Nagpagamot ang Bugbog Saradong Dilag na Ito sa Mayamang Doktor; Mabilis ang Paglipas ng Panahon at Lumabas ang Nakakagimbal na Rebelasyon

Unang nagtagpo ang landas ng dalawang bida sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Marlon. Isang magandang dalagang puno ng pasa sa katawan at namamaga ang labi ang lumapit sa kaniya.

“Doc, help me. Napakademonyo ng ex ko. Tingnan niyo yung ginawa sakin!” Iyak ng dalaga. Awang awa ang doktor sa lagay ng dalaga. Binigyan ni Marlon si Shiela ng medical certificate na nagsasabing binugbog ito ng kaniyang nobyo.

Nasundan ang kanilang pagkikita nang magkasabay ang dalawa sa isang sikat na kainan sa Makati. “Hey! Doc Marlon, tama ba ang pagkakaalala ko sa pangalan mo?” Nakangiting bati niya nang makita ang doktor. Noon niya lang napansin ang magandang tindig at nakakaakit na mata ng lalaki.

“Buti naman at maayos ka na, Shiela! Masaya akong makitang naka-recover ka na.” Tuwang tuwang sabi ng doktor dahil sa wakas ay nakita niya ang magandang ngiti ng dalaga. Dagdag pa ng doktor, “Alam mo? Napakatanga ng ex mo. Ang tanga niya dahil pinakawalan niya ang gaya mo. Kung ako ‘yon? Nako. Baka ilang buwan pa lamang eh kasal na tayo.”

“Hay nako, Doc! Ganyan ba talaga kayong mga doktor, malakas mambola? Hehe.” Nakangising sabi ni Shiela.

Nagkahingian ng number ang dalawa. At hindi na nga nagtagal ay naging magkarelasyon na sila. At dahil sa matinding atraksyon nila sa isa’t isa, wala pang dalawang buwan ay naisipan na nilang magpakasal.

Sa unang taon ng bagong mag-asawa, hindi maikubli ang saya at pagkasabik nila sa isa’t isa. Ngunit kahit halos gabi gabing may nangyayari sa kanila ay hindi nabubuntis ang babae dahil wala pa raw sa plano ni Shiela ang magka-anak.

Iyon naman ang pinagtataka ng ina ni Marlon. “Anak, kailan mo ba ako bibigyan ng apo?” Nakangiting paglalambing ni Celia.

Advertisement

“Nako Ma, ayaw pa po ni Shiela e. Baka raw po mawalan kami ng oras sa isa’t isa.” Malungkot na sabi ni Marlon.

“Hindi ganoon iyon! Mas mapapalapit pa nga kayo sa isa’t isa. Tingnan mo kami ng Papa mo. Mula nung ipinanganak ka, mas tumibay ang relasyon namin.” Paliwanag ng ina.

“Alam ko Ma, kaso syempre wala akong magagawa kung ayaw niya.”

“Subukan mo lang anak. Tumatanda na ako, kita mo?” Pakiusap ng ina habang itinuturo ang mga kulubot sa leeg at mukha.

“Sige Ma. Kausapin ko si Shiela mamaya.” Kabado ang Doktor sapagkat alam niyang mabilis mag-init ang ulo ng misis kapag pagbubuntis ang pinag-uusapan.

Nang makauwi si Marlon, sinalubong siya ng naglalambing na asawa.

“Hi mahal, kumain ka na ba? Anong gusto mong kainin?” Nakangiting tanong ng misis.

“Mahal, tinatanong ako ni Mama kung kailan natin siya bibigyan ng apo.” Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Marlon.

Advertisement

“O, ano sinabi mo? Alam mo namang ayoko pa diba?!” Nagbago agad ang tono ng pananalita ng babae, tila galit na galit sa narinig.

“Kasi naman mahal, tumatanda na nga ang Mama at Papa. Parang hindi ko naman kaya na hindi man lang makilala ng anak ko ang mga magulang ko. Kaya, please?” Halos lumuhod ang mister sa pagmamakaawa. “Aalagaan naman kita eh, kayo. Magiging masayang pamilya tayo.” Dagdag pa nito.

Hindi kumikibo si Shiela, pero bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkainis.

“Mahal? Payag ka na? Gagawa na tayo ng baby?” Patuloy ang pangungulit ni Marlon, ngunit bigla siyang natigilan nang makita ang galit na galit na mukha ng asawang naka-amba na ang kamay para suntukin ang lalaki.

“Anong ginagawa mo?!” Laking gulat ni Marlon. Hindi niya inaasahang ganitong katinding galit ang nararamdaman ng asawa. “Bakit kailangan mong manakit?” Tanong ng mister na buti na lang ay nakaiwas sa kamay ng asawa.

“Alam mo, Marlon? Sawang sawa na ako sa’yo! Sa totoo lang hindi na ako masaya! Ni hindi na nga ako nakakaramdam ng kilig sa tuwing hinahalikan mo ako e. At lalong hindi na ako nasasarapan habang nagsisiping tayo!” Tuloy tuloy na lumabas sa bibig ng dalaga.

Magsasalita pa lamang si Marlon ay tumakbo na si Shiela papasok ng banyo. Ni-lock ng babae ang pinto kaya’t hindi ito mabuksan ng mister. Takot na takot naman si Marlon dahil kung ano anong kalabog ang naririnig nito. Laking gulat ni Marlon nang lumabas ang asawa.

“Anong ginawa mo sa sarili mo???” Napasigaw sa gulat si Marlon. Punong puno na naman ng pasa sa katawan ng babae, may malaki pang bukol sa ulo na may namumuong dugo nang dahil sa pag-untog ng babae sa sarili.

Advertisement

“Bigyan mo ako ng isang milyong piso, at asikasuhin mo rin ang divorce papers natin.” Walang reaksyong sabi ni Shiela.

“Ha?! Nahihibang ka na ba? Ano bang nangyayari sayo?! Siyempre hindi ako papayag. Mahal kita!” Gulong gulo sagot ng mister.

“Ayaw mo? Sige. Ipagkakalat ko sa buong mundo na ang pinagkakatiwalaan nilang Doktor, nambubugbog ng asawa! Sigurado ako mawawasak ang reputasyon mo. Tingnan na lang natin kung may kumuha pa sayong ospital.” Nakangiti ito habang nagsasalita.

Natahimik si Marlon. Hindi niya alam na kayang gawin sa kanya ito ng babaeng minamahal. Napagtanto niyang gawain ito ni Shiela sa mga ex nito.

Dahil matalino ang doktor, hindi siya pumayag na ibigay ang hinihingi ng asawa. Kaya’t ginawa nga ni Shiela ang mga sinabi niya. Sirang sira na ang reputasyon ng doktor. Ngunit, napag-isipan na pala ni Marlon ang gagawin.

Hinanap niya ang dating mga karelasyon ni Shiela. At sama sama, sila ay nagsampa ng kasong False Accusation at pamba-blackmail sa babae. Mabuti na lamang at nakamit nila ang hustiya.

Natutunan ni Marlon na hindi lahat ng mukhang anghel ay may mabuting puso, kaya dapat ay kilalanin munang maigi ang mapapangasawa bago pa magpakasal.