Inday Trending

Inday Trending

Hindi na nga Nilimusan ay Ipinahiya Pa ng Babae ang mga Batang Pulubi sa Jeep, Napaiyak Siya nang Malaman ang Pinagdaraanan ng mga Bata

Hindi na nga Nilimusan ay Ipinahiya Pa ng Babae ang mga Batang Pulubi sa Jeep, Napaiyak Siya nang Malaman ang Pinagdaraanan ng mga Bata
HeartbreakingKarmaStories

Tatlong bag na malalaki ang bitbit ni Bonita galing sa pamimili sa Divisoria, online business kasi ang trabaho ng dalaga at siya pa mismo ang model sa kaniyang mga produkto.

Image courtesy of www.google.com

“Diyos ko! Kailan ba luluwag itong Divisoria, nakapa-init,” sigaw ng dalaga habang hirap na hirap sa kaniyang mga bitbit.

“Ate, pahingi naman po ng kaunting barya para lang po sa libing ng tatay ko,” wika ng isang batang babae na kumakalabit sa kaniya.

Image courtesy of www.google.com

“Wala! Letse kayo! Hirap na hirap na nga ako tapos manggugulo pa kayo,” sigaw ni Bonita sa bata.

“S-Sige po salamat na lang,” nakatungong sabi ng bata.

Sumakay na sa jeep si Bonita at pumuwesto siya sa likod ng driver. Agad siyang uminom ng malamig na tubig na nabili niya kanina sa naglalako.

Image courtesy of www.google.com

“Manong, dalawa ang babayaran ko ha. Ilalagay ko itong isang bag ko sa upuan,” pahayag ng dalaga sa driver at saka naghintay na mapuno ang jeep. Sakto namang umandar na ito, kaya lang ay biglang nag-akyatan ang mga batang nanlilimos.

“Hindi ho kami masamang tao, hindi ho kami magnanakaw. Hihingi lang ho sana kami ng kaunting abuloy para sa tatay naming yumao na, ito po ang katotohanan na nakalibing siya ngayon,” sabay pakita ng bata sa isang papel na gusot-gusot na.

“Naku! Ayan na naman ang mga modus niya ngayon para makahingi ng pera. Kunwari may nakalamay pero ipangra- rugby ninyo lang naman,” malakas na pahayag ni Bonita, nagtinginan sa kanya ang ibang pasahero.

“Huwag ninyo hong bibigyan yan. Kanina nung naglalakad ako ay may nanghingi na sa’kin na kasamahan nila. Diyos ko, lumang tugtugin na yan para maniwala kayo,” dagdag pa nito.

“Hindi naman ho kami sapilitang nanghihingi sa inyo, ito po ang picture ng aking ama,” sabay pakita muli ng bata at doon na naaninag ni Bonita na may litraro naka-print sa papel. Hindi na lang siya nagsalita,nagkabit na lang ng earphone at inirapan ang bata. Wala kahit ni isang nagbigay sa bata kaya bumaba na lang ito.

Wala pang isang Linggo ay ubos na kaagad ang pinamili ni Bonita kaya naman naisipan niyang pumunta ulit sa Divisoria at agad niyang nakita ang mga batang nanlilimos noong nakaraan.

“Sakto,wala pa akong bitbit. Maturuan nga ng leksyon ang mga batang ito,” saad ni Bonita sa sarili at nilapitan ang mga batang kumakatok sa isang tindahan.

“Huli kayo! Sino ang nagturo sa inyo ng mga modus na ito ha? Di nyo ba alam na pwede ko kayong ipahuli sa ginagawa niyong ito!” wika ng dalaga sabay hablot sa isang braso ng batang babae.

“Ate, masakit po,” baling sa kaniya ng batang babae na nasa 13 anyos na rin.

“Mas masakit pa ito kung ipapahuli ko kayo diyan sa kakahingi nyo ng abuloy!” saad pa Bonita sa mga bata sabay pinandilatan niya ng mata ang mga iyon at binitiwan.

Nagtakbuhan naman ang mga paslit, ngunit dahil sa sobrang inis niya ay smunod siya. Maigi na rin iyon para alam niya ang bahay ng mga pulubi. Sana nga ay naroon ang magulang ng mga ito para mapagsabihan na rin niya. Huminto ang bata sa isang lamay at kumuha ito ng isang inumin saka tumakbo.

“Kita mo nga naman, pati lamay ng ibang tao ay ginagamit na ngayon para makahingi ng pera,” bulong pa ng dalaga sa sarili saka huminto sa lamay.

Image courtesy of www.google.com

“O ito, bagong print out ito. Ipakita niyo ito ng maaayos para maniwala ang mga tao sa inyo, kailangan natin ng pera,” wika ng isang ale na agad namang napansin ni Bonita kaya nilapitan niya ito.

“Kayo ho pala ang may pakana nang panglilimos ng mga bata at ginamit niyo pa ang lamay ng ibang tao para doon, Ipapahuli ko kayo!” saad kaagad ni Bonita sa ale.

“Ma’am huwag po! Inuutusan ko lang naman ang mga anak ko na mamalimos ng kaunting pera para maipalibing namin ang tatay nila. Hindi ho kami nagsisingungaling, totoo hong asawa ko ang nawala at totoo rin pong tatay nila ang nakalamay dito,” umiiyak na baling ng ale sabay luhod sa dalaga.

Image courtesy of www.google.com

“Huwag niyo ho kaming isumbong sa pulis. Walang-wala na ho talaga kami ma’am, labing isa ho ang anak namin at nasagasaan ang asawa ko pero tinakbuhan lang ho siya. Sinagot ng barangay ang kabaong pero wala pa ho akong pangbayad sa sementeryo at kailangan ko rin hong pakainin silang lahat,” dagdag pa ng ale at natigilan sa pagsigaw si Bonita nang makita ang mga bata na umiiyak na ngayon at nakaluhod rin sa kaniya.

Hindi sumagot ang dalaga at tumakbo ito paalis at nang makalabas siya sa eskinita ay huminga ito ng malalim, “Napakasama mo Bonita!” saad niya sa sarili, napaluha na rin siya.

Kaya agad na pumunta si Bonita sa barangay hall na malapit at nagbigay ng pera. Hindi niya na magawang bumalik dahil wala na siyang mukhang maiharap sa pamilya. Napakasama ng kanyang ginawa, kahit man lang sana rito ay makabawi siya.

“Para ho yan dun sa pamilyang may lamay dun sa gitna,” wika ng dalaga sa babaeng nagpakilalang sekretarya ng barangay.

“Naku,malaking tulong ito para doon sa pamilya at maipapalibing na rin nila sa wakas ang tatay nila. Huwag ho kayong mag-alala, ibibigay ko ho ito. Kawawa ang pamilyang iyon,” baling naman ng babae.

Simula noon ay hindi na kailanman nagtaray si Bonita sa kahit sinong pulubi, binibigyan na rin niya ang mga ito ng kaunting barya o di kaya naman ay pagkain.

Sa isip-isip niya ay hindi niya alam ang tunay na pinagdadaanan ng bawat isa, mas mabuti nang piliing maging mabait sa kapwa.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

More Stories