Matapos mag-inuman ay naisipan nila na muling maligo sa swimming pool para mawala ang amats nila sa katawan. Pagkaahon sa tubig ay hindi namalayan ni Hershey na nakatulog na pala siya sa gilid ng pool sa tindi ng tama ng alak na nainom.

Kinaumagahan ay nagkanya-kanya ng gayak ang magkakaibigan para sa kanilang pag-uwi.

“O, Hershey, nag-enjoy ka ba kagabi?” tanong ni Hazel.

“Oo naman. Bitin nga, e!”

“Di bale sa susunod ulitin natin’ to, promise! Para walang mabibitin!”

Makalipas ang tatlong buwan mula nang mag-outing ang magkakaibigan ay may nangyaring kakaiba kay Hershey.

“Anak, ano bang nangyayari sa iyo at kanina ka pa nagdududuwal?” nagtatakang sabi ng ina.

“Hindi ko rin po alam. Nahihilo rin po ako!” aniya.

Sinamahan siya ng ina sa ospital at ipinatingin sa doktor. Nagulat ang dalawa sa sinabi nito.

“Congratulatons, it’s positive! Buntis ka hija!” bunyag ng doktor.

“Ha, h-hindi po maaari ang sinasabi niyo, dok dahil virgin pa po ako at wala pang karanasan sa pakikipagtalik!” giit ng dalaga.

“Oo nga po, dok! Wala ngang boyfriend ang anak ko tapos sasabihin niyo ay buntis siya. Baka nagkakamali lang kayo?” wika ng ina ni Hershey.

Naniniwala kasi ito sa kanyang anak. Kahit kailan ay hindi ito nagkaroon ng manliligaw o kasintahan, kaya imposible itong mabuntis.

“Hindi pa po ako kailanman pumalya sa ginagawa ko. Kung wala kayong tiwala ay magpa-second opinion kayo sa ibang doktor,” anito.

Ganoon nga ang ginawa ng mag-ina. Nagpa-konsulta sila sa ibang doktor ngunit gaya nang sinabi ng unang doktor na tumingin kay Hershey, lumabas sa pagsusuri na totoong buntis nga ang dalaga.

“Hind ito puwede, paanong nangyari ‘to, Ma?” hagulgol niya habang nakayakap sa ina.

“Diyos ko, anong kababalaghan ang nangyari sa anak ko!”

“Sigurado ka ba na hindi ka kailanman nakipagtalik?” tanong ng pangalawang doktor na sumuri sa kanya.

“Hindi po talaga, dok!” patuloy niyang tanggi hanggang sa may maalala siya.

“P-pero dok, n-nung nag-swimming ako sa pool nang mag-outing kami ay naligo din ang mga kaibigan kong lalaki. D-di po kaya may ginawa silang kalokohan, baka nag-m*sturbate sila sa pool tapos pumasok sa ari ko iyong sperm nila? Diyos ko, maluwag pa naman ang suot kong shorts na panligo,” sabi niya rito.

“No, hindi iyon posible! Hindi ka maaaring mabuntis dahil may nag-m*sturbate lang na lalaki sa swimming pool. Kaunting minuto lang ang itinatagal ng buhay ng sperm ng lalaki sa tubig. At dahil may chlorine o iba pang kemikal na nahalo sa tubig ng swimming pool ay mabilis itong mag-dry sa tubig. Napakalabo rin na makarating agad sa iyo ang sperm dahil oras na lumabas ito sa ari ng isang lalaki sa tubig ay napaka-bagal ng aabutin nito,” paliwanag pa ng doktor.

Mabilis na kumalat ang tsismis at naging usap-usapan ang biglaang pagbubuntis ni Hershey. Pinagtaasan naman ng kilay ng ibang kapitbahay ang nangyari sa dalaga. Hindi naniniwala ang mga ito na walang gumalaw kay Hershey. Pinipilit talaga ng mga dalahira na may itinatago itong nobyo, ayaw lang ipaalam sa ina at baka magalit ito.

Habang nasa kuwarto ang dalaga ay naisipan niyang gamitin ang isa niyang cellphone na ginamit niya nang nag-outing sila. Matagal niya iyong hindi ginamit dahil madaling ma-lowbat. Nang tingnan niya ang mga nakasave na litrato sa cellphone ay may napansin siyang ‘unnamed’ video.

“Ano kaya ito? Wala naman akong natatandaan na nag-save ako ng video, a!”

Agad niyang pinanood ang video at laking gulat niya nang makitang video iyon na nag-iinuman silang magbabarkada nang nag-night swimming sila. Ikinagimbal din niya na nakunan din sa video kung paano siya ginawan ng kahalayan ng isa sa mga kaibigan niyang lalaki na si Harvey, habang kinukunan sila ng video ni Maru. Nakita rin niya na hindi siya nagawang tulungan ng kaibigang si Hazel dahil tulug na tulog ito sa sobrang kalasingan.

“F*ck! Ang mga hayop! Cellphone ko pa talaga ang ginamit!” tanging nasabi niya sa sarili.

Mangiyak-ngiyak siyang napatakbo sa kuwarto ng ina at agad na ipinapanood ang video.

“Ang mga animal! Ide-demanda natin ang mga hayop na iyon!” galit na wika ng ina.

Ipinaaresto ng mag-ina sina Harvey at Maru sa ginawang pangbababoy sa dalaga. Inamin naman ng lalaki na sinadya nito ang panghahalay kay Hershey dahil matagal na pala itong may gusto sa dalaga at nang makakuha ng pagkakataon ay isinakatuparan nito ang plano kasabwat ang kaibigang si Maru.

“Bakit niyo nagawa iyon, sa akin? Itinuring ko pa naman kayong mga kaibigan!” lumuluhang sabi ni Hershey nang puntahan ang dalawang lalaki sa kulungan.

“Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko! Matagal kong pinanabikan ang maangkin ka kaya laking tuwa ko nang may mangyari sa atin.” tatawa-tawang sabi nito.

“Walang hiya ka talaga! Hindi mo ba alam na sinira mo ang buhay ko? P-pero hindi pala totally na nasira dahil may maganda rin namang idinulot ang ginawa mong pananamantala sa akin.”

“Ha, b-bakit? Huwag mong sabihing…”

“Oo, buntis ako at ikaw ang ama, Harvey! Ang inakala kong nabuntis ako kahit akoy birhen ay isa palang malaking kalokohan dahil ikaw pala ang salarin sa nangyaring kababalaghan sa akin.”

Hindi nakapagsalita ang lakaki at napayuko sa sobrang guilty.

“Huwag kang mag-alala dahil mamahalin ko pa rin ang magiging anak natin kahit pa bunga siya ng pagkakasala mo! Hindi ko siya idadamay at sisisihin sa ginawa mong ka-demonyohan sa akin!” wika pa niya sa lalaki.

Inakala man na isang kababalaghan ang pagbubuntis ni Hershey ay napagtanto naman ng dalaga na hindi dapat siya labis na nagtitiwala kahit pa sa mga itinuturing na kaibigan. Ikinapahamak pa niya tuloy ang sobrang pagtitiwala sa mga ito.

Kahit pa ganoon ang kinahantungan niya ay biniyayaan naman siya ng malusog at magandang anghel na palalakihin niya bilang isang mabuting tao.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

More Stories