Dalawang Estranghero ang Pinatuloy ni Lolo sa Kaniyang Tahanan; Kapahamakan Pala ang Idudulot Nila

Sina Lolo Rudy at apong si Clara ay nakatira sa isang liblib na lugar. Masukal man at layo-layo ang mga bahay dito ay madalas itong nadadaanan ng mga biyaherong naglalakbay. Nang dahil dito ay nagtayo sila ng isang maliit na sari-sari store upang mayroong mapagkakitaan.

Isang mabagyong gabi habang nagsasara na nang tindahan ang mag-lolo ay may dalawang lalaki na humabol bumili ng biskwit at softdrinks. Ayon sa kanila ay tumirik ang kanilang sasakyan nang dahil sa bagyo kaya sila ay naghahanap ng talyer na mapagpapagawaan ngunit halos isang oras na silang naglalakad at walang makitang talyer.

Sa lakas ng bagyo ay pinakiusapan ng dalawang lalaki na nagpakilalang sina Dante at Joko na magpatila muna ng ulan kina Lolo Rudy. Sa awa ng matanda sa dalawa na mukhang malayo pa ang pinanggalingan ay pinatuloy niya sila sa kanilang tahanan. Ipinakilala niya ang dalawa sa kaniyang apo na si Clara bago inutusang ipaghain ang kanilang mga bisita.

Bagamat unang tingin pa lamang ng dalawa kay Clara ay agad na silang nabighani sa kagandahan ng dalaga kaya kinaibigan agad nila ito.

Habang sila ay naghahapunan ay kinuha nila ang loob ng maglolo sa kanilang pakikipagkuwentuhan. Nung una ay nahihiya at tahimik lang ang dalaga hanggang sa gumaan na rin ang loob niya sa mga ito gaya ng kaniyang lolo at nakipagkuwentuhan na rin siya sa kanila.

Paglalim ng gabi ay ‘di pa rin natila ang malakas na bagyo kaya naman pinayagan na ni Lolo Rudy na doon na magpa-umaga sa kanilang sala sina Dante at Joko habang ang maglolo ay pumasok na at magpapahinga na silid ng bawat isa.

Ilang oras ang nakalipas, pagsapit ng hatinggabi ay nakarinig si Lolo Rudy ng ingay mula sa labas ng kaniyang silid hanggang sa bigla niyang narinig ang iyak ng kaniyang apo na si Clara na humihingi ng saklolo. 

Agad napabangon si Lolo Rudy at pinuntahan si Clara dala-dala ang kaniyang itak. Pagkapasok niya rito ay ikinagulat niyang makita sina Dante at Joko sa loob. Nakita niyang hawak-hawak ni Dante ang kaniyang dalagang apo at pinipigilan magpumiglas sa kama habang si Joko naman ay pasunggab na sa inosenteng dalaga.

Advertisement

“Lolo, tulungan niyo po ako! Puwersahan po silang pumasok ng kuwarto ko!”

Sinugod ng itak ni Lolo Rudy si Joko subalit nang dahil sa katandaan ay mabagal at mahina na siyang kumilos kaya naman napigilan ito ni Joko. Nang mabitawan ni Lolo Rudy ang itak ay agad siyang sinuntok sa sikmura ni Joko. Kahit na nasaktan ay pilit na lumaban ang kawawang matanda kaya naman patuloy siyang sinaktan at ginulpi ni Joko hanggang sa mamilipit siya sa sakit.

“Tama na! Huwag niyong saktan ang Lolo ko! Maawa kayo! Tama na!” pagsisigaw ni Clara.

“Manahimik ka at sumunod sa gusto namin kung hindi ay tutuluyan namin ang lolo mo,” pagbabanta ni Joko kay Clara.

Napatigil si Clara sa pagsisigaw ngunit ‘di niya mapigilan ang pag-iyak para sa kanila ng kaniyang lolo.

Sa ‘di kalayuan ay may dalawang lalaki na naka-unipormeng pampulis ang patungo sa bahay nila Lolo Rudy.

“Kamusta na kaya sina Lolo? Huwag naman sana sila nagkakaproblema sa bahay ngayon nang dahil sa bagyo,” ang sabi ni Ronald.

“Sana nga. Pero tara bilisan natin para malaman natin ang kalagayan nila. Siguradong magugulat si Lolo at matutuwa ang kapatid natin sa pangsosorpresa natin pag-uwi ngayon,” ang sabi ni Robert sa nakababatang kapatid.

Advertisement

Maya-maya nang nasa labas na sila ng kanilang bahay ay may narinig silang babaeng umiiyak. Nang makilala nilang iyak ito ng kanilang bunsong kapatid na si Clara ay agad silang sumugod sa loob ng bahay. 

Nadatnan nilang pilit na nanlalaban si Clara sa sapilitang panghuhubad ng dalawang lalaki rito.

Agad na sinugod nila Robert at Ronald sina Dante at Joko. Sila ay nagkasuntukan hanggang sa nadampot ni Dante ang itak ni Lolo Rudy at itinutok ito kay Clara upang gawing hostage sa kanilang pagtakas.

Kahit na ganoon ay sinubukang pigilan ni Robert ang dalawa sa pagtakas kaya tinutukan niya ito ng baril upang pasukuin ng maayos. Ngunit nang akmang tatagain na ni Dante si Clara ay napilitan si Robert na barilan ito sa binti dahilan upang mabitawan nito ang itak at makalaya si Clara.

Pagkabaril kay Dante ay agad na tumakbo si Joko palabas ng bahay habang nagpapaputok ng baril na naagaw niya kay Ronald nung sila ay naglalaban. Nadaplisan ng bala si Robert sa balikat ngunit pilit niya pa rin itong hinabol hanggang sa nagkapalitan sila ng mga putok ng bala at natamaan si Joko na nagpatumba rito.

Nahuli nila Robert at Ronald sina Joko at Dante. Sila ay dinala sa ospital kasama ng iba pang mga awtoridad na rumesponde sa kanilang bahay.

Nung gabi ding ‘yun ay nadala rin sa presinto si Dante at nakulong matapos magamot sa ospital habang si Joko ay hindi na umabot pa rito. Malubha ang naging tama niya sa pakikipagbarilan kay Robert na kaniyang ikinam*tay.

Nang dahil sa pangyayaring ito ay natutunan ng mag-lolo na huwag basta-basta magtitiwala lalo na sa mga taong kakakilala pa lamang nila.

Advertisement

Si Robert naman ay hindi na hinaayaan pang doon manatili ang lolo at bunsong kapatid. Matapos magpagaling ni Lolo Rudy ay agad nang pinalipat ni Robert ang dalawa ng tirahan kasama nila ni Ronald sa siyudad.

Nakakatakot man ang naranasan ng mag-anak ay pinilit nilang magpakatatag upang makapagpatuloy sa buhay.