Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Ganda at Yaman ay Naging Mapagmataas ang Babaeng Ito, Hanggang sa Tinuruan Siya ng Leksyon ng Isang Matandang Pulubi

Dahil sa Ganda at Yaman ay Naging Mapagmataas ang Babaeng Ito, Hanggang sa Tinuruan Siya ng Leksyon ng Isang Matandang Pulubi

Si Miles ay nasa punto ng buhay niya na akala niya’y perpekto na ang kanyang buhay. Siya ay nagtataglay ng magandang mukha at pangangatawan, magandang trabaho, magarang kotse at mansyon. Kumbaga, wala na siyang mahihiling pa. Sa edad niyang 35-anyos ay nakamit niya na ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Nakapagtravel na rin siya sa mga lugar at bansang gusto niyang puntahan noon. “I am so thankful, I am so perfect!” palagi niyang bukambibig. Pero may kakaiba siyang ugali. Sa lahat ‘ata ng mayaman at may pera, siya lang ang hindi namamahagi ng kanyang blessings. Naniniwala kasi siyang pinaghirapan niya ang bawat sentimo ng kanyang kinikita. Sa tanang-buhay niya ay hindi niya pa naranasang magbigay sa isang pulubi o sa mga nangangailangan. Isang araw, kasama ng mga kaibigan niya, nagtungo sila sa isang beach sa Zambales. Pinagamit niya ang kanyang bagong biling 13-seater van upang ipagmalaki sa mga ito. “Wow, ang ganda naman ng van mo bessy!” masayang bulalas ni Kim, bestfriend niya. “Magkano bili mo dito?” “Huwag mo ng tanungin, hindi mo afford bessy,” pagbibiro ngunit may laman niyang sagot sa kaibigan. Nagtawanan naman ang iba nilang kaibigan pero lingid sa kaalaman nilang nasaktan si Kim sa sinabi niya. Ito rin ang isa sa mga nag-iba sa kanyang ugali. Kung dati-rati ay masayahin ito at nakakatawa ang mga biro, ngayon ay madalas na nakakasakit na ang mga biro nito. “Laki ng pinagbago mo, bessy,” sinserong sabi ni Kim. Natahimik naman ang lahat. Buong byahe ay tahimik ang lahat na tila naapektuhan sa sinabi ni Kim. Sa kalagitnaan ng byahe ay natrapik sila na siyang naging dahilan ng paghinto ng kanilang sasakyan. Isang pulubi ang kumatok sa bintana ng van. “Huwag niyo buksan, dumi-dumi niyan!” inis na utos ni Miles. Pero dahil naawa si Kim sa kalagayan ng matandang pulubi ay kumuha siya ng bente pesos sa wallet at binaba ang bintana ng sasakyan. “Manong ito po, pasensya na po.” “Kim! Ano ka ba? Sinabi kong wag buksan ‘yang van ko. Ipadisinfect mo ‘yan mamaya ah! Ang dumi-dumi n’yan, baka kung anong sakit pa ang dalhin sa atin n’yan.” “Ineng…” natahimik sila sa pagsasalita ng lalaki. “Naranasan mo na bang magkaroon ng sarili mong pamilya?” “Ano namang pakialam niyo dun, manong?” naiinis na siya hindi lang sa pulubi at sa kaibigang si Kim, kundi pati na rin sa matinding traffic na nararanasan nila. Gustong-gusto niya nang layasan ang matandang pulubi na ito. “Marahil ay hindi mo pa nararanasang magkapamilya kaya ganyang kagaspang ang iyong pag-uugali,” gulat ang lahat sa pagsasalita ng pulubi. “Oo may sakit ako, pero hindi iyon nakakahawa. Dahil ang sakit ko ay sakit ng pag-iwan ng lahat ng nagmahal sa akin at mga mahal ko sa buhay.” “Bakit naman po?” lalong naawa si Kim sa matanda. “Dahil katulad niya rin ako noon,” turo nito kay Miles, “Mayabang, mapagmalaki, madamot at pakiramdam ko’y wala ng kulang pa sa buhay ko. Dahil mayaman na ako, kaya akala ko di ko na sila kailangan. Pero nagkamali ako… nang iniwan ako ng lahat, nalugmok ako. Nawala ang trabaho ko. Nalulong ako sa alak at bisyong sugal. At doon naubos ang pera ko at naging ganito ako.” Nagulantang ang lahat lalo na si Miles na tila natakot sa sinabi ng matanda. Lahat ng mga salita nito ay kusang pumasok sa kanyang isipan. Nagsilbi itong warning sa kanya. Sa isang iglap ay narealize niya ang lahat. Marami nga siyang pera at inakalang nasa kanya na ang lahat. Pero wala siyang pamilya. Nag-uumpisa na ring nawawala isa-isa ang mga tunay niyang kaibigan. Si Kim nalang ang natira sa mga dati niyang kaibigan. “Kim!” niyakap niya ito at humingi ng tawad. Napagtanto niyang hindi nga siya perpekto o ang buhay niya. Simula noo’y binago niya ang kanyang ugali. Namimigay na siya sa mahihirap at nagpakumbaba na sa lahat ng bagay. Hindi lamang kayamanang materyal ang lumago sa kanya kundi kayamanang pagmamahal mula sa mga kaibigan at sa ngayo’y nobyo niyang si Ricky. Balak na rin nilang bumuo ng sariling pamilya sa isang taon. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement