Akala ng Dalaga ay May Something na Sila ng Long-Time Crush Niya; Laking Gulat Niya ng Ipinakilala Siya Nito Bilang Bestfriend sa Bago Nitong Nobya

Nakatingin lang sa screen ng kaniyang cellphone si Denise habang tuloy-tuloy na tumutulo ang kaniyang mga luha. Nakita niya lang naman sa status ng kaniyang crush na si Louie na may bago na itong girlfriend.

Akala niya pa naman ay sa wakas ay may pag-asa na siya sa binata. Matagal niya na kasing minamahal ang binata pero hanggang sa malapit na kaibigan lang talaga ata ang tingin nito sa kaniya.

Nitong huli kasi ay napapadalas ang kanilang paglabas-labas at mas naging malapit pa sila sa isa’t isa. Para na nga silang mag-MU kung titingnan eh. Mula umaga hanggang gabi ay magkachat sila, pinapaalam ang ginagawa ng isa’t isa. Nagpapaalam sa isa’t isa kung may mga lakad o bago gawin ang isang bagay.

Kaya akala talaga ni Denise ay may something na sa kanilang dalawa. Akala niya ay sa wakas ay napapansin na rin siya ng binata gaya ng pagtingin niya rito, pero heto siya ngayon, umiiyak dahil umasa lang pala siya. Pinaasa at pinaikot lang pala siya ng lalaking minahal niya. Sadyang napakatanga niya lang talaga ata pagdating kay Louie. May mga nanliligaw din naman kasi sa kaniya, pero nasa binata lang talaga nakatingin ang kaniyang mga mata. Ito kasi ang matuturing na dream guy ni Denise, kaya naman ilang taon niya na talaga itong minamahal ng palihim.

“Denise, ito nga pala si Sheila, girlfriend ko. Babe, siya pala si Denise, bestfriend ko,” pagpapakilala ni Louie sa dalawang babae sa isa’t isa.

“Hi, I’m Denise. Nice to meet you,” nakangiting saad ni Denise kahit nasa loob loob niya ay gustong gusto niyang magwala sa harapan ng mga ito.

Hindi man lang siya na-informed na magtalik pala silang magkaibigan ng binata! Akala niya may something pero bestfriends pala para sa binata, parang gusto niya tuloy sapakin bigla si Louie.

“Hello, nice to meet you rin. I’ve heard so much about you. Parati kang nakwekwento sa’kin ni babe. Kaya nga minsan ay nagseselos na ako eh, but no worries, I know naman na hanggang bestfriends lang talaga ang turingan niyong dalawa eh,” nakangiting sagot ni Sheila. Hindi alam ni Denise pero kahit na nakangiti ang dalaga ay para bang naiinis ito. Naiirita siya.

Advertisement

Pero siyempre, bilang matalik na kaibigan kuno ni Louie ay tinanggap niya si Sheila sa buhay nila at pinakisamahan ng maayos. Kahit na masakit sa kaniya ay pinilit niya ang sarili na kalimutan ang nararamdamang niya para kay Louie at ginampanan ng maayos ang kaniyang pagiging bestfriend sa binata.

Nagpaka-supportive friend niya sa relasyon nito kay Sheila. Sa tuwing may problema ang dalawa o sa tuwing sosorpresahin ng binata si Sheila ay parating nariyan si Denise at nakaalalay sa dalawa, kulang na nga lang ay parangalan siyang pinaka-dakilang martir ng taon sa mga ginagawa niya eh.

“Haaaay!” malakas na napabuntong hininga si Denise sabay higa sa malambot niyang kama. Kakauwi niya lang kasi galing sa sorpresang ginawa nila ni Louie para sa girlfriend nitong si Sheila. Pagod na pagod talaga siya dahil pinagsout pa talaga siya ng mascot ng binata. Wala naman siyang magawa dahil hindi rin siya makatanggi kay Louie. Sobrang rupok niya talaga pagdating sa binata.

“Ikaw kasi eh, bakit ba kasi nagpapakatanga ako sa’yo ng ganito?” saad niya sa larawan nilang dalawa ni Louie na nakasabit sa dingding ng kwarto niya.

Maya-maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa binata kaya naman agad niya itong pinuntahan sa condo unit nito. Naabutan niya itong nagpapakalunod sa alak, agad niya namang inagaw ang hawak nitong bote at kinausap ito ng maayos. Tinanong niya kung ano nga ba ang nangyari pagkatapos niyang umalis.

Inalok pala ng binata si Sheila ng kasal ngunit tinanggihan ito ng dalaga at nakipaghiwalay sa binata. Nagmakaawa si Louie kay Sheila pero matagal na pala itong nagbabalak na hiwalayan siya dahil may relasyon din ito sa boss niya.

Nanatili lang si Denise sa tabi ni Louie hanggang sa mag-umaga. Araw-araw rin ay ginagawa lahat ng dalaga para mapasaya si Louie, hanggang sa unti-unting bumalik ang dating sigla ng binata.

Sa mga panahong lugmok at pakiramdam ng binata ay napakadilim ng kaniyang mundo ay si Denise ang nagsilbing liwanag niya at binalik siya sa tamang daan. Doon niya napagtanto na mahal niya pala ang dalaga. Hindi lamang bilang matalik na kaibigan, kundi mas malalim pa roon. Kinumbinsi niya lamang ang sarili na hanggang sa matalik na kaibigan lamang silang dalawa dahil natatakot siya na baka mawala sa kaniya ang dalaga.

Advertisement

Dinala ni Louie si Denise sa pinaka paborito nitong lugar, sa isang burol kung saan makikita mo ang malawak na langit at mga butuin sa gabi. Napaka-perfect ng gabi kaya naman ngayon balak ng binata na umamin sa dalaga ng kaniyang tunay na nararamdaman.

“Denise, huwag ka sanang mabibigla at sana ay maniwala ka sa sabibihin ko,” simula ni Louie bago bitawan ang mga salitang nais niyang sabihin sa dalaga. Tiningnan niya sa mata si Denise at buong pusong sinabing, “Mahal kita, Denise.”

Sunod-sunod na naglalagan ang mga luha sa mga mata ni Denise. Kaytagal niyang hinintay ang mga salitang iyon mula sa binata. Kaya naman hindi na napigilan ng dalaga ang sarili at bigla niyang hinalikan si Louie. Isang halik na puno ng pagmamahal.

“Mahal na mahal din kita… simula pa nung una,” mahinang sambit ng dalaga pagkatapos ng kanilang halik at ipinatong ang kaniyang noo sa noo ng binata at pinikit ang kaniyang mga mata.