Mama, Akala Ko Wala Ka Na

Labis na nagluksa ang buong pamilya nila dahil pumanaw na ang kanilang ilaw ng tahanan. Taong 2013 nang magdesisyon itong magtrabaho sa abroad para matustusan ang pangangailangan ng mga anak. Maayos naman na nagpapadala ang Mama Delia nila, ngunit makalipas ang isang taon ay tinawagan sila ng ka-trabaho nito upang ibalita ang masamang nangyari sa kaniyang mama.

Yumao na daw ito, kasama ito sa gumuhong gusali sa Hongkong dahil sa malakas na lindol. Pero wala namang katawan o labi na nakita. Ang sabi-sabi ay nalibing na daw na buhay ang mama nila kasama ang iba pang mga nawawala. Nakita niya kung paano umiyak ang kanilang ama noong nalamang wala na ang kanilang ilaw ng tahanan.

Makalipas ang maraming taon at ngayon nga ay si Helen naman ang sumubok na mag-abroad upang suportahan ang pangangailangan ng kaniyang mga kapatid. Lima silang magkakapatid at siya ang panganay. Kamam*tay lang ng papa nila nung nakaraang taon kaya ulilang lubos na sila at wala na silang ibang maaasahan kaya nag-desisyon siyang mag-trabaho sa ibang bansa dahil mas malaki ang sahod kaysa dito sa Pinas.

“Ate, umuwi ka sa’min ng buhay ah?” mahigpit na bilin ni Troy ang pangatlo sa kanilang magkakapatid.

“Oo, Troy pangako iyon,” aniya sabay yakap sa apat niyang mga kapatid.

Alam niyang natatakot ang mga itong magaya siya sa ina nila. Kung hindi siya magsasakripisyo paano niya mapapaaral ang mga kapatid? Siya na ang tumatayong nanay at tatay ng mga ito kaya hindi pwedeng hindi niya alagaan ang kaniyang mga kapatid.

Sa Japan siya pumunta at doon papasok bilang isang factory worker. Malaki ang sahod at sapat upang pag-aralin at maibigay ang pangangailangan ng mga kapatid niya. Kahit mahirap ang mga gawain ay nagiging magaan ang lahat lalo na kapag nakikita niya ang ngiti sa mukha ng mga ito.

Araw ng linggo, day-off niya at nagkasundo silang magkakatrabaho na mamasyal sa magagandang tanawin sa Japan. Habang namamasyal si Helen ay bigla siyang napatingin sa babaeng pamilyar na pamilyar sa kaniya. Kahit ilang taon na niya itong hindi nakikita.

Advertisement

“Mama?” mahina niyang tawag sa babae na agad din naman siyang nilingon. “Mama Delia, ikaw po ba iyan?” tanong niya sa babaeng nabigla sa presensiya niya.

“Helen, anak?” mahinang wika nito.

“Ako nga. Akala ko ba p*tay ka na? Bakit nandito ka ngayon at buhay na buhay?” may halong panunumbat niyang wika. Akmang lalapitan siya ng ina upang yakapin ng umatras siya.

“Patawarin niyo ako. Hindi ko sinasadya,” humihikbing wika nito. Ibig sabihin pala ay niloko lang sila nito? Sinabi lang nitong p*tay na siya pero ang totoo talaga ay buhay na buhay naman talaga at humihinga at sa klase ng itshura nito ngayon ay mukhang marangya na ang buhay ng ina.

“Ang sama mo! Sinabi mong wala ka na upang takasan ang obligasyon mo sa’min na mga anak mo! Grabe ka sana nga nam*tay ka na lang talaga!” inis na inis niya wika.

“Sino ka para sabihin iyan sa mama ko!” singit naman ng lalaking mukhang hapon pero magaling managalog. Mas lalo siyang nasuklam dahil sa tinawag ng lalaki sa kaniyang ina. Ibig sabihin may anak ito sa ibang lalaki!

“Joevan,” pigil ng kaniyang ina sa lalaki.

“Hindi mo ba alam kung anong klaseng pahirap ang nangyari kay mama bago siya naging maayos? Tapos sasabihin mo lang na sana nam*tay na lang talaga siya?” salubong ang kilay na wika nito. “Matapos ang aksidente noon sa Hongkong ay nagkaroon ng amnesia si mama at tanging pangalang Delia lang ang hindi nawala sa isip niya, kahit apilyedo niya’y hindi niya matandaan.

Advertisement

Sa awa ng papa ko sa kaniya ay dinala siya nito sa bahay upang magpagaling dahil wala talagang maalala noon si mama. Ilang taon siyang naging ganun. Hanggang sa magpakasal sila ni papa at bumalik lang ang lahat ng alaala niya nung pumanaw ang papa ko. Doon niya na kayo naaalala.

Pinahanap namin kayo ngunit wala na kayo doon sa address na natatandaan ni mama. Kaya bago ka masuklam sa kaniya, alamin mo muna kung ano ang totoong istorya. Hindi iyong inuuna mo ang galit mo. At saka hindi niya aako nak, anak ako ni papa sa unang asawa pero lumaki ako kay Mama Delia, kaya mas nasanay akong kasama siya. Hindi siya naging masamang ina sa inyo, talaga nga lang nakalimutan niya kayo dahil sa aksidenteng nangyari,” mahabang paliwanag ng lalaking tinawag ng mama niyang “Joevan.”

Nakaramdam siya bigla ng konsensya sa nasabi kanina. Tama si Joeavan, bago siya magalit sa ina sana tinanong niya muna ito kung anong nangyari? Bakit nagpanggap itong p*tay na sa mahabang panahon.

“Patawarin mo ako anak. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Ang tagal ko kayong pinahanap sa Pinas mula noong bumalik na ang alaala ko. Pero hindi ko kayo mahanap. Minsan man hindi ako nawalan ng pag-asang balang araw magkikita rin tayong lahat, pero hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon pa tayo magkikita,” umiiyak na wika ni Delia.

Parang may sariling isip naman ang kaniyang dalawang paa dahil kusa iyong naglakad palapit sa ina upang yakapin ito.

“Sorry po mama. Hindi ko alam ang pinagdaanan niyo. Hindi ko alam ang nangyari sa inyo. Patawarin niyo po sana ako,” humihikbi niyang wika.

“Ayos lang iyon anak. Naiintindihan ko ang galit mo. Patawarin niyo rin ang mama kung nakalimutan ko kayo,” humahagulhol nitong wika.

Nagkwentuhan silang mag-ina kasama si Joevan. Lahat ng nangyari sa buhay nilang magkakapatid pati na ang papa nila ay kinuwento niya sa ina. Masaya itong nalaman na maayos silang napalaki ng papa nila at nalukungkot rin ito dahil man lang nito naabutan ang papa nila. Hindi pa naman huli ang lahat.

Advertisement

May panahon pa sila upang sulitin ang mga panahong nawala ito sa tabi nilang magkakapatid. Araw-araw nitong ka-video call ang mga kapatid niya at nangakong sa susunod na taon ay uuwi sila ng Pinas upang magsama-sama silang lahat. Walang paglagayan ang saya ni Helen dahil nakita nilang muli ang mama nilang akala nila ay p*tay na. Hindi pa rin pala sila ulilang lubos dahil buhay pa ang kanilang mama.