Inday Trending

Inday Trending

Napakasama ng Tabas ng Dila ng Babaeng Ito, Laking Pagsisisi Niya nang sa Anak Bumaling ang Karma

Napakasama ng Tabas ng Dila ng Babaeng Ito, Laking Pagsisisi Niya nang sa Anak Bumaling ang Karma
HeartbreakingKarmaStories

Magaapat na taon na si Maricor sa kaniyang trabaho, bukod sa galing nito sa kumpanya ay nakilala rin ang dalaga sa masamang tabas ng kaniyang dila. Hindi kasi nagpapa-awat ang babae kahit pa nga lagi siyang nakakasakit ng kapwa.

Image courtesy of www.google.com

“Hoy, halika ka nga dito. Ikaw yung bago Sa group department di ba? Alam mo, ang puti lagi ng mukha mo, para kang nalulunod sa harina, ayusin mo nga kasi ang pangit e,” saad niya sa dalagang nakasabay sa pagbabanyo.

“Ah, pasensya na po. Salamat po,” baling naman ng dalaga sabay tingin sa kaniya. Isip-isip nito ay maayos naman ng kaniyang itsura ngunit dahil bago lamang siya ay hindi na lang ito nagsalita pa.

Image courtesy of www.google.com

“Next time girl ha, wag kang bibili nung sa mga bangketa. Mukha kang espasol e, tapos ang pangit mo pang magdamit!” dagdag ni Maricor sabay tawa ng malakas.

Yumuko na lang ang dalaga at lumabas dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili. Walang pinipiling tao si Maricor, basta’t napansin niya ay lalabas ito sa kaniyang bibig na hindi maganda kahit pa nga wala namang katotohanan ang mga ito.

Nasanay na nga lang ang mga katrabaho niya sa kaniya at binabawian na lang ang babae sa mga biro, lalo na ngayon na ito ay nagdadalang tao.

“Alam mo Maricor, ang pangit mo magbuntis!” malakas na sigaw ni Fina, isa sa mga katrabaho ng babae.

“Ay huwag kang mag-alala girl, mas pangit ka pa rin sa akin!” malakas na tawa naman ang sagot ni Maricor dito.

“T*ngina nilang lahat, binabawian nila ako ngayon dahil buntis ako? Hintayin nila akong manganak at papakitaan ko sila!” gigil na gigil na saad ng babae sabay hawak nito sa kaniyang tiyan.

Image courtesy of www.google.com

“Hay naku, buntis ka kaya. Kung ako sa’yo ay magpakumbaba ka na muna Maricor, baka karmahin ka niyan at mapunta sa anak mo, sige ka,” sagot naman ni Ate Helen, ang tinuturing na matalik na kaibigan ng babae.

“Ay, hindi uso sa akin yung mga ganyan-ganyan. Hindi nila ako pwedeng api-apihin, ako pa hinamon nila? Baka paglamayan sila sa mga sasabihin ko!” at mas lalo pang nanggigil ang babae.

Marami na ang nagsasabi kay Maricor na iwas-iwasan na muna niya ang pagsasalita ng hindi maganda sa kaniyang kapwa, ngunit walang preno ang bibig ng babae.

“Hoy, kapag nga magbabanyo ako ay huwag ka munang pumasok. Ang itim mo kasi! Baka maging negra yung anak ko,” saad pa ni Maricor sa kaniyang katrabaho.

“Isa ka pa, ang laki-laki ng mata mo! Parang holen na luluwa, nakakadiri ka, lumabas nga kayo dito,” baling pang muli ng babae sa isang dalagang nasa banyo at pinalabas niya ang mga ito.

Hindi lang isa, dalawa o tatlong beses itong nanglait ng ibang tao kundi halos oras-oras. Kapag may nakikita itong pwede niyang mapuna ay agad niyang isisigaw at aagawin ang atensyon ng tao saka ipapahiya ito.

Saktong alas tres ng hapon ay nakapanganak na si Maricor, masayang masaya siya sa pagluwal sa sanggol ngunit nang itabi sa kaniya ang bata ay labis siyang nagulat.

“Dok. bakit ho may pula ang pisnge ng baby ko?” tanong niya sa doktor at kahit na hindi pa nakakabangon mula sa pagkapanganak ay pinilit niyang makatayo.

Image courtesy of www.google.com

“Mommy, mukhang birthmark po iyan ni baby,” baling naman ng doktor.

Napaluha si Maricor habang hinahaplos ang mukha ng sanggol, halos kalahating mukha ng bata ay may balat.

“Pero obserbahan niyo pa rin po mommy, yung ibang baby po ay nawawala habang lumalaki,” dagdag pa ng doktor bago umalis.

Image courtesy of www.google.com

“Ayan ang sinasabi ko sa’yo anak. napakasama kasi ng bibig mo nung nagbubuntis ka. Kaya ayan tuloy ang nangyari sa baby mo,” saad ni Aling Jane ang nanay ng babae.

“Ma, walang kasalanan ang anak ko, dapat hindi ganito,” saad ni Maricor sa ina.

“Dyos ko, ‘wag sa anak ko, Patawarin niyo po ang bibig ko, ama. Wag sa anak ko,” lumuluhang bulong ng babae.

“Oh siya, paglabas natin dito sa ospital ay humingi ka ng tawad sa lahat ng nilait mo doon sa opisina niyo at magdasal ka rin sa Panginoon, malay mo naman ay mawala pa iyan,” wika naman ng ale.

Agad na sinunod ni Maricor ang bilin sa kaniya ng ale, humingi siya ng tawad sa lahat ng katrabaho at nagpakain pa nga ito.

“Anong meron bakit parang ang bait mo yata bakla?” tanong ng isang katrabaho nito.

“Pinagsisisihan ko na ang pagiging masama ko, lalo na itong bibig ko,” saad naman niya sabay palo sa kaniyang labi.

Pinagtawanan siya ng ibang tao at kahit na binibiro siya ng masakit ay hindi na lang siya gumaganti dahil iniisip niyang baka lalo lang dumami ang karma niya at mapunta sa kaniyang anak. Nagsimba rin si Maricor at lumuhod sa Quiapo, mahal na mahal niya ang kaniyang anak at tanggap naman niya ang itsura nito ngunit gusto niyang lumaking normal at maganda ang bata kaya naman walang humpay ang pagdarasal niya.

Lumipas ang halos walong buwan at napapansin niyang pumupusyaw ang kulay ng pisngi ng bata.

“Ma, nawawala na yung pula sa mukha ni baby ano?” masayang wika nito sa kaniyang ina.

“Oo nga e, pero hindi ibig sabihin niyan anak na pwede ka na manglait ulit,” paalala naman ng ale.

“Alam mo ma, simula nang dumating siya sa buhay ko doon ko natutunan na mas magandang mag-ipon ng good karma at tiisin na lang ang mga walang kwentang bagay,” nakangiting sagot naman ni Maricor at binuhat ang anak.

Nagtagal rin ng halos dalawang taon bago tuluyang nawala ang pulang balat sa pisnge ng kaniyang anak at higit sa lahat, bumait at naging pasensyosa ang babae.

More Stories