Handang Ibigay ng Batang Ito ang Lahat Upang Iligtas ang 4-anyos na Kapatid, Pero may Tumatakbo Pala sa Isip Nito na Hindi Nila Inakala

Tatlong taon nang nurse sa pampublikong ospital si Luz at marami na siyang karanasan rito, mga buhay na nailigtas at mga buhay na nagtapos.Iyak ng bagong panganak na sanggolhanggang sa iyak ng mga pamilyang namataya.Mga ama na kinakabahang naghihintay sa hallway at mga bagong inang may luha ng ligaya.

Hindi na bago sa kanya ang mga ganoong eksena ngunit tuwing nagaganap iyon ay hindi niya pa rin mapigilang maapektuhan, kaya naman nang may isugod na isang batang babaeng may Leukemia, siguro ay nasa 4 na taon ang edad, ay talagang nalungkot si Luz. Kailangan nito ng bone marrow transplant, na tanging kapatid lang nito ang makakapagbigay.

Naroon ang kuya nito, na 6 na taong gulang at bago operahan ay napansin ni Luz na tila nagdarasal ang bata.

“Kyle, okay ka lang ba?” tanong niya rito.

“Opo, kung para po kay Tintin, matapang po ako.” nakangiti pa ang batang lalaki.

Humanga naman si Luz dahil sa murang edad nito ay matapang na ang bata.

“Magiging okay rin siya Kyle, pray lang ha?” ngiti niya rito.

Iyon ang huling pag uusap nito bago ito ipasok sa operating room.

Advertisement

Naging matagumpay ang operasyon at binisita ni Luz sa kwarto nito si Kyle matapos ang isang araw, Nadatnan niya na nanonood ng TV ang bata.

“Kyle kumusta ka ?” tanong niya rito nang magbaling sa kanya ang mata nito mula sa TV.

“Ate bakit hindi ako namatay? Akala ko ba ililigtas ko si Tintin?” inosenteng balik tanong nito.

“Nailigtas mo sya. So ibig sabihin pala, akala mo mamamatay ka kapag ginawa mo ito?” tanong niya sa muli sa bata.

“Opo.” sagot nito na kitang kita niyang hindi nagsisinungaling,

“Pero ginawa mo pa rin?” manghang tanong niya.

“Opo.”sagot nito sabay ngiti.

Talagang naluha sa paghanga si Luz, isang tunay na KUYA si Kyle. Kahit na ang paniniwala niya ay mamamatay siya sa operasyon ay walang hesitasyon niyang ginawa ito para sa kaligtasan ng kapatid.

Advertisement

Kitang kita ni Luz na bago gawin ang operasyon na may takot rin sa mga mata nito ngunit mas nangibabaw ang pagmamahal. Pagmamahal ng isang kapatid.