Ang Sikreto ng Aking Mister

Gulat na gulat si Betina nang makitang isang beses na may bahid ng lipstick ang damit ng kaniyang asawang si Raul. Hindi siya mapakali sapagkat kinukutuban siyang baka may ginagawang hindi maganda ang kaniyang asawa.

“Hindi ko akalain, Mars, na magagawa sa akin ng asawa ko ‘to,” iyak niya sa kaniyang matalik na kaibigang si Lisa.

“Sa tagal ng pinagsamahan namin ni Raul bilang magkaibigan at magkasintahan, at ngayon namang mag-asawa na ay hindi mo maiisip na makakagawa siya ng ganitong bagay sa akin,” aniya.

“Mars, baka naman walang babae si Raul. Baka naman hindi sinasadya na natalisod lamang siya sa isang babae at hindi sinasadya na maidikit ito sa damit ng asawa mo,” tugon ni Lisa.

“Sa tingin mo ba, mars, ay possible ‘yang sinasabi mo? Ayokong paghinalaan ang asawa ko na may kabit siya. Pero isipin mo naman, Mars, kung paanong malalagyan ng lipstick itong kwelyo ng damit niya. Baka naman hindi natalisod ang babae, mars, kundi kayakap niya,” dito na napahagulgol ang misis.

“Tama na nga ‘yang pag-iisip mo ng kung anu-ano. Ang mabuti pa ay kausapin mo na lamang si kumpareng Raul. Tiyak naman s pagkakakilala mo sa kaniya ay alam mo kung nagsisinungaling siya o nagsasabi ng totoo,” payo ni Lisa.

“May kriminal bang umaamin sa nagawa niyang kasalanan, mars?” tanong niya.

“Oo naman, mars, yung may mga konsensya. Eh, tingin ko naman may konsensya ‘yang asawa mo, kaya aamin din ‘yan,” natatawang sambit ng kaibigan.

Advertisement

“Puro ka naman biro diyan, Lisa. Nakita mo na ngang sobra na ang hinagpis ng dibdib ko,” saad ni Betina.

“Ikaw kasi, hindi mo pa nga nakakausap ang mister mo ay kung anu-ano na ang pumapasok diyan sa isip mo,” saad ng kaibigan.

Kinagabihan ay naghahanda si Betina upang tanungin ang kaniyang mister. Nang makauwi si Raul ay agad niya itong sinalubong.

“Ginabi ka na ng uwi, mahal. Saan ka galing?” tanong niya sa asawa.

“May tinapos pa kasi kami sa opisina, mahal. Pasensiya ka na,” tugon ito habang nagmamadaling bumaba ng kaniyang sasakyan.

“Ihing-ihi na ako, mahal, saglit lang!” aniya habang patakbong nagtungo sa palikuran.

Habang kinukuha ni Betina ang gamit sa opisina ng kaniyang asawa sa loob ng sasakyan ay hindi sinasadyang nakita niya ang isang lipstick sa baba ng upuan. Lalo pa siyang kinabahan ng makakita ng pang pusod katabi ng lipstick.

“Sinasabi ko na nga ba at may babae ang asawa ko. Pero kung umarte siya dito sa bahay ay tila wala siyang ginagawang masama,” bulong niya sa sarili.

Advertisement

Agad niya itong ikinuwento sa kaniyang kaibigang si Lisa nang makatulog na ang mister. Agad silang nagplano ng gagawin upang mahuli sa akto na nangangaliwa si Raul.

“Sa tingin ko talaga, mars, sa condo namin dinadala ‘yung babae. Kasi minsan na nagpunta ako doon ay may nakita naman akong mga hair pin. Hindi naman ako nagsusuot ng ganon sa aking buhok. Saka ‘yung suklay na nasa sasakyan niya ay may mahabang buhok. Alam ko buhok ng babae niya ‘yun!” sambit ni Betina.

“Kakalbuhin ko talaga ang babaeng ‘yun at puputulan ko ng ari itong asawa ko kung mapapatunayan kong nagtataksil siya sa akin!” gigil niyang saad sa kaibigan.

“Sige, bukas ay sasamahan kita na sundan siya sa condo ninyo. H’wag mong kalimutan ang susi para mabulaga sila,” saad ni Lisa.

Kinabukasan ay isinagawa ni Betina at Lisa ang kanilang plano.

“Ang sabi ng isang janitor doon ay nakita daw nila ang asawa ko na naroon nga sa condo. Pero ang sabi nila ay mag-isa lamang daw itong umakyat sa unit namin,” pagtataka niya.

“Siguro ay kinana pa naghihintay ang halparot niyang babae sa silid namin,” hinala niya, “Mars, nanghihina ako. Hindi ko alam ang magagawa ko sa dalawang ‘yon kapag natiyempuhan ko sila,” aniya.

Agad silang nagtungo sa condo. Natural lamang silang kumilos upang walang maghinala na mayroong silang binabalak. Ayaw rin kasi ni Betina na magkaroon ng iskandalo. Habang patungo sa kanilang unit ay hindi naman maintindihan ng ginang ang nararamdaman niyang kaba at galit. Ngunit nais na niyang malaman ang katotohanan.

Advertisement

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanilang condo unit. Marahan siyang nagtungo sa silid at nang kaniyang buksan ay tumambad sa kaniya ang isang nakatalikod na babaeng mahaba ang buhok at sexy ang pananamit. Sa kaniyang galit ay agad niya itong sinunggaban.

“Walanghiya kang babae ka! Maninira ka ng relasyon!” halos mapatid ang litid niya sa pagsigaw. Todo naman sa pag-awat ang kaniyang kaibigang si Lisa. Nang tangka niyang sabunutan ang babae ay nahulog ang buhok na isa lamang palang peluka. Natigil ang lahat. At nang kanilang pagmasdan ang itusra ng babae ay lubusan nila itong ikinabigla.

“Raul?” nagulantang na sambit ni Betina.

“A-anong ibig sabihin nito, mahal? Bakit ka nakabihis pambabae. Bakit ka naka make up?” nangangatal niyang tanong.

“Sumagot ka, Raul! Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?” aniya.

“Patawad, Lisa. Matagal ko nang gustong aminin ito sa’yo kaso natatakot ako na baka hindi mo ako matanggap,” wika ng mister.

Nagugulumihanan naman si Betina sa mga sinasabi ng asawa.

“Mahal, matagal ko nang alam na isa akong binabae. Pero pinigilan ko ang damdamin ko sapagkat tunay na mahal kita. Pinipilit kong magpakalalaki pero hindi na talaga kaya ng dibdib ko ang itago pa ang katotohanan. Kaya sa tuwing nararamdaman ko ang pangangailangan na aminin ko ito sa aking sarili ay nagpupunta ako sa condo at gumagayak ng ganito upang sa gayon ay walang humusga sa akin,” naiiyak niyang sambit.

Advertisement

“Hirap na hirap na ako, mahal, pero anong magagawa ko? Ito ang tunay kong pagkatao,” dagdag pa ni Raul.

Napayakap na lamang sa kaniya si Betina. “Ang akala ko, mahal, ay may babae ka na. Takot na takot ako na ipagpalit mo ako sa iba dahil mahal kita masyado. At itong pagmamahal ko rin sa’yo ang magiging daan upang tanggapin ka ng husto,” saad ng misis.

“Wala akong pakialam kung ano pa ang kasarian mo, Raul. Basta para sa akin ikaw ang nais kong makasama habang buhay,” sambit ni Betina sa kaniyang mister. Naging maluwag na ang damdamin ni Raul sapagkat maluwag siyang tinanggap ng asawa sa kabila ng kaniyang inilihim na kasarian.

“May isa lamang akong hiling sa’yo, mahal,” pakiusap ni Betina.

“Maipapangako mo ba sa akin na kahit kailan naman ay hindi ka manlalalaki?” nakangiting wika niya.

Nagyakap sa kagalakan ang dalawa. Tunay ngang walang pinipiling kasarian ang tunay na nagmamahal. At ang tunay na umiibig ay kayang tanggapin ang kaniyang minahamal kahit sino pa siya.