Pedicab Driver na Lulong sa Ipinagbabawal na Gamot, Paulit-ulit na Ninanakawan ang Lola Hanggang sa Malasap Niya ang Karma
Tagaktak ang pawis ni Mulong habang ipinapadyak ang sidecar, ma-swerte siyang nakakadalawang pasahero na siya kahit alas otso pa lang ng umaga. Sa totoo lang ay mahirap na ang kumita sa sidecar, marami na kasi ang mas pipiliin na lang maglakad kaysa sumakay sa mga katulad nila ang sasakyan. Pero sige pa rin si Mulong sa pagkayod, makakatulong ito kahit pano sa pambili niya ng bisyo. Ang lola sa tuhod ni Mulong, si lola Candelaria ay dating teacher. Mula nang mamatay ang asawa at masunugan ng bahay ay ganito na ang sinapit ng buhay ng matanda, walang natira ni isa sa kanya kaya napabilang sila sa mga informal settlers sa pinakamahihirap na lugar sa Maynila. Ang mga anak niya ay nag asawa na at mahirap rin ang buhay, sakto namang retired na siya nang mangyari ang trahedya kaya ngayon ay umaasa na lang siya sa maliit na pensyong nakukuha buwan buwan. Habang nakapila si Mulong sa paradahan ng sidecar ay natanaw niya ang lola Candelaria na naglalakad pauwi, may maliit itong envelope na yakap yakap. Alam na nya iyon, mabilis niyang nilapitan ang matanda. “Nay lika na.” sabi niya rito, ang boses ay parang tunog ng lata, hindi malinaw ang kanyang salita dahil sa bisyo. “Ayos lang ako.” sabi naman ng matanda na tila nailang. Bumaba siya ng sidecar, malikot ang kilos. Payakap niyang isinakay ang matanda sa sidecar, wala itong nagawa. “Lika na hahatid kita sa bahay.” sabi niya, at sinimulan nang pumadyak. Pag uwi sa bahay ay pumasok na sa loob ang matanda at si Mulong naman ay naghintay sa labas. Ito ang pinakapaborito niyang araw, kahit itago ng lola ang pensyon na nakuha ay mahahanap at mahahanap niya rin iyon. Ano ba naman ang halukayin niya ang maliit na barung barong? Minsan kapag buryong na buryong na siya dahil hindi makapagbisyo ay nagwawala siya at pinagtatapon lahat ng gamit para ilabas ng lola ang pensyon. Ayos lang na matagal siyang mawala sa pila ng sidecar, mas malaki ang makukuha niya rito kaysa sa ipapasada niya. Makalipas ang ilang oras ay nakatulog na ang matanda. Pumasok na si Mulong sa loob ng bahay at nagsimulang maghalungkat. Wala pang ilang sandali ay nakita na niya ang hinahanap, ang laki ng ngiti niya. Paglabas niya ng bahay ay sumakay agad siya ng sidecar at pinaspasan ang pag padyak, didiretso siya sa bahay ni Rodel at bibili na ng droga. Sa sobrang excited ay di niya napansin ang isang rumaragasang sasakyan, nabundol si Mulong. Hindi siya nasawi pero kinailangang putulin ang isang paa niya. Nawalan ng silbi ang lalaki, maghapon na lang siyang nakatanaw sa barung barong. Hindi naman siya iniwan ng kanyang lola sa kabila ng mga ginawa niya rito. Tumigil na siya sa pagbibisyo pero magsisi man siya ay huli na ang lahat. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.