Inday TrendingInday Trending
Nahuli ng OFW na Ina na Inaapi ang Kanyang Anak at Ginasta ng Tiyahin ang mga Perang Pinadadala Niya, Pagkalipas ng Ilang Taon ay Ito ang Iginanti Niya Dito

Nahuli ng OFW na Ina na Inaapi ang Kanyang Anak at Ginasta ng Tiyahin ang mga Perang Pinadadala Niya, Pagkalipas ng Ilang Taon ay Ito ang Iginanti Niya Dito

“Oo Rose, ayos ang anak mo. Dinala ko nga sa Jollibee noong Linggo, naku tuwang tuwa. Wala kang po-problemahin dito, mahal namin ang batang ito. Ha? Kakausapin mo? Naku eh, naglalaro kasama ng mga pinsan. Hindi matinag sa sobrang wili maglaro.” sabi ni Aling Ely sa pamangkin sa telepono, nasa Saudi ang babae at nagtatrabaho bilang kasambahay. Buwan buwan kung magpadala ito sa kanya dahil siya ang nag aalaga sa nag-iisa nitong anak na naiwan dito sa Pilipinas, si Ronron. “O sige na sige na, tumawag ka nalang ulit kung naipadala mo na ha, umuungot ng bagong damit itong si Ronron eh. Oo, ako pa ba. Itatago ko ang sosobrang pera, wag kang mag-alala, para may pampagawa ka ng bahay.” sabi ulit ni Aling Ely bago ibinaba ang telepono, nakangisi. Siya kasi ang nakikinabang sa pera ni Rose, di alam ng babae ay ginagamit niya iyon para sa sariling luho niya at ng mga anak, si Ronron naman ay basura kung ituring niya at palagi niya pang sinasaktan ang bata. “Hoy! Ibigay mo iyang laruan kay Julie, ibigay mo. Peste ka.” mataray na sabi niya kay Ronron kahit pa pera naman ng nanay ng bata ang ipinangbili ng lahat ng laruan doon. “Pero lola, iyan na lang po ang laruan ko.” malungkot na sabi ng bata. Piningot niya ito, dahilan para mapasigaw sa sakit ang bata. “Eh anong pakialam ko? Bakit ha, ano’ng gagawin mo? Magsusumbong sa nanay mong ulol? Uto uto rin naman yon!” nakangising sabi niya. Isang araw, inis na inis na pinagagalitan ni Aling Ely si Ronron, natapon kasi sa sahig ang tubig na ipinaigib niya rito. Walong taong gulang pa lang kasi ang bata at hirap na hirap bumuhat ng timba, nagdilim ang paningin ng babae at pinaghahampas ang bata sa braso, hindi pa rin siyang tumigil kahit na may latay na ang mga iyon. “Aray ko lola! Tama na po!” iyak na sabi ni Ronron. Hahampasin niya palang muli ang bata nang biglang nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang nakatayo sa pinto. Si Rose. Walang imik ang babae at binitbit ang anak palayo sa lugar na iyon. Makalipas ang isang taon malungkot na nakatanaw si Aling Ely sa bintana ng kanilang bahay, naputulan ng paa ang kanyang mister dahil sa sakit na diabetes kaya hindi na ito makakapasada pa ng jeepney. Mula naman nang nangyari ay hindi na nagparamdam sa kanya ang pamangkin, buti na lang at hindi siya kinasuhan nito sa pananakit sa bata, lalo pa at nagastos niya rin lahat ng ipon nito. Nagising si Aling Ely nang may biglang kumatok, isang kartero. “Edelina Gumba?” tanong nito. Sulat para sa kanya? Pagkaalis ng kartero ay nagtatakang binuksan ni Aling Ely ang sulat, galing iyon kay Rose. Tiyang, sobrang sakit ho ng ginawa niyo sa akin at di ko alam kung kailan ko kayo mapapatawad. Nabalitaan ko ang nangyari sa tiyong, ito ang konting pera para makatulong sa inyo. Sa dumating ang araw na maisip ninyo ang lahat ng ginawa nyo sa akin. Pagbuklat niya ay naroon ang perang ipinadala nito. Napaluha sa sobrang pagka-konsensya si Aling Ely, sa kabila ng kasamaang ginawa niya ay kabutihan pa rin ang piniling ibalik sa kanya ng pamangkin. Nagdasal siya, na sana ay mapatawad na siya nito. At sana, lalo pa itong pagpalain dahil sa kabaitan nito. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement