Inday TrendingInday Trending
Matagal nang Pinariringgan ng Babae ang Kaibigang Binata, Ngunit Pilit Naman Siya Nitong Nirereto sa Iba, Huli na nang Malaman niya ang Dahilan Nito

Matagal nang Pinariringgan ng Babae ang Kaibigang Binata, Ngunit Pilit Naman Siya Nitong Nirereto sa Iba, Huli na nang Malaman niya ang Dahilan Nito

“Sinong ka-date mo sa prom, Daniel?” tanong ni Angeline sa kanyang kaibigan. Tumawa ito ng pagak, “Bahala na, tinatamad nga ako magpunta eh.” Agad siyang nabahala sa sinabi nito, “Bakit naman?” Nagkibit-balikat ito, “Wala lang.” Naiinis siya sa sinasabi nito. Gusto niyang sabihin dito na samahan siya. Gusto niyang yayain itong makipag-date sa kanya. “Ikaw? Sinong ka-date mo sa prom?” natuwa siya sa tanong nito. “Wala pa nga eh,” walang-pasubali niyang sagot. Natawa ito sa kanya, “Pwede kitang tulungan.” Tila tumalon ang puso niya sa sinabi nito, “Talaga?” Tumango ito, “Ihahanap kita ng date!” Nairita agad siya sa sinagot nito. Alam na niya kung anong ibig nitong iparating, “Sino na namang irereto mo sa akin?” Lalo itong natawa sa pamumula niya sa inis, “Basta ako nang bahala.” Hanggang sa dumating ang araw ng kanilang prom. Inis na inis si Angeline dahil hindi nga umattend ang kaibigan niyang si Daniel. Kung alam niya lang sanang tototohanin nito ang sinabing hindi pupunta sa prom ay hindi na rin sana siya nagpunta. “Kainis!” “Kanino ka naman naiinis, Miss?” nagulat siya nang biglang may lumapit sa kanyang lalaki. Ito ung sikat na lalaki sa school nila, pero wala siyang pakialam kahit na gaano kagwapo ito. Ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay ang inis niya sa kaibigan. “Jeron nga pala, ako yung pinaattend ni Daniel bilang partner mo.” Ilang taon ang lumipas at nanatiling magkaibigan pa rin sina Angeline at Daniel. Hanggang sa magkatrabaho na sila ay ganoon pa rin ang tema nila. Puro parinig na siya dito pero tila bingi ang kaibigan na palagi na lamang siyang nirereto sa iba. “Daniel, sinong ka-date mo sa company party natin?” Binigyan siya nito ng isang makahulugang ngiti, tila alam na niya ang masaklap na sasabihin nito. “Okay, huwag mo nang sagutin. Sa ngiti mo palang alam ko nang hindi ka pupunta.” “Gusto mo ba ng ka-date?” tanong nito sa kanya. “Ayoko!” hindi niya na napigilan ang sariling sumigaw. Wala nang nagawa si Angeline kundi ang manatili nalang sa bahay kahit na gustong-gusto niyang magpunta sa party. Naiinis kasi siya kay Daniel dahil ang manhid-manhid nito. “Hindi ba niya nahahalata na matagal na akong may gusto sa kanya?” Hanggang sa makatanggap siya ng isang tawag mula sa mama ng kaibigan. “Hello, Angeline nasaan ka? Pwede ka bang magtungo dito sa bahay? Emergency lang.” Kinabahan siya sa sinabi nito. Kaya naman agad siyang nagpunta sa bahay nina Daniel. Halos lakad-takbo ang ginawa niya papasok sa bahay nito. Naabutan niyang umiiyak ang mga magulang ni Daniel, “Si Daniel po tita?” Agad niyang pinuntahan ang kwarto nito. Doon ay naabutan niyang naghihingalo na ang kaibigan. Halos gumuho ang mundo niya nang makita ang kalagayan nito. “Ano pong nangyari?” tanong niya sa doktor na katabi nito. “There’s only 5% chance na makasurvive siya. Mahina na ang sistema niya.” Iyak siya nang iyak. Naramdaman niya ang hirap na paghawak ni Daniel sa kamay niya. Umiling ito na tila sinasabing huwag siyang umiyak. Pinunasan niya ang luha at matapang na umamin sa lihim niyang nararamdaman. Ngumiti ito, at sa huling sandali ay pinisil nitong muli ang kamay niya. Doon lumapit ang mga magulang ni Daniel. Dineklara na rin ng doktor na wala na siya. May binigay sa kanyang sulat ang mama ni Daniel. Angge, Sorry, kung palagi kang naiinis dahil hindi ako nakaka-attend sa mga party. Mahina kasi ang baga ko sa ganoon eh. Isa pa, sorry rin kung palagi kitang nirereto sa iba. In case kasi na mawala ako, may gagabay pa rin sayo. Lampa ka pa naman. Maging matapang ka kahit wala na ako. Mahal kita, Angge. Sorry kung ‘di ko nagawang aminin sayo. Ayaw kitang paasahin sa kalagayan kong ito. Daniel

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement