Mahal, Ako Ang Bahala

Galing sa isang mayamang angkan si Larry kaya ganoon na lamang ang pagtutol ng mga magulang nito sa kanyang relasyon kay Marilou palibhasa ay mahirap lamang ang dalaga. Ang ama nito ay isang sastre at ang ina naman ay nag-oohales. Panganay ito sa tatlong magkakapatid at bagamat nakatapos ng hayskul ay hindi na ito pinalad pang makatuntong ng kolehiyo.

Image result for old bowling alley

Maagang nagtrabaho si Marilou upang suportahan ang pag-aaral ng mga kapatid pati na rin makatulong sa mga pang araw-araw nilang gastusin sapagkat matatanda na ang kaniyang mga magulang. At dahil sa angking kagandahan at kasipagan ay madali lamang makahanap ng trabaho ang dalaga. Kung anu-ano ang kanyang pinasok. Nariyan na maging waitress siya, janitress, kahera at marami pang iba. Minsan na rin siyang nagtrabaho bilang ticketing officer sa isang bowling alley. At doon niya nakilala ang binatang si Larry.

Madalas sa lugar na ito ang binata pagkat opisyal itong manlalaro sa larangan ng bowling ng kanilang unibersidad. Hindi maitanggi ni Larry ang naramdaman nang isang araw ay napatingin ito sa dalaga. Higit sa angking kagandahan ni Marilou ay nahulog ang loob ng binata dahil sa angking sipag nito at kabutihan.

Ginawa ni Larry ang lahat upang mapansin siya ng dalaga at nang mapansin ay sinimulan na niyang bihagin ang puso nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Marilou ang pagkakaiba ng kanilang antas sa buhay kaya pilit niyang inilalayo ang sarili sa binata. Ngunit hindi sumuko si Larry at pinatunayan nito na tunay at wagas ang kaniyang hangarin.

Araw-araw niya itong pinupuntahan sa trabaho at hinahatiran ng pagkain. Minsan may dala rin itong bulaklak at nag-aalok palagi na ihatid ang dalaga sa tahanan nito. Upang itaboy ang binata, minabuti niyang hayaan siyang ihatid ni Larry upang makita nito ang sitwasyon ng kaniyang pamumuhay. Ngunit hindi binigyang pansin si Larry ang antas nito bagkus ay lalo pa siyang humanga sa dalaga. Bagamat mahirap lamang si Marilou ay malinis at maaliwalas ang kanilang bahay. Hinubad ni Larry ang kanyang sapatos at dali-daling nagmano sa mga magulang ni Marilou.

Dahil sa masugid niyang panunuyo, hindi naglaon ay nahulog na rin ang loob ng dalaga sa kanya. Ang kaso lang, hindi ito nagustuhan ng mga magulang ng binata sa pag-iisip na pera lamang ang habol nito sa kanila.

“Nagkakamali kayo, Mama! Nagmamahalan kami ni Marilou at walang makakahadlang sa aming nararamdaman,” pagtatanggol ni Larry sa dalaga.

“Ipagpatuloy mo iyang kahibangan mo diyan sa anak ng sastre na yan at itatakwil ka ng buong pamilya at tataggalan ka ng mana,” pagbabanta ng ina ni Larry.

Advertisement

“Sa inyo na ang inyong mana, Mama! Ngunit buo na ang aking pasya. Mahal ko si Marilou at pakakasalan ko siya!” sambit ni Larry.

“Lumayas ka sa pamamahay na ito at kailanman ay huwag ng makabalik balik pa! Hindi ka na parte ng pamilyang ito, isiksik mo iyan sa iyong kokote. Pagka naghirap ka ay huwag na huwag kang makalapit lapit sa amin! Tignan ko kung gaano ang iyong itatagal sa uri ng kanilang pamumuhay,” pagtataboy ng ina sa binata.

Walang nagawa si Larry kundi panindigan ang kanyang desisyon. Buo man ang loob sa pag-ibig kay Marilou ay may pag-aalinlangan naman ito kung kaya niyang buhayin ang dalaga kung sila ay magpapakasal at magkakapamilya.

Laking gulat ni Marilou nang marinig ang kwento ng binata. Ayaw man niya ang ginawa ng kasintahan sa mga magulang ay wala na itong magagawa. Dahil sa pag-ibig ay nauwi rin ang lahat sa simpleng kasalan. Namuhay ang dalawa ng simple at mapayapa.

Dahil parehas hindi nakatapos ng pag-aaral ay kung anu-ano ring trabaho ang pinasok ng mister upang maitaguyod ang pamilya. Habang lumalaki ang kanilang kaisa-isang anak ay nangangamba siyang baka hindi niya ito mabigyan ng maayos na buhay pagkat sakto lamang ang kinikita niya.

Image result for extreme flood slum area

Isang madaling araw ay nanalasa ang malupit na bagyo. Natutulog ang mag-anak nang maramdaman nila ang unti-unting pagpasok ng baha sa kanilang bahay. At dahil isang palapag lamang ang kanilang maliit na tahanan ay kinakailangan nilang lumikas. Nakiusap sila sa isang kamag-anak ni Marilou na pansamantalang makituloy pagkat mataas na ang baha sa kanilang lugar.

Pinaunlakan man sila ng kamang-anak ng misis ay halata naman na hindi ikinagagalak ng mga ito ang kanilang pananatili roon.

“Masikip din ang bahay. Sana naman pagkalipas ng baha na iyan ay agad na kayong humanap ng inyong matutuluyan.” wika ng kamag-anak ni Marilou.

Advertisement

“Kasi ay mapagmatigas ka sa iyong mga magulang, Larry kaya tingnan mo ang iyong mag-anak. Dapat ay natutulog sila sa masarap na kama at hindi nila alintana ang lamig at sama ng panahon, pero nasaan kayo ngayon?” dagdag pa nito.

Nasaktan si Larry sa tinuran ng kamag-anak. Hindi man lamang sila binigyan nito ng maayos na sapin upang matulugan. Ni kumot ay wala at ang basang unan pa na nag-iisang naisalba sa baha ang akmang gagamitin ng anak.

Dahil sa kaniyang nasaksihan napagtanto niya na mas dapat siyang hindi sumuko. Habang nasa isang sulok at nanlulumo sa kanilang sinapit at nagulat siya ng biglang hinawakan ng asawa ang kanyang mga kamay.

“Mahal, alam kong mahirap ang ating sitwasyon ngayon pero nais ko lamang na malaman mo na masaya pa rin ako pagkat tayo ay buo at nanatiling sama-sama. Hindi ko pinagsisisihan ang ating pagmamahalan. Magtiwala ka lamang, mahal pasasaan ba at magiging maayos din ang ating buhay. May awa ang Diyos,” anito.

Nakabalik man sa tahanan nila ay hindi pa dito natapos ang kalbaryo ng mag-asawa. Isang araw habang namamasada ng tricycle si Larry ay may nakabanggaan ito. Matindi ang kanyang sinapit at kailangan ng malaking halaga para sa kanyang operasyon. Dahil ayaw ni Larry na humingi sila ng tulong sa kanilyang pamilya, ginawa ni Marilou ang lahat upang maisalba ang asawa. Kung saan-saan lumapit ang misis upang mapagamot si Larry. Nang nawawalan na ito ng pag-asa lumapit siya sa mga magulang ng mister ngunit tulad ng inaasahan pinagtabuyan lamang siya.

Dahil dito, hindi sumuko si Marilou. Naisipan niyang manahi ng mga kurtina at ibinibenta niya ito sa murang halaga. Mahirap man kahit paano ay naitatawid niya ang gamutan ng mister at ang pangangailangan nilang pamilya.

Hindi naglaon, nakalabas na ng ospital si Larry. Dahil sa tindi ng pinsalang sinapit nito hindi pa rin nito naigagalaw ang isang binti kaya hindi parin siya maaaring mag trabaho. Inako ni Marilou ang lahat ng pasanin. Ipinagpatuloy niya ang pananahi ng mga kurtina. Minsan ay nanahi rin ito ng tuwalya at gumagawa ng sabon.

Dahil sa ganda ng kanyang gawa marami ang nagpapatahi sa kaniya. May isang parokyano na nagpagawa sa kaniya at iniregalo ito sa isang mayamang kakilala. Ang pinagregaluhan ay talagang humanga sa tahi kaya hinanap niya ang mananahi ng kurtina. Isa itong negosyante at kasalukuyang nagpapatayo ng isang hotel. Minarapat niyang kuhain si Marilou upang gumawa ng mga kurtina dito. Nang mabalitaan ng negosyante na tumatahi rin siya ng mga tuwalya at gumagawa ng sabon ay inalok si Marilou ng negosyante upang maging opisyal na suplayer nila.

Advertisement

Dahil sa pinakitangang dedikasyon ni Marilou, pinahiram siya ng puhunan ng negosyante upang makapagsimula. Dito na nagsimulang umikot ang kanilang kapalaran. Buong galak itong tinanggap ni Marilou. Sa laki ng bilang ng mga kinakailangang kurtina, tuwalya at sabon ay kumuha pa ng ibang manggagawa ang ginang upang turuan. Sinigurado nito na mataas ang kaledad ngkanilang pagkakagawa. Nang matugunan nila ang lahat ng kailangang materyales sa hotel sobrang natuwa ang negosyante at iminungkahi sa iba pang negosyante at mamayan nitong kakilala. Hindi naglaon, umalingawngaw ang pangalan ni Marilou sa ganitong uri ng negosyo.

Naisip ni Marilou na maaari nilang pasukin ang pag susuplay ng mga kagamitan sa hotel. Dahil sa dami ng nais na kumuha sa kaniya, yumabong ang munti nitong negosyo at tuluyan nang naging tanyag sa linyang ito.

Sa wakas ay naipagamot na rin niya ang binti ng asawa at muli na itong nakalakad. Unti-unti na rin silang nakabili ng lupa at nakapagpatayo ng bahay. Nang malaman ng mga magulang ni Larry ang tagumpay na kanilang sinapit, humingi ito ng kapatawan kay Marilou pagkat napatunayan nila na malinis ang hangarin nito at talagang mahal ng babae ang kanilang anak. Dahil mabuti ang kalooban ni Marilou ay agad naman niya itong pinatawad.

Naging matagumpay na ang buhay ng mag-asawa. Magkatuwang nilang hinarap ang mga pagsubok at magkatuwang din nilang pinalago ang kanilang negosyo. Napagtanto ni Larry na noon pa man ay hinding hindi siya nagkamali sa pagpili sa kanyang asawa.