Inday Trending

Inday Trending

Mama’s Boy ang Lalaki Kahit May Asawa na, Nang Magsawa ang Misis ay Iniwan na Siya Nito sa Piling ng Nanay Niya

Mama’s Boy ang Lalaki Kahit May Asawa na, Nang Magsawa ang Misis ay Iniwan na Siya Nito sa Piling ng Nanay Niya
InspiringKarmaStories

Nagpahid ng tagaktak na pawis si Mila, pagsulyap niya sa orasan ay limang minuto nalang bago mag-alas otso ng gabi. Tamang tama dahil mamaya lang ay darating na ang kanyang mister, sana ay matuwa ito sa iniluto niyang tinolang manok.

Walang trabaho ang kabiyak niya, si Aron. Pero araw-araw ay umaalis ito ng bahay para maghanap ng trabaho, na ang bilis rin namang inaayawan nito dahil sa napakaraming rason. Palibhasa ay nasanay na palaging may sumasalo, na-kampante na ang lalaki.

Si Mila naman ay kumakayod sa pamamagitan ng pagtuturo online, pero hindi niya kinalilimutan ang gampanin niya bilang misis kaya kahit hirap siyang hatiin ang oras ay sinusubukan niya pa ring asikasuhin ang asawa.

“Ano ito? Tinola?” medyo taas ang kilay na sabi ng biyenan niya, si Alicia. Dito sila nakikitira dahil ayaw raw ni Aron mapalayo sa ina.

“Yes ma, nag-search lang po ako sa internet tapos ay ginaya ko. Mukhang okay naman po hindi ba?” nakangiting sabi niya, naghihintay ng sagot nito.

“Masyadong ma-mantika. Baka sakitan ng tiyan si Aron. Pero pag ako ang nagluluto niyan nauubos niya, sanay na kasi ako sa ganyan. Magaling rin akong maglinis ng manok kaya sure na sure na malinamnam,” komento nito.

“S-Sige po ma, next time po magpapatulong na ako. Nahihiya kasi akong magsabi po sa inyo,” pag amin ni Mila. Totoo naman iyon, ramdam niya naman kasi na hindi siya masyadong gusto ng biyenan.

Sa anim na taong nagsasama sila ng mister ay sanay na siya sa ginang, palagi nalang siyang itinuturing nito na ka-kompetensya palibhasa ay bunso sa tatlong magkakapatid si Aron- paboritong anak pa.

Sasagot pa sana sa kanya ang ginang nang marinig nila pareho ang pagbukas ng pinto. Ang bilis na nagbago ng ekspresyon ng mukha nito, mula sa pagiging mataray ay biglang bumait at naging malambing.

“Sige hija, ganyan ang pagluluto ng tinola ha. Next time, mag-ask agad kay mama,” sinadya pa nitong lakasan ang boses at akbayan siya, iyon ang inabutang eksena ng kanyang asawa.

“What are you doing?” nakasimangot na tanong ni Aron.

“Ah, tinulungan ko lang siya anak. Alam mo na, medyo walang lasa ang tinola niya kanina so ni-retoke ng mama just for you,” ngiting asong sabi ni Alicia.

Tumalim naman bigla ang tingin ni Aron kay Mila, “Pinapagod mo pa si mama. Alam mo namang mataas ang BP niya, babaeng ‘to talaga! Walang kwenta,” komento ng lalaki. Dumiretso na ito sa itaas, samantalang sinulyapan muna ng nang aasar na tingin ni Alicia si Mila bago ito sumunod sa anak.

Mabilis lumipas ang mga araw, napakasaya ni Mila dahil sa wakas, buntis na siya! Ang tagal ng panahon na hinintay niya para sa araw na ito. Baka kapag may baby na sila, magbago ang ihip ng hangin at maisipan na ni Aron na panindigan sila ng anak.

“Ipalaglag mo.”

“H-Ha?” parang nabinging sabi ni Mila, ipinagtapat niya sa mister ang kalagayan pero hindi ito ang inaasahan niyang makukuhang reaksyon mula rito.

“Hindi mo ba narinig? Ipalaglag mo. Sabi ni mama, hindi pa ito ang tamang panahon para magka-baby tayo. Kita mo ngang inaayos ko pa ang career ko.” matabang na sabi ng lalaki.

“Hindi kita maintindihan. Kasal naman tayo, anak mo ito. Anak natin! Paano mo nasasabi iyan?” nahihirapang huminga si Mila dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Aron.

“Basta sabi raw ni mama. Makinig kana lang okay? She knows best-” hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin dahil pinakawalan ito ni Mila ng malakas na sampal.

Makalipas ang maraming taon

Hirap na bumaba mula sa kama si Aron, ihing ihi na siya. Buti nalang ay dumating ang isa sa mga nurse, inasistihan siyang makapunta sa CR. Itinulak nito ang kanyang dextrose.

May sakit sa puso ang matandang lalaki, ito na marahil ang kabayaran sa pagmamalupit niya noon sa misis. Huli na ang lahat nang magsisi siya, hindi niya na mahagilap ito. Sana lang ay napatawad na siya ni Mila.

Malapit na siyang mag 80 years old pero heto siya, tumandang mag-isa dahil hindi niya nagawang umalis sa palda ng kanyang ina.

“Sakto po pala tatay, nandito na si Doc.” sabi ng nurse pagkatapos niya.

Tinitigan siya ng doctor, chineck muna kung normal ang rate ng kanyang puso tapos ay nagsulat na sa hawak nitong papel.

“G-Gusto ko lang pong magpasalamat, sa pag-aasikaso ninyo rito sa akin. Ang galing ninyong espesyalista, ang bilis gumaan ng pakiramdam ko sa gamot na inireseta ninyo,” bungad ng matandang lalaki.

“Wala hong ano man Sir. Karangalan ko po na magsagip ng buhay,” inilahad nito ang kamay at nagpakilala. Doon natulala ang matanda.”Dr. Aron Soriano Jr. po,”

Nanginginig ang kamay na tinanggap niya ang palad nito.”D-Diyos ko, patawarin mo ako!”

Hindi siya maaring magkamali. Kaya pala may pagkakahawig ito kay Mila. Ito ang sanggol na ninais niyang ipalaglag noon!

“Patawarin mo ang tatay, naging masama ako-” mas ikinagulat ng matanda nang yakapin siya ng lalaki.

“Kahit ho anong sakit ang ginawa ninyo sa nanay, hindi niya ako pinalaking galit sa inyo. Mas matibay po ang puso niya kaysa sa lahat ng pasakit na dinanas sa piling niyong mag-ina. Tatay, ngayon ba..tanggap mo na ako?” lumuluhang sabi ng doctor.

Mahigpit na nayakap ito ni Aron. Siguro, dininig ng Diyos ang panalangin niya. Pinagbigyan siyang kahit sa nalalabing oras ng buhay ay makapiling niya ang anak dahil noon niya pa naman pinagsisihan ang mga kasalanan kay Mila.

Sabi nga nila, kahit ang pinakamakasalanan ay pinatatawad ng Diyos. Huwag matatakot magsisi at magbalik loob dahil tiyak na tatanggapin tayong muli ng Panginoon. Tandaan, mas malaki ang pag-ibig Niya kaysa sa mga kasalanan natin.

More Stories