Usap-usapan ng mga Chismosa na Magja-Japan ang Babae Upang Mag-Japayuki, Umuwi Siya ng Pilipinas na Taas Noo at Asensado

“Ay naku ‘yang si Jonna, nag-jajapayuki lang ‘yan!”

“Mamimingwit yan ng Hapon.”

“Pagsasawaan lang kamo siya ng mga hapones!”

Chismis dito at chismis doon ang naririnig ng nanay ni Jonna sa kanyang mga kapitbahay. Kasalukuyan kasing nasa Japan ang anak at unti-unting napapagawa ang kanilang tahanan dahil sa pagsusumikap nitong magtrabaho sa Japan.

Noon pa ma’y lumaki na sa mahirap na pamilya sina Jonna kasama ng kanyang single mother at lima pang kapatid. Maaga silang naulila sa ama dahil natangay ito nang malakas na alon sa pantalan noong ito’y nabubuhay pa bilang mangingisda.

Simula noo’y maaga silang tinaguyod mag-isa ng kanilang ina. Maaga ring namulat si Jonna sa katotohanan ng buhay.

Panganay siya sa kanilang magkakapatid at wala siyang ibang naging choice kundi ang magtrabaho upang makatulong sa pamilya.

Noong panahong iyon ay tatlo na sa mga kapatid niya ang nag-aaral kaya naman napilitan siyang tumigil sa high school upang makahanap ng full time job. Hanggang sa may mag-alok sa kanya ng trabaho sa Japan. Advertisement

“Ano, Jonna? Tanggapin mo na ‘tong alok namin, mangangatulong ka lang.”

Isang linggo niyang pinag-isipan ang offer ng kaibigan ng kanyang ina.

“Ikaw ang bahala anak, desisyon mo iyan,” sagot ng ina niya minsang tanungin niya ito ukol sa trabaho.

Nabuo lamang ang loob niya nang makitang asin na lamang ang inuulam nila. Tinanggap niya ang offer para magtrabaho sa Japan. Inihanda niya na rin ang sariling mag-isa sa panahon ng kalungkutan.

Marami siyang napagdaanan sa lupain ng ibang lahi. Naranasan niyang mabully, apihin at kaladkarin dahil pinagselosan ng asawa ng amo niya.

Pero hindi iyon naging hadlang kay Jonna upang sumuko sa buhay. Inisip niya ang buhay niya noon sa Pilipinas. Napakahirap at hindi ka makakatikim ng sapat na sahod kahit abusuhin mo na ang katawan mo sa pagtatrabaho.

Hindi katulad sa Japan, magtrabaho ka lang ng ilang oras sa isang araw may sapat ka nang kikitain para ipadala sa pamilya.

Tatlong taon ang lumipas at tuluyang nakaraos ang pamilya ni Jonna. At tulad ng karaniwang mga pangyayari ay marami ang nainggit sa kanila. Hindi nila iyon pinapansin. Habang tumatagal rin ang panahon ay sinisikap ni Jonna na makapag-aral kahit sa panggabing klase ng isang Pilipinong paaralan sa Japan. Advertisement

Doon ay kumayod siya sa umaga at nag-aral naman sa gabi. Pinilit niyang makamtam ang diplomang nabigo siya noong makuha.

Hanggang sa hindi na namamalayan ni Jonna ang unti-unti niyang pag-asenso. Nakapagpatayo na sila ng simpleng karinderya. Hindi pa rin tumigil sa pagtatrabaho si Jonna. Itinuloy niya pa rin ang pag-aaral sa gabi hanggang sa makatapos naman siya ng kolehiyo. Napagtapos niya na rin ang mga kapatid niya.

Tuwang-tuwa siya sa naging resulta ng mga paghihirap niya.

“Nay uuwi na po ako,” minsang sabi niya sa ina.

Nakaipon na rin naman siya ng sapat na pera upang mapalago ang negosyo nilang karinderya, “Gawin po nating restaurant ang kariderya.”

Sa pag-uwi ni Jonna sa Pilipinas ay hindi nakaligtas sa tenga niya ang mga matang mapanghusga at inggit na mga dila. Hinarap niya ang mga ito.

“Hindi po lahat ng nagja-Japan, nagiging japayuki na. Minsan po kailangan lang natin ng sipag at tiyaga para umasenso sa buhay. Sana po ‘yang oras niyo sa pangmamata ng kapwa ay ilaan niyo sa tamang gawain upang makamtam niyo rin ang tagumpay na inyong hinahangad. Tanggalin po natin ang inggit sa mga sarili natin.”

Tulala at nagpasukan sa bahay ang mga nakaabang sa kanyang chismosa. Advertisement

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!