Inday TrendingInday Trending
Walang Ibang Ginawa ang Tiyahin Kundi Makialam sa Mga Pamangkin na Mag-asawa na, Isang Trahedya ang Naganap Dahil sa Kakapilit Niya

Walang Ibang Ginawa ang Tiyahin Kundi Makialam sa Mga Pamangkin na Mag-asawa na, Isang Trahedya ang Naganap Dahil sa Kakapilit Niya

Maraming pagkain ang nakahain sa mesa, ngayon kasi ang reunion ng pamilya Corpuz. Kahit ang mga kamag anak nilang nasa probinsya ay dumarayo pa rito sa Maynila para lamang makadalo, nakasanayan na rin na taun-taon ay dito sa bahay ng magulang nina Jennifer at Jennylyn gaganapin ang salu-salo. Agad nagdatingan ang mga kamag anak nila at masaya namang sumalubong ang kambal sa mga tiya, tiyo at pinsan. Kaakibat ng kanilang ngiti ay ang pagkailang dahil dumating na ang kanilang tita Rose, isa sa pinakamahilig pumuna. Mabuti ang buhay ng kanilang tita Rose, at tila naging ugali na nito ang pansinin lahat ng bagay, may komento ito sa bawat bagay na makita. “O kambal, ilang taon na ulit kayo?” tanong nito sa kanila. “27 po tita.” sagot ni Jennifer. “Oh my Gosh! At wala pa kayong boyfriend?” tanong nito. “Ako po tita, meron na. Si Jennylyn wala pa.” si Jennifer muli ang sumagot, mahiyain kasi ang kakambal niya. “Nako ha, Fer dapat magpakasal kana. Ikaw rin Lyn, magboyfriend kana kasi alam mo, baka tumandang dalaga ka na. Mahirap iyan, hindi naman forever kasama mo ang kambal mo. Sino na lang ang kasama mo sa buhay?” pang aasar nito. Hindi lang iyon ang unang beses na pinayuhan sila ng tiyahin na mag asawa, nasundan pa ng maraming beses. Kaya nang malaman ni Jennylyn na magpapakasal na si Jennifer, tila ba naging desperada siya na makahanap ng mapapangasawa dahil ayaw niyang makantsawan na napag iwanan. Agad siyang naghanap ng foreigner sa social media, may nakilala naman siya, si John. Ilang linggo pa lang niyang nakakausap si John ay pumayag na siya na sumama rito sa Germany. Tuwang tuwa si Tita Rose sa naging kapalaran niya, buti nalang mayaman ang napangasawa niya. Pero taliwas sa ipinapakita nito sa kanya kapag magka-chat sila, masama pala ang ugali ng lalaki. Napakahirap nitong pakisamahan at magaan ang kamay, basta mag init ang ulo ay sasaktan nito si Jennylyn. Hindi rin nito gustong pakasalan ang babae, dinala lang pala siya sa Germany para nga naman malayo siya sa pamilya at magagawa nito ang kahit na ano sa kanya. Napaka-sadista ng lalaki, wala itong puso. Ilang buwang dumanas ng kalupitan si Jennylyn sa mga kamay nito pero di siya makauwi sa Pilipinas dahil ayaw niyang aminin sa lahat na nagkamali siya ng desisyon. Nang malaman ni John na buntis si Jennylyn ay pinagbubugbog nito ang babae, sinugod siya sa ospital pero hindi na nailigtas ang sanggol. Sa tulong ng ilang kapwa Pinoy sa Germany ay nakauwi ang babae sa Pilipinas, agad siyang dinalaw ng mga kamag anak sa ospital. Naroon rin ang kanilang tita Rose. Hawak ni Jennifer ang kamay ng kakambal, pinilit namang magsalita ng babae kahit na nanghihina ito at puro pasa ang katawan. “Jennifer, isa lang ang natutunan ko. Ang pag-ibig ay kusang dumarating, hindi dapat ako nagpadala sa pamimilit. Hindi ko pa masyadong kilala ang lalaki pero pinwersa ko na pakisamahan siya dahil mas inisip ko pa ang sasabihin ng ibang tao.” sabi nito sa kakambal. Napaluha naman ng tahimik si Tita Rose, alam niyang kasalanan niya. Kung hindi siya nakialam sa desisyon ng pamangkin sa pag-aasawa ay hindi sana nito dinaranas ang ganito ngayon. Bilang pagbawi ay siya ang nag alaga rito sa ospital, walang sawa rin siya sa pagdarasal na sana ay mapatawad siya ni Jennylyn, patuloy niya kasing sinisisi ang kanyang sarili. Nakangiti siya nang maluwag nang sa wakas ay mahanap na rin ng kanyang pamangkin ang lalaking magmamahal at mag aalaga rito. Tinanggap ni Matthew si Jennylyn sa kabila ng kanyang nakaraan, ngayon ay masaya na sila kasama ng kanilang dalawang anak na kambal rin. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement