Matagal nang Inaalam ng Dalaga Kung Sino Ba ang Kanyang Ama, Ngunit Nagsisi Lamang Siya nang Makita Ito

Si Marga ang nag-iisang anak na tinaguyod at iginapang ni Olivia sa hirap. Anak niya ito sa pagkadalaga at tunay ngang napakahirap ng pinagdaanan niya. Habang pinagbubuntis pa lamang niya ito ay iniwanan na siya ng kanyang nobyo. Dalawang taon na lang sana at ga-graduate na siya sa kolehiyo ngunit mas pinili niyang magtrabaho para sa anak.

Ayaw ng kanyang nobyo noon na ituloy ni Olivia ang kanyang pagbubuntis dahil parehas pa silang nag-aaral.

“Hindi ako handang akuin yan. Ayaw ko ng obligasyon!” yan ang sigaw ng kanyang nobyo matapos niyang sabihing dinadala niya ang kanilang anak.

Masakit nang marinig niya ito galing sa kanyang minamahal na nobyo. Ngunit kahit mahirap ang kanyang kakaharapin ay hindi nagdalawang isip ang dalaga na ituloy ang pagbubuntis niya.

Nagtrabaho siya bilang kahera sa isang mall sa umaga, at sa gabi naman eh tumutulong siya sa kanyang nanay na tumanggap ng mga paorder na kurtina, punda at kumot na kanilang tinatahi. Ibebenta niya ito sa mga katrabaho niya pagkatapos.

Doble kayod ang kinakailangan niya dahil gusto niyang mapagtapos ang kanyang nag-iisang mahal na anak.

Nang mag dalaga na si Marga, nag simula na siyang mag tanong tungkol sa kanyang ama. Tuwing maiisip ay mangungulit ito sa kanyang ina kung sino ba ang kanyang ama.

“Ma.. Eh bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung sinong tatay ko? Ma naman eh,” pagpupumilit ng dalaga.

Advertisement

Ngunit hindi ito sinagot ni Olivia.

“Ma, alam mo bang inaasar ako school? Bakit daw wala akong middle name, abnormal ba raw ako?!” sambit nito.

Napaisip si Olivia sa sinabi ng anak. Nakita rin niya ang sakit sa mga mata nito kaya naman pinagbigyan na rin niya ang kahilingan nito.

“Halika nga rito. O heto ang pagkakaalam kong address ng tatay mo. Hindi lang ako sigurado kung andyan pa rin siya dahil matagal na akong di nakikipagusap. Antonio Lee ang pangalan ng tatay mo,” sabi ni Olivia.

Tila nagliwanag ang mga mata ng dalaga sa pagkasabi ng pangalang Antonio Lee. Pinaulit-ulit niya ito sa kanyang isip at hindi mapigilang ngumiti ngayong maaari na niyang makita ang tatay niya.

“Kamuka ko kaya siya?” tanong nito sa isip.

Sinubukang puntahan ni Marga ang address na binigay ng kanyang ina. Isang mala palasyong bahay ang nakita niya sa lugar na iyon at dali-dali siyang nag-doorbell.

Isang kasambahay ang sumalubong sa kanila at nag tanong, “Sino ho sila?”

Advertisement

“Ay hello po, ako po si Marga tatanong ko lang sana kung dito ba nakatira si Antonio Lee?” sabi ng dalaga.

“Ah bakit? Anong kai-” bago pa matapos ang tanong ng kasambahay ay may pumitpit na sasakyang palabas ng malaking mansyon.

“Saglit lang iha, palabas na kasi sila sir,” paalam ng kasambahay.

Nasilip ni Marga na kinausap ng kasambahay ang lalaking nasa sasakyan. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makitang naglalakad ang lalaki papalapit sa kanya.

“Yes miss? What can I do for you?” tanong ng lalaking naka-business attire. Sa tindig pa lamang nito’y malalaman mong isa siyang mayamang tao na para bang may ari ng malaking kumpanya.

“Ka-kayo po ba s-si Antonio Lee?” nauutal na tanong ni Marga.

“Yes, that’s me. Anong kailangan mo, iha? Please make it quick dahil marami akong hinahabol na meetings,” naiiritang sagot ng lalaki.

Hindi agad nakasagot si Marga matapos niyang makumpirma na ito nga ang kanyang ama!

Advertisement

Tinitigan niyang mabuti simula ulo hanggang paa ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Nang biglang…

“Bigyan mo nga ng sobre ‘to,” sigaw nito sa kasambahay. “Kailangan pang magpaawa, pera lang din naman ang kailangan nito!” pahabol na sabi pa nito.

“Anak po ako ni Olivia, ako si Marga! A-nak niyo ho ako. Olivia De Leon ang buong pangalan ng mama ko,” nagmamadali at nanginginig na sabi ng dalaga.

Napabalik ang lalaki ng marinig ang sinabi ni Marga. Makikita sa kanyang mukha na alam niya ang sinasabi ng dalaga ngunit para itong sikretong ayaw niyang mabunyag.

“Miss, pwede ba? Wala akong ibang anak. I don’t know you. I don’t know any Olivia. Kung kailangan mo ng pera, bibigyan kita wag ka lang magimbento ng kwento!” sigaw nito sabay talikod para sumakay nang muli sa sasakyan.

“Isara ang gate! At wag na wag ieentertain yang batang yan!” galit na galit na sigaw nito sa kasambahay.

Umuwing luhaan ang dalaga. Masakit para sa kanyang makitang ganon pala ang kanyang ama. Tumatak sa kanyang isipan ang kasamaan nito at naisip na tama lang palang lumayo ang kanyang nanay sa lalaking ito.

Mahigpit na lamang syang niyakap ng kanyang ina.

Advertisement

“Anak, sana naiintindihan mo kung bakit ko tinago ang lahat sa’yo. Ayaw kitang masaktan. Ayaw kitang makitang nasasaktan dahil sa papa mo. Sana mahanap mo sa puso mo ang kapatawaran,” bulong nito sa kanyang dalaga.

Wala nang nasabi si Marga. Ang tanging nasa isip lamang niya ay kung papaano niya mapapatawad ang nakilalang ‘tatay’ niya.

Limang taon ang lumipas…

“MARGA DE LEON… CUM LAUDE…”

Malakas na palakpakan ang sumalubong kay Marga habang siya ay paakyat ng stage. Sa kanyang pagbaba ng hagdan ay deretso syang tumakbo papunta sa kanyang nanay.

“Ma! Para sa’yo to!” at inabot niya ang kanyang medalya.

“Para sa atin to ma, salamat kasi hindi ka sumuko sa akin,” naiiyak na dagdag ng dalaga.

Walang mapagsidlan ang kasiyahan ni Olivia na makitang nakatapos na ang kanyang anak. Nagyayakapan pa ang dalawa nang may tumawag sa kanyang pangalan na pamilyar ang boses.

Advertisement

Bago pa man sumagot si Olivia, si Marga agad ang nagsalita, “Mister Lee anong ginagawa mo dito?”

“Gusto kong humingi ng sorry. I was not ready nung pumunta ka sa bahay ko noon. But I hope you found in your heart the reason to forgive me now..” sagot ng lalaki.

“Wala po kayong dapat ika-sorry. Pero gusto kong magpasalamat sa’yo sa kadahilanang ikaw ang rason kung bakit ako tumapang sa buhay. Kung hindi mo kami iniwan noon siguro isa lang akong ordinaryong tao na hindi malalaman kung gaano kahirap ang buhay. Na hindi mulat sa realidad ng buhay,” sambit nito.

Magsasalita pa dapat ang lalaki ngunit marami pang gustong sabihin si Marga.

“Salamat sa’yo Antonio Lee dahil si mama ang pinili mong babae noon. Napakaswerte ko sa kanya at siya ang naging nanay ko. Salamat sa pagtaboy mo sa akin dahil kung hindi mo ginawa ‘yon, ‘di ko malalaman na kumpleto na pala ako kahit wala ka. Ang nanay ko ang nagturo sa akin na ‘wag magtanim ng sama ng loob sa kahit kanino. Kaya sir Antonio Lee, pinapatawad kita. Pasensya na po pero kailangan na naming mauna at magcecelebrate pa kami ng nanay ko…”

Para bang nabuhusan ng malamig na tubig ang kanyang ama sa sinabi ni Marga. Hindi na niya hinabol pa ang dalawa at napatitig na lang sa kanilang pag-alis.

Masayang namuhay si Marga at ang kanyang ina. Nakapagpundar ng bahay si Marga at niregaluhan niya ng sariling patahian ang kanyang ina.

Nakapag-asawa din ito at sila’y biniyayaan ng dalawang anak na lalaki – si Antonio at si Lee.