Inday TrendingInday Trending
Inuubos ng Babaeng Ito ang Kaniyang Oras sa Paghahanap ng Kapintasan ng Kaniyang Kaaway; Matinding Karma ang Mapapala Niya!

Inuubos ng Babaeng Ito ang Kaniyang Oras sa Paghahanap ng Kapintasan ng Kaniyang Kaaway; Matinding Karma ang Mapapala Niya!

Hindi pa man nakakabangon sa kaniyang higaan si Mitch ay panay na ang dutdot niya sa kaniyang cellphone. Paano ay may nakapagsabi sa kaniya na nag-post na naman ng panibagong pictures ang kaaway niyang si Loyda at puro na naman daw kayabangan ang nilalaman niyon.

Kunot na kunot ang noo ni Mitch habang patuloy na inii-scroll ang kaniyang Facebook. Talagang sinadya niya pa ang timeline ni Loyda para lang makita niya talaga mismo ng kaniyang mata ang mga litratong sinasabi.

“Aba, talaga namang wala nang ginawa ang babaeng ito kundi ang mag-post ng mga kayabangan niya, ha!” galit na aniya nang makita ang litrato ng mga bago nitong bags na binili pa raw ng kapatid nito sa ibang bansa sa hindi birong presyo, ayon na rin sa caption na kaniyang nabasa.

Ang ginawa ni Mitch ay ginamit niya ang kaniyang dummy o pekeng account sa Facebook upang magkomento ng hindi maganda sa naturang litrato ni Loyda.

“If I know, pulot lang ng kapatid mo ’yan sa ibang bansa. Mga pinaglumaan ng mga tagaroon!” aniya. Tatawa-tawa pa si Mitch habang pinipindot ang send button ng kaniyang komento.

Ang totoo, wala namang ginagawa sa kaniya si Loyda. Malaki ang galit ni Mitch sa babaeng ito dahil imbes na sa kaniya ay dito nanligaw ang kaniyang matagal nang hinahangaang binata sa kanilang unibersidad. Iyon ang naging mitsa ng kaniyang galit sa dalaga na sa paglipas ng panahon ay lumala pa nang lumala dahil nga nakikita niya mismo kung gaano kaangat si Loyda sa kaniya. Alam niya kasing kung ikukumpara siya sa dalaga ay walang-wala siya rito kaya naman inuubos niya na lang ang kaniyang oras sa pang-iinis dito sa social media gamit ang mga peke niyang account at halos araw-araw niya itong ginagawa!

Matindi na ang ugaling ito ni Mitch. Iniisip din ng kaniyang mga kaibigan na siyang nakakaalam sa ginagawa niyang ito na baka siya ay nasisiraan na ng bait ngunit lingid iyon sa kaniyang kaalaman. Hindi niya alam na siya na pala ang laging laman ng usapan ng kaniyang mga kaibigan na ngayon ay inuumpisahan na siyang layuan.

“Dapat may magsabi na kina Loyda na si Mitch ang nangha-har@ss sa kaniya sa social media. Baka mamaya kasi, hindi na lang ’yan ang maisipang gawin ng babaeng ’yon dahil sa sobrang kapraningan at inggit niya kay Loyda,” anang isa sa mga kaibigan ni Mitch.

“Ako na ang magsasabi. Dapat nang matigil ang ginagawa ng babaeng ’yon. Baka mamaya,, ikapahamak na niya ang kalokohan niyang ’yan. Hindi naman siya ganiyan dati!” komento naman ng isa pa.

Nagpasya nga ang mga ito na isuplong na ang kanilang kaibigan upang matigil na ang kalokohang ginagawa ni Mitch. Dahil doon ay nagdesisyon tuloy ang kampo nina Loyda na simulan ang kanilang laban sa pamamagitan ng legal na paraan. Hindi naman nila kagustuhan na makulong si Mitch dahil dito ngunit talagang nakakaperwisyo na ito sa kanila. Kaya naman naghain na nga sila ng reklamong cyber bullying.

Nang malaman ni Mitch na ganoon nga ang ginawa ng kampo nina Loyda na siyang itinuturing niyang kaaway ay agad siyang natakot. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin kaya naman binura na niya ang lahat ng kaniyang dummy accounts at itinigil ang ginagawa niyang pangha-har@ss sa dalaga. Dahil doon ay iniatras na rin ng mga ito ang reklamo laban sa kaniya.

Ngunit magkaganoon pa man, kahit kailan ay hindi pa rin tumigil si Mitch sa pag-alam kung ano na ang kaganapan sa buhay ni Loyda. Palagi pa rin niya iyong inaalam at sa isip niya’y nilalait-lait niya ito. Dahil sa ginagawa niyang iyon ay bumagsak na siya sa kaniyang pag-aaral habang si Loyda ay lalong umaangat sa buhay.

Lalong nainggit si Mitch sa babae kaya naman lalo pa niyang pinursige ang sarili na laitin ito sa kaniyang isip, kahit siya lang ang nakakaalam. Huli na nag mapagtanto ni Mitch na hindi na normal ang kaniyang ginagawa at noon ay kailangan na niyang humingi ng tulong propesyonal.

Napag-alaman ng pamilya ni Mitch na noon ay mayroon na siyang sakit sa pag-iisip dahil sa sobrang obesession niya sa binatang nanliligaw kay Loyda. Iyon kasi ang pinag-ugatan ng lahat. Matinding karma ang inabot ng babae dahil sa kaniyang kahibangan sa lalaki at inggit sa katawan.

Advertisement