Pinlanong Nakawan ng Macho Dancer ang Binabaeng Customer, Nangilabot Siya nang Malaman ang Nangyari Rito
Mag-iisang taon pa lang sa club na pinagtatrabahuan si Rodel, isa siyang macho dancer. Gwapo siya, malakas ang karisma at napakagaling mambola kaya naman siya ang pinakamabenta sa lahat. Mahina na ang kita niyang sampung libong piso kada gabi.
Magaling siyang magpanggap na tila ba napapamahal na siya sa mga customer na matrona at beki, kaya paniwalang-paniwala ang mga ito at mabilis na naglalabas ng pera.
“Pare pahiram ngang face towel, yung makapal,” sabi niya sa isang kasamahan na abalang nagpapahid ng foundation sa mukha. Hindi na mahahalata na sobrang kapal noon dahil madilim ang ilaw sa club at patay sindi pa pag nagsasayaw sila.
“Gamit ko na eh, try mo dyan kay JD,” sagot naman nito na ngayon ay naglagay na ng bahagyang pahid ng lipstick upang magmukhang mamula-mula ang labi.
Buti nalang ay nakahiram siya sa isang kasamahan, nirolyo niya ang face towel at nilagay sa loob ng boxer shorts, sa mismong ari. Tapos ay sumulyap siya sa salamin, ayan, mukhang malaki na. Tiyak niyang maglalaway nanaman ang mga customer niyang hayok sa lalaki.
“Ladies and gentlemen, star of the night, Rocky!” sigaw ng beking organizer, ‘Rocky’ ang kanyang stage name dahil mabaho raw ang Rodel at hindi gwapong pakinggan. Lumabas na siya sa habang tumutugtog ang kantang ‘It must have been love’
Iginiling niya nang todo habang naka-boxer shorts lang, may langis pa ang katawan niya. Kitang kitang natulala ang mga ginang na matagal nang hindi nadiligan. Inilabas niya pa ang dila at hinimas ang kanyang pagkalalaki, may nagbato ng isang libo kaya napangisi siya.
Nang matapos na ang pagsasayaw niya ay binulungan siya ng stage manager na may nagbayad na raw ng malaki para mai-table siya. Paglapit niya ay isang matabang bakla ang naghihintay. Nakangiti ito at mukhang mabait naman.
“Hi, Hans,” sabi nito at inilahad ang kamay. Dahil sadyang bolero ay hinalikan iyon ni Rodel.
Mula noon, gabi-gabi ay ka-table niya na si Hans pero never pa siyang nailabas nito. Palagi lang silang nagkukwentuhan, pwede na rin, nagbibigay naman ito ng malaking tip.
Lumipas ang ilan pang araw, nakumbinsi niya na si Hans na ilabas siya. Ang usapan ay pupuntahan siya nito sa club at after ng show niya ay magmomotel sila.
“Pare, t*ngina jackpot ka dun sa bakla, di kotse yun eh no,” sabi ng isang kaibigan niya habang nakatingin sa salamin at nag aayos ng patilya.
“Oo, konting subo-subo magbabayad ng malaki yan. Pero may mas maganda akong plano,” nakangising sabi niya.
Napatingin naman ang kaibigan niya at nagtatanong ang mga mata, kaya nagsalita ulit si Rodel.
“Nanakawan ko pre, lalos lahat ng gamit niyan. Sabi ko kasi sa kanya magdala ng maraming money at gamit kasi 2 days kako kaming magbakasyon.Paniwalang-paniwala si tanga na mahal ko na siya at magha-honeymoon kami.
Gago talaga, kukunin ko lang lahat ng gamit niya tapos sibat na ako. Di na rin ako babalik rito sa club, lipat na ako sa ibang club. Text text nalang ha, wag kang maingay sa manager natin,” sabi niya.
Napapalatak nalang habang nakangiti ang kasamahan niya.
Nagsimula na ang show ni Rodel, alas diyes na ng gabi at nasa kalagitnaan na siya ng pagsasayaw nang makita niya si Hans na pumasok. Pero di tulad dati, hindi ito nakangiti at titig na titig lang sa kanya.
Sabik na sabik na ang tangang bakla, sa isip isip ni Rodel.
Nang matapos siya sa pagsasayaw ay lumabas na sila ni Hans, wala pa rin itong kibo. Wala itong dalang mga gamit at nag-taxi lang sila, okay lang, wallet lang naman nito ang mahalaga.
Tsaka mukhang mamahalin ang cellphone, tiba-tiba na.
Pagdating sa motel ay sinimulan niya nang halikan ang leeg ni Hans pero hindi ito kumikibo, nakatitig lang sa kanya. Medyo nailang si Rodel kaya naisip niyang maliligo nalang muna siya.
Napansin niya itong pumasok sa loob ng banyo habang nagsha-shower siya at tumayo lang sa likod niya.
“Ano? Tatayo ka na lang ba dyan?” pang aakit niya.
“Magnanakaw.”
“H-ha?” kinabahan ang lalaki, sinumbong kaya siya ng kasamahan? Paano nito nalaman? Hindi naman siya pwedeng ipakulong nito dahil wala pa naman siyang nananakaw. Anak ng tokwa, mapupurnada pa ata.
“Magnanakaw ka.Wag ka nang magnanakaw.Magnanakaw.” sabi nito at lumabas na ng banyo. Naiwan ang binata na naka-tulala.
Pagkatapos niyang maligo ilang minuto ang nakalipas ay wala na sa kwarto si Hans. Bwisit! Abonado pa siya sa renta sa motel!
Sinulyapan niya ang orasan, alas onse y media pa lang, kung babalik siya sa club ay baka makabingwit pa siya ng customer. Lintik na bakla.
Sumakay na siya nang taxi at habang umaandar ito ay nakita niya si Hans na nakatanaw, nakangiti ito sa kanya. Ibinaba niya ang bintana at itinaas ang gitnang daliri.
“Pakyu ka, letse buraot!” galit na sabi niya.
Pagbalik niya sa club ay agad siyang sinalubong ng organizer, “Walang tip! Bwisit yang bakla mong customer na Hans, buraot ang p*ta. Tumunganga lang doon ako pa nagbayad sa motel!” pagdadabog niya.
“A-anong sinasabi mo?” sabi nito, namumutla ang mukha.
“Sabi ko si Hans sinayang lang ang oras ko.Akala ko ba big time yon? Eh bakit nagpakilala sa halagang 1,200? Buti ba kung ibabalik nyo yung binayad ko sa motel eh.Sayang o, nakasayaw sana ako,”
Umiiling iling lang naman ito kaya nagtaka siya at muling nagsalita, “Ano’ng iniiling-iling mo dyan?”
“Imposible yang sinasabi mo. Patay na si Hans! Nabangga ang kotseng sinasakyan niya papunta rito kaninang alas otso kaya hindi na siya nakarating.Gulat na gulat nga kami bigla kang nawala kanina after ng show mo eh sasabihin pa naman namin sana sayo. Lasog lasog ang katawan niya..” nanghihinang sabi nito.
Halos mapaluhod naman si Rodel.Kung ganoon,ibig sabihin, ang kasama niya kanina ay..multo!
Nagtayuan bigla ang mga balahibo niya, tila ba may narinig siyang bumulong sa kanyang likuran.
“Magnanakaw.”
Patakbong umalis si Rodel sa lugar na iyon. Nagsisi siya na pinlano niyang gawan ng masama si Hans, ipinagdasal niya na sana ay maging payapa na ang kaluluwa nito.
Umalis na rin siya sa club at naghanap ng ibang trabaho, hindi niya na nais manloko pa ng tao dahil natatakot siyang maulit ang nakakakilabot na karanasan.