Kinamkam ng Lalaki ang Lupa ng Pinsan Niya Dahil Wala Naman Itong Alam, Matapos ang Maraming Taon ay Triple ang Kamalasang Bumalik sa Kanya

Simula pagkabata ay sa Nueva Ecija na lumaki si Roy, hanggang ngayong mayroon na siyang mga anak ay pagsasaka ang ipinangbubuhay niya sa mga ito. Maayos na sana ang lahat kaya lang ay may itinatagong kasamaan ng ugali ang lalaki, mahilig siyang tumingin sa yaman ng iba at palaging naiinggit sa kapwa. Iniisip niyang hindi pantay ang buhay dahil dapat ay mayaman din siya, tulad ng iba. Isa siya sa mga taong handang gumawa ng kasamaan basta makahawak lamang ng salapi. Katulad ng kanyang binabalak sa pinsang si Danilo.

Si Danilo ay isa ring magsasaka, mayroon itong tatlong anak. Pero di tulad niya, kuntento sa payak na pamumuhay ang lalaki. Hindi ito nakapag aral at ni hindi pa nakatapos ng elementary pero meron itong mabuting puso. Ang intensyon nitong tumulong sa kapwa ay walang halong pag iimbot at hindi naghihintay ng kapalit. Pumanaw na noong isang buwan ang nanay ni Danilo at narinig ni Roy na dito raw ipamamana ang lupa ng matanda. Syempre, nakuha agad noon ang kanyang interes. Kailangan niyang mauto ang pinsan.

“Insan.. maraming peste doon sa amin e, yumayaman na nga iyong tagahuli ng daga sa dami.” bati ni Roy kay Danilo nang dalawin niya ito sa bahay. Naroon ang kanyang mga pamangkin, si Daniel, Divina at Dencio.

“Sa akin nama’y wala masyado. Salamat sa Diyos at wala akong ipapakain sa mga batang ito kapag naunahan ako ng peste sa ani, bale ba’y ang hirap sa bentahan ng bigas ngayon! Ang gulay e kahilig nilang mambarat,” sabi naman ni Daniel.

Nakangisi naman si Roy habang minamasdan ang pinsan, tuloy lang ang lalaki sa pagsasalita. Walang kaalam-alam sa mga maitim niyang binabalak, ang tanga-tanga kasi nito, ayaw kilalanin ang mga pinagkakatiwalaan.

“Insan, balita ko’y sa iyo ipinagkatiwala ang lupa ni Auntie?” panimula niya.

“Oo, ako nga’y nagpapasalamat at mapapakinabangan pati. Malaking tulong sa amin ang lupa ng nanay, tamang tama’t lumalaki ang mga bata eh lumalaki rin ang gastos.” sagot naman nito.

“Ano ka, mayroon nga akong alam, sabi lang ng kumpare ko sa bayan. Iyon daw educational plan? Tipo bang huhulug-hulugan mo sa ngayon, tapos pag magkokolehiyo na ang anak mo, sila na ang sasagot kahit saang eskwela,” sabi niya. Alam niyang kapag mga anak nito ang ginamit niya ay makukuha niya agad ang intensyon nito.

Advertisement

“Aba maganda ano! Magkano naman raw iyan?” inosenteng tanong ni Danilo.

“Dalawang libo kada bata, sa isang buwan. Bale anim na libo.” simpleng sabi niya, para namang nadismaya si Danilo nang marinig ang halaga.

“Insan, ang dalawang libo nga eh napakahirap kitain sa ngayon. Di bale na, mukhang igagapang ko talaga makatapos lang ang tatlo,”

“Hindi… ano ka ba. Nawawalan ka ng pag asa! Kaya ko nga sinabi sa iyo’y matutuwa ka, nang malaman ko to ikaw agad ang naisip ko. Pwede raw ang lupa insan! Kumbaga kung magkano ang halaga ng lupa mo iyon na rin ang katumbas, sa tantya ko’y may 200,000 pesos ito e. Isipin mo naman para ka nang nagtabi ng pera para sa mga bata, ang kaigihan lang e lumalago, tumutubo. Interest ang tawag doon,” sabi niya. Inimbento niya lang lahat yan, alam niya naman kasing bobo ang kausap at di siya naiintindihan.

Kalaunan ay napapayag niya rin si Danilo, napapirma niya ito sa dokumentong nagsasabing inililipat na nito ang lupa sa kanyang pangalan, walang alam si Danilo dahil di naman nito alam basahin iyon. Kinamkam ni Roy ang lahat ng para sa kanyang pinsan, tapos ay bigla na lang nawala. Sa sama ng loob ni Danilo unti-unti siyang nanghina hanggang sa siya ay pumanaw.

Makalipas ang maraming taon.

“Hindi hadlang ang kahirapan, para tayo ay magtagumpay. Noon po ay maraming pagsubok ang pinagdaanan ng aming pamilya. Ang tatay ko, maaga kaming iniwan. Kami nalang ng mga kapatid ko ang naiwan sa isa’t isa. Kung anu ano hong trabaho ang pinasok ko mabuhay lamang sila. Waiter, bagger sa grocery, nagtinda rin ho kami ng halu halo basta kumita lang ng extra, nang makatapos ang mga kapatid ko, sa tulong na rin ng scholarship sa school, ako naman hio ang tinulungan nilang makatapos, basta po wag lang tayong susuko.” sabi ng lalaking nagsasalita sa unahan. Napakalinis ng suot nito at halatang mayaman, pero hindi maramot ang lalaki dahil ibinabahagi nila ang blessing sa mga mas nangangailangan.

Tulad ngayon, dumayo sila sa isang squatter’s area , para sa charity. Namimigay sila ng libreng pagkain at nagsasalita pa upang magsilbing inspirasyon sa iba.

Advertisement

Isa sa mga nakapila para sa libreng lugaw ang matandang si Roy, sakay siya ng lumang wheelchair. Hindi na kasi siya makalakad dahil sa sakit na stroke. Mabilis naubos ang perang ninakaw niya sa pinsan maraming taon na ang nakalilipas, siguro ay dahil di naman talaga iyon para sa kanya. At ngayon, alam niyang ito na ang kanyang karma.

Nagulat nalang siya nang bago umalis ang lalaking nagsasalita sa unahan ay nagpakilala ito.

“Naku, muntik kong makalimutan. Ako nga ho pala si Daniel De Jesus, tubong Nueva Ecija.” nakangiting sabi nito.

Ang pamangkin niya!

Napaluha nalang ang matanda at pinilit ang sarili na paandarin ang wheelchair sa lugar na iyon, wala na siyang mukhang maihaharap rito.

Umiikot ang gulong ng buhay.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.