May Ginawa ang Tatay na Ito Para Malaman ang Magiging Ugali ng Baby Kapag Lumaki Ito, Pero Naluha Siya sa Ipinakitang Resulta ng Bata
Tatlong taon nang kasal sina Gary at Elizabeth, naninirahan sila sa isang bahay sa Tagaytay. Katatapos lang ng kontrata ni Gary sa abroad at sa ngayon ang misis niya naman ang nagtatrabaho habang naghihintay siyang ma-renew ang kontrata niya. Minsan, hindi maiwasan ni Gary ang mag self pity o malungkot dahil syempre, pakiramdam niya wala siyang silbi at pabigat siya ngayon sa misis niya. Itinanggi naman iyon ng babae, malaking bagay raw dito ang pag uwi niya para rin magkasama naman sila ng nag iisa nilang anak, si Cheska, 1 year old. Isang araw ay papasok na ang asawa niya sa trabaho at nagbibilin na ito kay Gary ng mga hindi dapat kalimutan sa araw na iyon. “Love, yung vitamins ni Cheska ha, pakisuyo na rin ng Meralco may bagong Bayad Center dyan sa kabilang street, magtricycle nalang kayo please kasi due date na nyan ngayon. Wag mo rin munang sanayin si Cheska sa junk foods please,” masuyong pakiusap ni Chelsea. “Yes misis, ingat ka, gusto mo ba hatid ka namin ni Cheska hanggang sa sakayan?” tanong niya rin dito. “Hindi na, naulan kawawa naman kayo pag pauwi na, tsaka tulog pa rin naman siya. I’ll be okay. Itetext na lang kita.” Sabi ng misis at lumabas na ng gate. Saktong katatapos lang ng almusal ni Gary nang magising ang anak, minasdan niya ito. Si Cheska ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Syempre, bilang ama, gusto niyang maging maganda ang future nito. May bigla siyang naalala at pumasok siya sa kwarto. Paglabas niya ay dala dala niya ang 50 pesos, laruan at lapis. Sabi ng kaibigan niya, kung ano raw ang piliin ng bata ay iyon ang magiging priority nito paglaki, kung pera syempre magiging mahalaga rito ang salapi. Kung laruan naman ibig sabihin ay magiging mahilig ito sa paglalaro at hindi seryosong buhay, kung lapis naman ibig sabihin ay magiging mahalaga rito ang edukasyon. Inilapag ni Gary sa maliit na mesa ang tatlo at tinawag ang anak na naglalaro. “Baby love! Lika dito dali.” malambing na tawag niya rito. Matalino naman ang baby at alam na siya ang tinatawag ng Daddy niya, agad lumingon ito at nagliwanag ang mga mata nang Makita ang mga bagay sa mesa. Tuwang tuwa talaga ang mga bata pag nakakadiskubre ng mga bagong bagay. “Pencil, money, or toy?” tanong ni Gary nang malapit na itong makarating sa mesa. Kinakabahan siya kung ano ang pipiliin ng anak. Pero naluha siya sa hindi inaasahang pinili nito. SIYA. Tumakbo ito at yumakap papunta sa kanya. Nakalimutan ni Gary na isa nga pala siya sa pagpipilian. Alam niya, na kahit tumanda pa si Cheska ito ay magiging baby niya forever. Happy Father’s day sa lahat ng mapagmahal na ama! Relate ba kayo kay Gary? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i- like lamang ang aming Facebook page.