Naaasar ang Dalaga Dahil Idolo Siya at Ginagaya ng Anak ng Kasambahay, Siya Pala ang Magkakandarapang Lumapit Rito Pagdating ng Panahon

“Sh*t! Ito na naman yung baduy na anak ni Aling Naty. Ang sarap duraan sa mukha! Masyadong ambisyosa. Kahit kailan eh hindi kami magiging magkalebel!” Saad ng dalagitang si Audrey sa kausap sa telepono.

“Hi, Ms. Idol! Ano po iyang cellphone na gamit mo? Ang ganda, natitiklop-tiklop pa. Mahal po ba ‘yan? Sana makaipon kami ni nanay para makabili din ako niyan.” Saad ni Sheena na napapanganga pa sa paghanga sa anak ng amo ng kaniyang ina.

“Asa ka namang makakabili ka nito? Pangmayaman lang ‘to. Huwag kang ilusyonada.” Pagtataray ng dalagita.

Kahit nasaktan sa sinabi ni Audrey ay tuloy pa rin sa pagpupunas ng sahig si Sheena. Sanay na siyang matarayan nito. Tuwing dadaan nga ito’y halos pirming pandilatan siya ng mata.

“Magkamukha talaga kayo! Halos sabay naman kasi kaming naglihi ni Ma’am Luz. Ang hanap nami’y suman at buko noong nagbubuntis kami kaya siguro hawig na hawig kayong dalawa.” Wika ni Aling Naty, mayordoma sa bahay ng mayamang angkan ng mga Martinez.

Hindi na lamang kumibo si Sheena sa narinig.

“Nak, bakit naman ganoon ang ugali mo sa mga kasambahay natin? Tandaan mo, bilog ang mundo. Hindi ka dapat maging mapangmata sa kapwa mo.” Wika ng ama ni Audrey na si Don Andres.

“Oo nga, nak. Lalo pa’t magka-edad kayo ni Sheena. Halos sabay kaming nanganak ni Aling Naty. Sabay kaming nagbuntis eh. Maging friendly ka sana kay Sheena. Yong mga hindi mo na ginagamit na damit at sapatos ay ibigay mo sa kaniya tutal eh inaalikabok lang naman doon. Idol na idol ka ng napakasipag na batang ‘yon.” Dagdag ng ina nitong si Donya Beverly.

Advertisement

Lalo namang nag-puyos ang damdamin ni Audrey. “Ayokong may gumagaya sa akin! Naiirita ako. Kaya kong maging mabait pero sa mga taong gusto ko lang!”

Napailing na lamang ang mga magulang nito sa inakto ng anak.

Lumipas ang maraming taon, imbes mag-aral ng mabuti ay inatupag ni Audrey ang pakikipag-relasyon. Halos buwan-buwan kung magpalit ito ng nobyo. Sa edad na 33 ay hindi pa ito nakakapagtapos ng pag-aaral.

Napariwara ito nang yumao ang kaniyang mga magulang. Dahil kaisa-isa itong anak ay nakuha niya ang lahat ng kayamanan ng mga ito. Dahil na rin wala itong alam sa pagpapatakbo ng negosyo’y isa-isang nalugi ang mga negosyong pinagpagurang ipundar ng mga magulang nito.

Bukod doon ay naloko rin siya ng kaniyang tiyuhin. Itinakbo nito ang malaking halaga ng pera ng kaniyang mga magulang sa bangko.

Sa kabilang banda nama’y, isa nang ganap na abogado si Sheena. Sa angking ganda nito’t husay ay sikat na sikat na ito sa buong Pilipinas. Ang mga kilyente nito’y pawang mga naglalakihang negosyante at mga bigating artista.

Napakahusay nito sa debate kaya naman nagkaroon ito ng programa sa telebisyon kung saan tinutulungan niya ang mga mahihirap na naaapi.

Tila hindi naman ito napapagod at kabi-kabila ang itinayong mga negosyo, isa na dito ang restawran na pinatatakbo ng kaniyang inang si Aling Naty at amang si Mang Gregor.

Advertisement

“Audrey. huling pagkakataon mo na ito. Kapag nagkamali ka pa’y mamumuhay ka nang parang pulubi.” Batid ng kanang kamay nitong si Israel.

“May naisip na akong solusyon. May kakausapin akong tao para tulungan ako.” Nakangisi pang saad ni Audrey habang naninigarilyo at ngumunguya ng bubble gum.

“Attorney dela Cruz, may gusto raw pong kumausap sa inyo. Audrey Martinez daw po. Amoy sigarilyo po, grabe kung manamit. Napakaikli ng palda’t nakaluwa na ang dibdib.” Inis na inis na saad ng sekretarya ni Sheena na si Maxine.

“Sabihin mo busy ako. May kailangan ‘yan. Gusto kong matuto ng leksiyon ‘yan. Hindi lahat ng bagay ay iaasa niya na lang sa ibang tao.” Saad ni Sheena habang nakatingin sa kawalan. Unti-unting bumabalik sa kaniyang ala-ala ang mga binitiwang salita nito sa kanya.

Habang nagmamaneho’y napapamura si Audrey. “Gao! Anong akala mo? Ibang lebel ka na? Tang! Anak mahirap ka pa rin! Dugong alipin!” Inis na inis na saad nito.

Gaya ng inaasahan ng kanang kamay nitong si Israel ay wala ngang nagawang paraan si Audrey upang hindi mabawi ng bangko ang lupang pinagtayuan nito ng restawran. Nagsialisan na rin ang mga empleyado nito at patong-patong ang kinakaharap na kaso nito mula sa mga ito. Palibhasa’y ilang buwan nang walang sahod ang mga pobreng empleyado.

Ibinenta ni Audrey ang bahay ng mga magulang at ang kaisa-isa nitong sasakyan ngunit hindi pa rin ito sapat upang mabayaran ang lahat ng kaniyang pinagkakautangan.

Patong-patong ang hearing na kaniyang pinupuntahan. Puro pangako lamang ang kaniyang binibitawan sa mga ito.

Advertisement

“Hayop tong tiyuhin ko! Wala sana akong problema kung nasa kamay ko pa ang perang naiwan nila Mommy at Daddy sa bangko!” Saad nito kay Israel.

Dali-dali itong pumunta sa opisina ni Sheena. Nang ayaw papasukin ng sekretarya’y bigla na lamang itong pumasok at akmang sasabunutan si Sheena.

Agad naman itong hinablot ng mga body guard ng dalaga.

“Sige, ako nang bahala. Huwag ninyong sasaktan.” Malumanay na utos ni Sheena.

Nang maiwan sa opisina ay nagmamakaawa na si Audrey sa kababata. “Magbabago na ako. Tulungan mo lang ako, parang awa mo na!” Giit nito.

“O siya. Patunayan mo muna ang sarili mo. Magtrabaho ka sa akin.” Nakangiti pang saad ni Sheena.

Bilang wala nang ibang malalapitan ay pumayag itong magtrabaho bilang alalay ng kababata. Tila gumaganti naman ito at maya’t-maya siyang tinatarayan.

Binalewala na lamang ito ni Audrey. Hindi niya lamang pinahahalata ngunit naantig ang kaniyang kunsensya. Ganito pala ang pakiramdam ng minamaliit at nangangailangan.

Advertisement

Isang araw ay may isang matandang lalakeng sumugod sa opisina ni Sheena. “Nasaan na ang magaling na abogadang ‘yan? Iharap niyo sa akin ‘yan!” Nagulantang ang lahat ng makitang may hawak itong kutsilyo.

Tinutukan ito ng baril ng kaniyang mga bodyguards at akmang papaputukan.

“Huwag po! Unawain muna natin si tatay! Kausapin muna natin. Parang awa niyo na. Huwag niyo siyang babarilin.” Gulat na gulat si Sheena sa narinig mula kay Audrey.

Maya-maya’y kalmado na ang matandang lalake. Galit pala ito kay Sheena sapagkat naipakulong nito ang kaisa-isang anak niya na napagbintangan lamang na nagnakaw sa bahay ng isang mayamang negosyante.

Naantig naman ang puso ni Sheena sa nasaksihan. Ang poot sa puso niya’y unti-unting nawala at nagdesisyon itong tulungan ang kababatang mabawi ang pera sa magnanakaw na tiyuhin.

Tatlong buwan lamang ang lumipas at unti-unting nakuha ni Audrey ang malaking perang iniwan ng kaniyang mga magulang sa tulong ni Sheena. Naipakulong rin niya ang tiyuhin niyang sakim at nabayaran nitong lahat ang kaniyang pagkakautang. Ang matandang nag-amok rin sa opisina ni Sheena ay natulungan ni Audrey. Napatunayan nilang inosente ang anak nito.

Nanatili itong empleyado ni Sheena. Si Maxene ang sekretarya sa umaga at sa gabi nama’y si Audrey.

“Ayaw mo kasing maniwala sa akin Ma’am Audrey. Para talaga kayong kambal ng anak kong si Sheena. Gaya ng mga kambal o magkakapatid, nagtutulungan sila. Nakakatuwa kayo! Para na nga rin kitang anak. Kailan naman ako kaya magkaka-apo?” Saad ni Aling Naty.

Advertisement

“Nay Naty, hindi ho ba puwedeng boyfriend muna ang hanapin ninyo sa aming magkinakapatid bago apo?” Pagbibiro ni Audrey na may halong lambing.

Nagtawanan na lamang ang tatlo.

Sadyang mapagbiro talaga ang tadhana kaya’t mag-ingat tayo sa mga taong pinagmamalakihan natin! Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?