Hiling Sa Mga Bituin

“Ayoko nang mabuhay!” halos mapatid ang litid ni Jace sa kakasigaw. Paulit-ulit nitong isinisigaw ang mga katagang iyon sa mga bituin. Napapagod na siyang mabuhay sa napakagulong mundo.

Sa mataas na lugar niya naisipang pumunta. Eksaktong naabutan niya ang pagsilip ng mga bulalakaw sa naturang lugar. Pumupunta rito ang mga taong ninanais ilabas lahat ng mga hindi nila masabi. Payapa at tahimik ang lugar, presko ang hanging nalalanghap at nakaka-relax para sa mga taong maraming hinaing sa buhay tulad ni Jace.

“Sana… s-sana mawala na lang a-ako,” namamaos at basag na sabi ni Jace. Napaupo siya sa damuhan habang nakatitig pa rin sa mga bituin.

Maya-maya ay nakarinig siya ng mahinang tawa. Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang boses ng babaeng tumatawa.

Hindi siya matatakutin pero tila nagtaasan ang mga balahibo ni Jace nang muling marinig ang tawa ng ‘di niya kilalang babae. Nakakahalina ang tawa nito.

“You’re funny,” nagulat si Jace sa tinuran ng babaeng lumitaw mula sa ibabang bahagi ng lugar na iyon.

Kakaakyat lang nito at tila walang kahirap-hirap niyang napuntahan ang ang lugar na iyon, samantalang para kay Jace ay napakahirap noon.

Kumunot naman ang noo ni Jace sa sinabi ng babae.

Advertisement

“What’s funny?” nakaismid niyang tanong. Naupo uli siya sa kaniyang tayo at muling tumitig sa mga bituin.

“Ikaw, nakakatawa ka. Hinihiling mong mawala sa mundo?” Nahiga ang babae sa tabi ni Jace habang ginawa nitong unan ang dalawa niyang kamay.

“Shut up! Hindi mo ako kilala!” Umusog nang kaunti si Jace palayo sa babae at saka itinuon ang dalawang kamay sa likod.

Katahimikan ang namayani sa dalawa.

“Ako si Shanelle. Ikaw?” Humiga na rin si Jace ngunit nananatili ang espasyo sa kanilang dalawa.

“I’m Jace,” saad niya.

“So, bakit humihiling ka ng kam*tayan?” tanong ni Shanelle.

“Dahil gusto kong takasan ang lahat ng pasakit na nararanasan ko ngayon. Ayaw ko nang masaktan o mahirapan pa. Ayoko na,” mahabang litanya ni Jace at saka malalim na bumuntong hininga.

Advertisement

“Hindi mo ba alam na kada minuto ay may taong humihiling ng mas mahabang buhay sa mga bituwin?” mahinang tanong ni Shanelle, sapat para marinig si Jace. “Maraming umiiyak na sana mabigyan pa sila ng mahaba-habang buhay ngunit hanggang doon na lang sila.”

Natahimik si Jace. Sa isip-isip ay may punto si Shanelle.

“My girlfriend needs a kidney transplant, pero dahil wala kaming makitang kidney donor na tutugma sa kaniya, nahihirapan akong makita siyang nahihirapan.” Pinunasan ni Jace ang mga luhang hindi niya namalayang tumulo na pala. “Palaging nag-aaway ang parents ko dahil sa pera. Sinasaktan din ako physically ni Daddy.” May hinanakit sa bawat salitang binibitiwan ni Jace. Nakaramdam naman si Shanelle ng awa kay Jace.

“Sorry,” pagpapaumanhin ni Shanelle. “Hindi pala dapat kita tinawanan, in the first place. But you know what? You should still be thankful for having a family. Gusto mong mawala, samantalang pinipilit niyong iligtas ang buhay ng girlfriend mo? Isn’t that ironic?” Hindi maunawaan ni Shanelle kung bakit tila nakaramdam siya ng sakit sa bawat sinasabi.

“Si Mama, palaging umiiyak kasi alam niyang ilang araw na lang, kukunin na ako ni God,” nakangiti ngunit malungkot na pagkukuwento ni Shanelle.

Nagulat si Jace sa sinabi ni Shanelle. Hindi siya makapaniwala na ang masiyahing dalaga ay may dinaramdam palang mabigat.

“Yeah, may sakit ako and my doctor said na days or weeks na lang at mawawala na ako.” Tumayo si Shanelle at saka tumingin sa mga nagniningning na bituin.

“Thank you, Lord!” sigaw niya. “Salamat sa pamilya ko at mga mahal ko sa buhay,” hindi pansin ni Shanelle kung mamaos man siya kinabukasan.

Advertisement

“Salamat kasi ipinagkaloob mo ang huling kahilingan ko!” buong hiyaw ni Shanelle at pakiramdam niya’y naubos ang lakas niya. Naupo siya pagkatapos. Samantala, walang kurap na nakatitig si Jace sa babaeng kakikilala niya lang.

“Hoy! Natulala ka?” Hindi namalayan ni Jace na nalunod siya sa pagkakatitig sa dalaga.

“W-wala,” nauutal ni Jace na sagot dala ng kahihiyan.

“Paano? Alis na ako? Isigaw mo lang ang lahat ng hinanakit mo tapos pagbibigyan ‘yan ng mga bituin.” Mabilis niyang hinalikan si Jace sa pisngi at saka kumaway.

“Salamat. Mabuhay ka sana ng matagal kasama ng babaeng mahal mo,” mahinang sabi ni Shanelle na tila dinala lang ng hangin ang mga salita.

“Huwag mong hilingin mawala sa mundo dahil may mga taong nais na mabuhay ngunit hindi nila hawak ang kanilang buhay,” huling saad ni Shanelle bago nilisan ang lugar.

Matapos umalis ni Shanelle ay hindi pa rin makapaniwala si Jace sa mga nangyari.

Ilang oras pa ang kaniyang iginugol sa lugar bago siya nagdesisyon na bumalik sa hospital kung saan naroroon ang kasintahan.

Advertisement

“Jace, may kidney na nagmatch kay Coleen.” Biglang yakap sa kaniya ng ina ng kasintahan.

Masayang-masaya naman si Jace sa narinig. Bumitiw ang ina ni Coleen at maluha-luha pang nakahawak sa kamay ni Jace.

“Shanelle Matibag, siya ang donor ng kidney para kay Coleen.” Napabitiw si Jace sa pagkakahawak ng ina ng kaniyang nobya.

Shanelle Matibag, ang babaeng nagturo sa kaniya ng kahalagahan ng buhay, kani-kanina lang.

Napasabunot si Jace sa kaniyang buhok. Hindi niya malaman ang gagawin sa sitwasyong iyon hanggang sa mapatapat siya sa Room 107.

“Time of de*th, 9:50 p.m.” Napatitig si Jace sa babaeng nakahiga roon na ngayo’y wala nang buhay, si Shanelle.

Maluha-luha niya itong sinulyapan hanggang sa hindi niya namalayang bumalik sa kaniyang alaala ang mga sinabi ng dalaga.

“Huwag mong hilingin mawala sa mundo dahil may mga taong nais na mabuhay ngunit hindi nila hawak ang kanilang buhay.”

Advertisement

After 5 years.

“You may now kiss the bride,” anunsyo ng pari sa dalawang magkataling puso nang araw na iyon.

“I love you, Jace.” Isang natamis na halik ang iginawad ni Coleen sa lalaking maha na mahal niya.

“Mahal din kita,” tugon ni Jace kay Coleen.

“Habang buhay kitang aalagaan at kailanman ay hindi ko hihilingin ang mawala sa mundong ito na hindi kita kasama,” huling ani Jace habang titig na titig sa asawa.

Malaki ang pasasalamat niya kay Shanelle na siyang nagligtas sa buhay ng kaniyang nobya sa pamamagitan ng pagdo-donate nito ng kidney bago pa man ito bawian ng buhay. Ang dalaga ang isa sa pinakamagandang patunay na lahat ng mga nangyayari sa mundo ay magandang plano ng Diyos. Ang kailangan lamang natin ay manalig at maniwala sa Kaniya.