Inday TrendingInday Trending
Dinala ng Lalaki ang Misis sa Isang Handaan at Agad Itong Pinagkaguluhan ng mga Kalalakihan, Nagulat ang mga Ito nang Malaman ang Kanilang Sikreto

Dinala ng Lalaki ang Misis sa Isang Handaan at Agad Itong Pinagkaguluhan ng mga Kalalakihan, Nagulat ang mga Ito nang Malaman ang Kanilang Sikreto

Birthday party ng isa sa mga barkada ni Pollie, masiglang umupo ang lalaki sa kasama ang mga dati nilang kaklase. Parang kailan lang ay mga pasaway na high school students sila, sinong mag aakala na kay bilis umandar ng oras, ngayon ay may mga anak na sila at ang iba pa nga ay may mga apo na. “Charles, pare happy 48th birthday!” bati ni Pollie sa may birthday nang lumapit ito sa table nila. “Pre, dapat hindi mo na binanggit ang edad! hahaha! pero thank you nakapunta ka.Si misis?” tanong nito dahil nag iisa lang siya. “Naku po, babantayan lang ako non.Bawal inom bawal ganito bawal ganyan, ayos na tong mag isa ako para diba, good time.” nakangising sabi niya. Napapailing naman si Charles habang nakangiti. “Si Estong pala male-late daw, sinundo lang ang asawa sa opisina.” banggit nito sa kanya, alam kasi ni Charles na si Estong ang pinaka-close ni Pollie kahit noon pa man. Tumango lang siya at umalis na ang birthday celebrant para kausapin ang ibang bisita. “Pre kumusta?” narinig niya ang boses ni Estong mula sa likuran niya. Nilingon niya ito, magsasalita pa lang siya para batiin ito nang bigla siyang matigilan. WOW. Ang ganda ng misis nito! “Oy! Grabe pare, long time no see! Nagkalaman-laman kana ah!” bati niya rito nang makabawi siya sa pagkagulat. “Loko-loko ka pa rin talaga.” nakangiting sabi nito. Umupo ang mag asawa sa tapat niya, kung magturingan ang dalawa ay parang bagong kasal. Asikaso ng misis si Estong at ganito rin naman ang lalaki sa asawa. Nag-aasaran pa ang mga ito at humahagikgik ng mahina. Hindi niya maiwasang maikumpara, ang misis niya kasi ay palaging nakasimangot, pagalit magsalita. Hindi man lang nag-aayos para sa kanya, kung mangangalabit siya ay laging pagod, sa madaling salita, losyang. Bago matapos ang party ay nagkaroon siya ng pagkakataon na usisain si Estong. “Pare, bagong misis mo ba yan?” tanong niya rito. Natawa naman sa kanya ang lalaki. “Siraulo ka, 23 years na kaming kasal.Bago ka dyan.” sagot nito. “Eh bakit kung maglampungan kayo wagas? Tsaka parang fresh sya, siguro hindi magaling sa gawaing bahay ang misis mo no?” muli niyang tanong. Sa itsura kasi ng babae ay tila hindi ito nakakaranas ng hirap, ang gaan ng aura at palaging nakangiti. “Pre, kung alam mo lang. Siya ang gumagawa lahat sa bahay, naisasabay niya pa ang pag aasikaso sa akin at sa tatlo naming anak.” “Kung ganon, ano’ng sikreto? Bakit maganda pa rin siya?” hindi na niya naiwasang itanong, di bale nang magmukha siyang katawa tawa, kailangan niya talagang malaman. “Dahil sinasabi ko. Palagi kong pinapaalala sa kanya na maganda siya, pinaparamdam kong importante siya at naa-appreciate ko lahat ng ginagawa niya.Pare, kung ano ang ipakita mo sa misis mo ibabalik niya yan nang doble pa.” sabi nito sabay tumayo na para umuwi, tinapik nito ang balikat niya. Naiwan namang nag iisip si Pollie. Tama ang kaibigan, sa loob ng maraming taon ay wala siyang inisip kung hindi ang kanyang sarili. Hindi niya naa-appreciate ang hirap na dinadala ng babae, kahit simpleng kape para rito sa umaga ay di niya maitimpla.Minsan nga ay inuutusan niya pa itong magtimpla ng para sa kanya kahit nakikita niyang lagod ito dahil gumising maaga upang maglaba. Nagpaalam na siya sa birthday celebrant, kailangan niyang makauwi ng maaga. Sa daan pauwi ay bumili siya ng mga bulaklak, siya naman ngayon ang magpapaganda sa kanyang misis. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement