May Misteryosong Nagsusulat sa Pader ng CR sa Opisina; ‘Di Makapaniwala ang mga Empleyado nang Matuklasan Kung Sino ang Gumagawa Nito

“Sino na naman ang nagsulat sa pader ng CR?!” sigaw ni Julius nang lumabas sa CR.

“Bakit, Julius anong problema?” tanong ng kanilang supervisor na si Alvin.

“Sir, mayroon na namang nagsulat sa pader sa loob ng CR. Nakasulat doon ang cell phone number at bast*s na drawing!”

“Anong bast*s na drawing?”

“May nakadrawing sa pader na ari ng lalaki at may kasama pang cell phone number.”

“Ano?! Sus ginoo! Eh, kanino namang cell phone number iyon?” tanong ng bisor.

“Hindi ko alam, sir. Hindi ako pamilyar sa cell phone number na iyon, e.”

Napapakamot na lang sa ulo si Alvin dahil paulit-ulit na itong nangyayari sa kanilang opisina. May kung sinong nagsusulat sa pader ng kung anu-anong kabast*san at kung anu-ano pa. Bandalismo kumbaga.

Advertisement

Naaalarma na ang mga pamunuan ng kanilang opisina kung sino sa mga empleyado ang gumagawa ng bandalismo.

“Isang linggo na po na ganiyan ang nangyayari. Kapag pinipinturahan naman ang pader ng CR, may magsusulat at magsusulat pa rin,” inis na sabi ni Peachy.

“Sir, maglagay kaya tayo ng CCTV sa loob ng CR?” suhestyon ni Marlon.

“Oo nga, sir. Para malaman natin kung sino ang gumagawa ng kababuyan na iyan,” ani Julius.

“Huwag kayong mag-alala at isasangguni natin iyan kay boss,” sabi ni Alvin sa mga kasama.

Ilang raw matapos ang pag-uusap ng mga empleyado ay nagpatuloy pa rin ang pagsusulat ng kung anu-anong kab*stusan sa pader ng CR na panlalaki.

Sa pantry ay usap-usapan ang nangyayari sa kanilang opisina.

“Sa palagay niyo, sino kaya ang gumagawa noon sa CR?” tanong ni Julius.

Advertisement

“Wala akong ideya. e. Hindi naman natin maaaring oras-oras na bantayan ang mga pumapasok at lumalabas sa CR. Magmumukha lang tayong tanga,” wika naman ni Peachy.

“Ano na bang balita sa balak na pagpapakabit ng CCTV?” tanong ni Marlon.

“Wala pang balita, pare e. Mukhang ayaw aksyunan ni boss ang bandalismong nangyayari sa CR ng opisina,” sabi ni Julius.

“Buwisit kasi ang many*kis na iyon na gumagawa ng ganoon sa loob ng CR niyong mga lalaki. Mabuti na lang at walang nangyayaring ganoon sa CR naming mga babae,” wika ni Peachy.

“Natatawa nga ako, e. ‘Di ba ‘yang mga ganiyang uri ng bandalismo ay usong-uso noon sa mga eskwelahan?” hayag ni Marlon.

“Oo. Maging sa mga pampublikong opisina ay talamak ang ganiyang mga pangyayari sa loob ng CR. Nagsusulat ng mga kabast*san at inilalagay pa nila sa pader ang mga cell phone number nila para kapag may taong makakita niyon na marumi rin ang pag-iisip ay tatawag ang cell phone nila at makikipag…alam niyo na,” sabad ni Julius.

“Hay naku, kayong mga lalaki lang naman ang gumagawa niyan. Likas kasi sa iyo ang pagiging many*k!” natatawang sabi ni Peachy.

“Hoy, huwag kang judgmental, Peachy! Ibahin mo kami ‘no! Mga gentleman at matitinong lalaki kami!” sabi ni Marlon.

Advertisement

At nagtawanan ang mga magkakatrabaho sa pantry at pansamantalang nakalimutan ang problema nila sa opisina.

Nang sumunod na araw, nakasalubong ni Alvin ang isa sa mga maintenance staff sa kanilang opisina. Nakasimangot ito at tila mainit ang ulo.

“O, Rolly, galing ka lang sa CR mukhang mainit na ang ulo mo?” tanong niya.

“Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo, sir, e may mga sulat at drawing na naman sa pader ng CR na panlalaki. Katatapos lang naming pinturahan iyon nung nakaraang araw, tapos may mga nakasulat na naman!” inis nitong sagot.

“Na naman? Kailangan na talagang mahuli kung sino ang gumagawa ng bandalismo na ‘yan!” aniya.

Kinahapunan ay tinipon ni Alvin ang mga kasama at sinabing nakagawa na siya ng paraan para mahuli ang salarin. Nakahiram siya ng CCTV na maaaring  gamiting panghuli sa taong mahilig gumawa ng bandalismo sa CR.

“Huwag ninyong ipagsasabi ang napag-usapan natin ha. Kailangan na walang ibang makaaalam para tiyak na mahuhuli natin ang many*kis na iyon,” hayag ni Alvin sa mga kasama.

Lihim na ikinabit ni Alvin ang CCTV sa loob ng CR ng mga lalaki para malaman na nila kung sino nga ba ang misteryosong tao na gumagawa doon ng milagro.

Advertisement

Nang sumunod na araw ay kung anu-ano na namang malalasw*ng drawing at mga salita ang nakasulat sa pader ng CR na panlalaki. Agad na tiningnan ng mga empleyado ang resulta sa CCTV. Hindi sila makapaniwala sa nakita nila. Laking gulat nila nang malaman na ang taong gumagawa ng kababalaghan sa CR ay ang mismong may-ari ng kumpanya at kanilang boss na si Mr. Nagales.

“Totoo ba ‘to, si boss ang salarin?” wika ni Alvin sa ‘di makapaniwalang tono.

Gulat na gulat ang kaniyang mga kasama sa kanilang natuklasan. Agad nilang kinompronta ang kanilang boss at laking pagkapahiya naman nito sa mga ginawa. Wala rin silang narinig na paliwanag kung bakit nga ba iyon ginawa ng kanilang boss. Mula nang mabunyag ang kalokohan nitong ginagawa sa CR ay hindi na ito kailanman umulit. Hindi na sila nakakakita ng mga malalasw*ng sulat at drawing sa pader ng CR na panlalaki.