Inday TrendingInday Trending
Palagi na Lamang Nasa Tapat ng Pawnshop na Pagmamay-ari ng Isang Matanda ang Pulubing Ito, Hindi Niya Akalaing Tatanaw Siya ng Utang na Loob Dito

Palagi na Lamang Nasa Tapat ng Pawnshop na Pagmamay-ari ng Isang Matanda ang Pulubing Ito, Hindi Niya Akalaing Tatanaw Siya ng Utang na Loob Dito

Si Mr. Robert ay isang kilalang businessman sa kanilang lugar dahil sa kaniyang pagpapautang at sanglaan. Galing ang kanyang puhunan sa kanyang anak sa ibang bansa na kinalaunan ay namatay nang may nanloob sa pinagtatrabuhahan nitong bangko sa UK. Ilang buwan ang lumipas ay yumao din ang ina niton a asawa ni Mr. Robert. Ang bilin nito ay ingatan ang alaala ng kanilang anak–ang pawnshop. Pitong buwan ang lumipas bago makabangon si Mr. Robert sa kanyang kalungkutan. Isang gabi pasara na siya ng shop nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan dali-dali siyang pumasok sa loob. Sa labas naman nito ay ang mga taong nakisilong para di mabasa ng ulan. May malaking bubong sa harap ang kanyang shop para sana ito sa mga customer niya na nag-aantay. Kasama si Bobby sa mga nakisilong doon. Isang lalaking baliw na pagala-gala sa kalye. Base sa pagkakaalam niya nabaliw daw ito nang mawala ang bunsong kapatid limang taon nang nakalipas. Nandidiri ang mga taong katabi nito dahil sa kanyang masangsang na amoy. Kaya pinili na lang ng mga ito na sumugod sa malakas na ulan at humanap ng malilipatan. Hindi naman magawang paalisin ni Mr. Robert si Bobby dahil kahit papano ay iniisip niya ang sitwasyon nito. Habang nainom ng kape ay pinapanuod niya ang labas ng kanyang shop mula sa kanyang cctv monitor. At nakikita niya ang lalaking paikot-ikot sa tapat ng kanyang shop. Gumabi na at nawala na ang malakas na ulan, matutulog na sana si Mr. Robert ngunit nakita niya ang lalaki na nakahiga sa tapat ng kanyang shop. Binuksan niya ang maliit na bintana sa gilid at pinaalis ito. Nagulat naman ito at biglang tumakbo papalayo. Hanggang sa naging tulugan na talaga iyon ni Bobby. Araw araw naman ay ganoon ang sistema nilang dalawa ni Mr. Robert. Tuwing sasapit ang gabi at magsasara siya ay darating si Bobby para doon humiga at matulog. Palagi naman siyang inaabangan ng matanda para paalisin. Ngunit talagang makulit si Bobby maghihintay din ito na makatulog si Mr. Robert at doon niya ipagpapatuloy ang pagtulog din. Isang umaga ay natiyempuhan siya ng matandang may-ari. Pagkabukas nito ng tindahan ay naroon ang baliw na lalaki at nakahiga, dahil sa inis ay kumuha ng malamig na tubig si Mr. Robert at ibinuhos ito sa kanya. Agad napatayo si Bobby at nagtatakbo. Hindi pa ito nakalalayo ay bigla nalang itong bumagsak. Agad namang nilapitan ng isang matandang ale ang lalaki. Hinipo at nalaman na may mataas palang lagnat ito. Agad naman itong sinugod sa ospital. Pagkatapos isara ang tindahan ay sumunod si Mr. Robert sa ospital dahil nakokonsensya din siya sa nagawa niya. “Medyo kritikal ang lagay niya, may nabuong dugo sa ulo niya, ang findings ko ay may pumukpok ng kung anong matigas na bagay sa ulo niya kaya ngayon ay wala siyang malay,” saad ng doktor. Nang makauwi si Mr. Robert ay naisipan niyang panuorin ang CCTV noong huling gabing natulog sa tapat niya si Bobby. Doon ay nagulat siya sa nakita. May dalawang lalaking naka-motor at pilit na binubuksan ang lock ng tarangkahan ng pawnshop niya ngunit nanlaban si Bobby upang pigilan ang mga ito nang sumigaw ito ay natarant ang dalawang magnanakaw, pinukpok ng baril sa ulo ang lalaki at tumakbo. Nakita niyang nawalan ng malay si Bobby. Napaiyak si Mr. Robert sa napanuod at agad na pinuntahan si Bobby ngunit sa isang masamag balita ang sumalubong sa kanya, “Patay na po ang pasyente.” Doon ay nakita niya rin ang isang binatang umiiyak. Nalaman niyang Garry ang pangalan nito at ito pala ang nawawalang kapatid ni Bobby. Niyakap niya ito at humingi ng tawad. Dahil wala na rin kasama sa buhay ang binatang si Garry ay nagprisinta siyang ampunin at pag-aralin ito. Hindi namalayan ni Mr. Robert na biglang nagkaroon muli ng kulay ang buhay niya. Salamat sa magkapatid na sina Bobby at Garry. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement