Pinaghinalaan ng Mister na May Kinalolokohang Lalaki ang Kanyang Misis sa Cellphone, Laking Gulat Niya nang Lumabas ang Maitim Nitong Sikreto

Bagong kasal sina Jefraim at Aliora. Ilang linggo na rin ang nakararaan nang magsimulang magsama ang dalawa sa iisang bubong.

(photo for illustration purposes only.)

Si Jefraim ay napakabanidosong tao. Masyadong mahal ng lalaki ang kanyang katawan at ang kanyang maputi at makinis na kutis. Napakaselan din ng lalaki. Ayaw na ayaw nito ng madumi at mabahong katabi ngunit iba na kapag kasama na ang kanyang misis, palagi nitong niyayaya na magtalik si Aliora ngunit tumatanggi ang babae dahil hindi pa raw ito handa na gawin nila ang sagradong gawain na para lamang sa mag-asawa.

“Hon, ilang linggo na tayong kasal, bakit wala pa ring nangyayari sa atin?” tanong ng lalaki.

“A, e hindi pa kasi ako ready, hon. Alam mo namang first time ko at galing ako sa konserbatibong pamilya,” sabi ng babae.

“Kailan ka pa magiging handa, hon?”

“Basta, mangyayari rin ang gusto mo!”

Minsan tuloy ay pinagdududahan na ni Jefraim ang asawa kung bakit ayaw nitong magsiping sila. Isang araw, narinig niya ito na may kausap sa cellphone. Ang tagal nang pag-uusap ng kanyang misis at ng kausap nito sa kabilang linya. Maya-maya ay nag-usisa siya.

(photo for illustration purposes only.)

“Hon, sino ba iyang kausap mo?” tanong niya sa asawa.

Advertisement

“W-wala, hon. Kaibigan ko lang. May itinanong lang sa akin,” sagot nito.

“Sinong kaibigan?”

“S-si C-Cecile, tama si Cecile iyong kausap ko. Nagtatanong kung kailan daw ba kami manonood ng sine. Nagpapasama kasi siya na panoorin yung gusto niyang movie e,” sabi ni Aliora na halatang kabado sa pagtatanong ng asawa.

“Sigurado ka?”

“Teka, bakit mo ba tinatanong?”

Dahil parang nakakahalata na ang asawa ay tinigilan na ni Jefraim ang pagtatanong.

Kinagabihan ay niyaya na naman niya ito na magniig sila.

“Hon, hon?” aniya habang hinihimas-himas ang balikat ni Aliora.

Advertisement

“Ano?” ingit ng babae.

“Baka puwede namang makaiskor na ako? Umuulan sa labas, o. Malamig dito sa kuwarto natin, kaya tamang-tama lang na gawin na natin ang dapat nating gawin.”

“Hon, di ba sabi ko sa iyo mangyayari din ang gusto mo. Huwag lang ngayon, please!” pakiusap ng babae.

Nakaramdam ng inis ang lalaki at nagtalukbong na lang ng kumot at pinilit na matulog.

Kinaumagahan, habang nag-aalmusal ay tumunog na naman ang cellphone ni Aliora ngunit wala ang babae at nasa loob ng CR. Napansin ni Jefraim ang walang tigil na pagtunog ng cellphone kaya tinignan niya kung sino ang tumatawag hanggang sa kusa iyong huminto sa pagtunog. Nagulat ang lalaki na pangalan ng ibang lalaki ang naka-register sa cellphone ng asawa.

“Doc, Edgar? At doktor pa talaga ang palaging kausap ng asawa ko?” gulat na sabi ng lalaki.

(photo for illustration purposes only.)

Bigla tuloy nakaramdam ng panliliit si Jefraim dahil sa nalaman. Doktor ang kinahuhumalingang lalaki ng kanyang misis? Samantalang siya ay simpleng empleyado lang sa isang maliit na kumpanya.

“Hindi ko akalaing magagawa mo ito sa akin, Aliora,” sabi ni Jefraim sa kaniyang isip.

Advertisement

Bumuo ng plano ang lalaki para mahuli ang kanyang asawa at ang misteryosong lalaki na palagi nitong kausap.

Isang gabi, habang magkatabi sila sa kama ay bigla na namang tumunog ang cellphone ng asawa.

“Hindi mo ba sasagutin iyan, hon?” tanong niya rito.

Umiling ang babae. “Naku, hon baka si Cecile lang iyan. Ayokong sagutin dahil baka magpasama na naman iyon!” anito.

“Sagutin mo na kaya, baka kasi importante ang tawag na iyan ‘di ba?”

Napakunot ang noo ni Aliora sa pangungulit ng mister na sagutin niya ang cellphone.

“Hay naku, ayokong sagutin iyan dahil may mas importante akong hinihintay na tawag!” sabi ng babae.

Lihim na nagpuyos ang damdamin ni Jefraim sa sinabi ng asawa. Sa bibig na nito nanggaling na may hinihintay nga itong tawag.

Advertisement

Makalipas ang ilang minuto ay muling tumunog ang cellphone ni Aliora. Para bang alam na alam na ng babae ang tunog na iyon kaya nagmadali itong sagutin ang cellphone niya na nakapatong sa kama ngunit bago pa niya ito nahawakan ay agad na nakuha ni Jefraim ang kanyang cellphone. Laking gulat ng lalaki nang makita kung sino ang tumatawag. Sinagot ng lalaki ang misteryosong tawag na iyon na ikinabigla ni Aliora.

“Hon, huwag mong sagutin…” anito ngunit hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang tuluyang kausapin ng mister ang nasa kabilang linya.

“Hoy, sino ka ba? Bakit ba tawag ka ng tawag sa asawa ko? Sa uulitin ay huwag ka nang tatawag ha!” galit niyang sabi sabay baba sa cellphone.

“Hon, bakit mo naman ginawa iyon?” gulat na tanong ni Aliora.

“Hanggang kailan mo ako lolokohin? Akala mo hindi ko malalaman na mayroon kang lalaki at doktor pa?!” bulyaw ng lalaki sa asawa.

“Anong pinagsasasabi mong lalaki?” tanong pa ng babae.

“Kitang-kita ko ang pangalang Doc Edgar na tumatawag sa iyo at palagi mong kausap sa cellphone!”

Biglang natawa ang babae sa sinabi ng asawa.

Advertisement (photo for illustration purposes only.)

“Tama ka na ang palagi kong kausap sa cellphone ay si Doc Edgar. Siya ang dermatologist na tumitingin sa akin!” bunyag ni Aliora.

“D-Dermatologist? Bakit ka komukunsulta sa isang dermatologist?” takang tanong ng lalaki.

“Aaminin ko na ang totoo, hon. Kaya ayaw ko munang may mangyari sa atin ay dahil ayaw kong makita mo ang maitim kong lihim,”

“A-anong maitim na lihim?”

At ipinakita nga ni Aliora ang sinasabing maitim na lihim. “Heto, itong KILI-KILI kong ubod ng ITIM! Ito ang pinakatago-tago kong lihim. Ayokong pandirihan mo ako, kaya naisip kong magpakonsulta kay Doc Edgar para sa operasyon na magpapaputi sa maitim kong kili-kili,” wika ni Aliora.

(photo for illustration purposes only.)

Natawa na rin si Jefraim sa sikretong ibinunyag ng asawa. Hindi pala totoong may kinahuhumalingang lalaki ang misis, nagpapagamot lang pala ito para mawala ang pangingitim ng kili-kili nito.

“Sorry, hon kung pinaghinalaan kita. Dapat kasi sinabi mo sa akin ang kondisyon mo. Hindi naman magbabago ang pagmamahal ko sa iyo kapag nalaman ko ang maitim mong lihim, e. Sa halip ay mas lalo kitang minahal, hon!” wika ni Jefraim habang pinaghahalikan sa labi ang asawa.

“Hayaan mo, hon. Hindi na ako maglilihim pa sa iyo. Promise!” pangako ni Aliora.

Advertisement

Sinamahan ni Jefraim ang kanyang misis sa clinic ni Doc Edgar para sa naka-iskedyul na operasyon nito sa kili-kili. Humingi rin ng paumanhin ang lalaki sa inasal nito ng nagdaang gabi at pinaliwanag sa doktor na maling akala lang pala ang lahat. Naging matagumpay ang operasyon at ang maitim na kili-kili ni Aliora ay naging maputi at kuminis pa. Nangyari na rin ang pinakaaasam na honeymoon ng mag-asawa at di nagtagal ay biniyayaan sila ng kambal na anak.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!