Kung Kailan Tumanda ay Saka Naman Biglang Nahilig ang Ginang sa Paglalaro; Masama Nga Bang Magpaka-Bagets si Nanay?

Tanghaling tapat na ngunit ang tatlong anak ni Aling Dolores ay nakahilata pa. Puyat kasi ang mga iyon kakalaro sa kanilang selpon at computer. Habang siya naman, tagaktak na ang pawis sa sobrang dami ng mga dapat na gawin. Hindi man niya daing ang mga bilihin at bayarin sakuryente, tubig at wifi, daing naman niya ang pagod dahil sa maghapon siyang parito’t pariyan para pagsilibihan ang mga anak at asawa na nagtatrabaho.

Nang gabi na iyon, matapos magsipagkain ng lahat, kani-kaniyang hilata na naman ang bawat isa. Ang asawa naman ni Aling Dolores ay diretso sa sala upang manood ng telebisyon at ang mga anak ay diretso sa kani-kanilang silid para maglaro ulit. Naiwan na nakatiwangwang ang mga pinggan sa lamesa, lababo, at ang ilan pa sa mga pinagbihisan ay iniwan lamang sa sala. Ang ganitong pangyayari ay normal lang naman para sa kaniya, subalit kung minsan ay talaga namang nakakasawa na rin.

Kinaumagahan, pumasok ang kaniyang asawa nang maaga ngunit wala pang handang pagkain si Aling Dolores. Naisip nito na baka pagod lamang dahil sa dami ng labahan kahapon kaya pinalagpas na lamang niya. Hanggang sa sumapit ang tanghali at isa-isa ng nagsipag gising mga anak nila. Ang bawat isa, pagkamulat pa lang ng mga mata ay diretso agad sa computer at ang iba naman ay diretso hawak ng kani-kanilang selpon. Nang makaradmam ng gutom, agad silang nagpunta sa kusina upang kumain na. Subalit walang nakahain na pagkain para sa kanila.

Kaya naman, sunod nilang hinanap ay ang kanilang ina. Pinuntahan nila sa labahan, sa likuran at sunod ay sa silid nito. Natagpuan nila ang ina na nasa silid habang hawak nito ang kaniyang selpon habang naglalaro doon. Tinanong nila ang kanilang ina at sinabi lamang ang pwede nilang lutuin na nasa loob ng ref.

Dahil sa labis na gutom ng magkakapatid, nagpasiya silang magluto na lamang ng kakainin nila. Nanginginig na ata sila sa gutom habang ginagawa iyon. Pagkatapos, isa-isa na namang nagsipasukan ang mga ito sa kanilang silid. Hanggang sa sumapit ang gabi, umuwi ang kaniyang asawa na nadatnan ang kalat ng lamesa sa kusina. Ang pagkain ay tirang ulam lamang na kanilang pinangtanghalian pa. Nainis ito nang bahagya dahil sa kalat ng bahay at wala pang pagkain. Muli niyang nakita ang asawa na babad sa kaniyang selpon sa loob ng kanilang silid. Naroon na rin ang mga inorder nitong pagkain habang may malakas na patugtog na malakas ang kalabog sa buong bahay.

Para sa kanilang hapunan, muling nagtulong-tulong ang magkakapatid, habang ang iba anamn at ang kaniyang asawa ay ang-iimis ng mga nakakalat na damit at mga plato sa kusina. Nang kakain na sila, kahit na anong tawag nila sa ina, ay hindi iyon mapaalis sa loob ng silid. Patuloy ang patugtog nito at paglalaro sa selpon nito. Kung minsan naman ay maririnig nila itong nakikipagkwentuhan lamang sa kaniyang mga kaibigan sa selpon. Humahalakhak pa ito nang malakas habang may kausap.

Nagpatuloy pa ito ng isang linggo. Hanggang pati paglalaba ay ginagawa na rin ng mga magkakapatid. Pakiramdam nila ay pagod na pagod sila sa bawat araw na lumilipas. Mabigat din sa kanilang loob na walang ginagawa buong maghapon ang ina at hinahayaan lamang sila.

Isang gabi, nag-away-away ang magkakapatid dahil nagtuturuan ang mga ito sa mga gawaing bahay. Kung paano nila hahatiin ang mga kailangang gawin dahil mabigat ito kung lahat ng ito ay gagawin nila nang sabay-sabay. Lumabas ang ina habang may nakasalpak na earphone ito sa kaniyang tenga. Sumasayaw-sayaw pa ito sa timbre ng musika. Dito na rin biglang umuwi ng bahay ang kaniyang asawa.

Advertisement

Kumunot ang noo at kilay ng magkakapatid nang mga oras na iyon. Hanggang sa nagsalita na ang panganay sa kanilang ina. Niyakap niya ito at humingi ng tawad sa lahat ng mga mali nilang ginagawa. Lahat ay sumunod sa kanilang ate at yumakap sa ina. Tinanggal ni Aling Dolores ang earphone, at niyakap din ang mga anak.

“Ngayon, alam niyo na ang pakiramdam ko? Hindi naman mabigat kung magtutulong-tulong tayo eh. Gusto kong matuto kayo hindi lang mag selpon buong araw, kundi ang gumawa ng gawaing bahay nang sama-sama tayong lahat…” pangangaral naman ng ginang sa mga anak.

Natuwa naman ang kaniyang asawa sa nadatnan niyang pag-uusap ng kaniyang mag-iina. Ang akala nila’y bagets na ang nanay, isa pala itong aksiyon na magtutulak sa kanila upang matuto sa buhay at tumulong sa mga gawaing bahay. Tama nga naman, nanay nila si Aling Dolores, hindi isang kasambahay.