Inday TrendingInday Trending
Buo ang Tiwala ng Babae sa Kanyang Nobyo, Hindi Niya Inaasahan na Kaibigan Pa ang Sisira Nito

Buo ang Tiwala ng Babae sa Kanyang Nobyo, Hindi Niya Inaasahan na Kaibigan Pa ang Sisira Nito

Limang taon na ang relasyon ni Kim at Miko. Nagsimula sila noong ikatlong taon nila sa kolehiyo pero high school pa lamang sila ay nililigawan na ni Miko ang dalaga.

Ngayon, parehas na silang nagtatrabaho. Isang sekretarya sa malaking kumpanya si Kim at engineer naman si Miko.

Maayos ang kanilang relasyon at hindi sila halos nag-aaway. Paano nila ito nagagawa? Para sa kanila, dahil parehas silang busy sa kani-kanilang trabaho, halos minsan na lamang sila nagkikita o nag de-date.

Kaya imbis na sayangin pa nila ang kanilang oras sa pag-aaway ay paguusapan nalang nila ito ng maayos.

Dahil narin siguro sa matagal na silang magkaibigan bago pa sila nagkaroon ng relasyon ay malaki rin ang tiwala nila sa isa’t isa.

May mga araw pa nga na nagpapaalam ang binata sa kanyang nobya na lalabas lamang silang magkakaibigan at mag-iinuman, at papayagan naman si ni Kim.

Ganoon rin minsan ang paalam ng dalaga. Hindi nga lang sa inuman, pero kasama pa rin ang mga kaibigan.

Isang araw, habang mag kasama silang dalawa na kumakain sa isang mall ay nag-ring ang cellphone ni Miko. Bago pa man niya ito nasagot ay nakita na ni Kim kung sino ang tumatawag – Lea raw ang pangalan.

Matapos makipagusap ng binata ay bumalik ito sa lamesa.

“Sino yung tumawag sa iyo babe?” tanong ng dalaga.

“Ah bestfriend ko yun dati nung elementary palang ako. Nakasalubong ko kasi sa may office nung isang linggo, nag-aapply pala siya sa kumpanya namin,” sagot ng binata.

“Lea yung pangalan niya? Babae ang best friend mo?” nagtatakaang tanong ni Kim.

“Oo, babe. Pero magbest friend kami nung mga bata pa lang kami,” nakangiting sagot ni Miko at lumapit siya sa tabi ng kanyang nobya, “Wag kang mag-alala, kaibigan ko lang yun, ikaw lang ang one and only na mahal ko,” dagdag niya at hinalikan niya ang noo ng dalaga.

Napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng binata. Wala pa naman sila nagiging problema na tungkol sa isang babae, kaya kampante si Kim na totoo ang lahat ng sinasabi ng kanyang nobyo. Malaki ang tiwala niya kay Miko dahil kahit kailan naman ay hindi pa ito nasira ng binata.

Ngunit dumating ang araw na tuwing magkasama si Kim at Miko, tinatawag-tawagan pa rin siya ni Lea.

Nakakaramdam ng inis si Kim sa tuwing sasagutin ng kanyang nobyo ang mga tawag. Pero hihingi ito ng kapatawaran pagkatapos.

“Pasensya na babe, may problema kasi yun ngayon. Eh tungkol kasi sa boyfriend niya yung problema niya kaya sa akin nagtatanong,” dahilan ng binata.

At muli ay maniniwala pa rin si Kim. Dahil ano nga naman ang ebidensya niya na may ginagawang kalokohan ang nobyo niya.

Ngunit isang madaling araw, nagising si Kim sa tawag ng kanyang nobyo.

“Babe, puntahan ko lang si Lea, wala kasing makausap yun, kawawa naman eh iniwan siya ng boyfriend niya,” ani ng binata.

“Bakit ikaw ang kailangang pumunta? Pwede namang ibang kaibigan niya na lang?” naiinis na sagot ng dalaga.

“Eh kasi babe ako naman yung parang best friend niya, Pero wag kang mag-alala, ngayon lang ‘to,” pamimilit ni Miko.

“Pangako mo ba ‘yan?” malungkot na sagot ni Kim.

“Oo babe, pangako,” sagot ng binata.

“Wag kang mag-alala, mahal na mahal kita,” dagdag pa ni Miko.

Pero ang pangakong ito, ay hindi na natupad nang ilang gabi pang nagkikita si Miko at Lea na madalas ay hindi na ipinapaalam kay Kim.

Sige pa rin ang tiwala ng dalaga sa kanyang nobyo hanggang sa napansin niyang unti-unting may nagbabago na sa ikinikilos ng binata.

Ayaw komprontahin ng dalaga si Miko dahil hindi siya handang malaman ang katotohanan. Ngunit nang magkaroon siya ng lakas na loob…

“May problema ba tayo?” tanong ni Kim.

“Wala. Bakit? Mayroon ba dapat?” sagot ni Miko.

“Eh kasi halos hindi na tayo madalas na nagkikita tulad ng dati. Ni hindi na ako ang picture mo sa cellphone mo. Pati ang Facebook account mo, wala na ang picture natin doon. At parang hindi ka na masaya sa tuwing magkikita tayo,” malungkot na sagot ni Kim.

“Ayaw ko kasing isipin ng mga tao na baliw na baliw ako sa’yo,” sagot ng binata.

“Hindi na nga ba talaga?” gusto mang tanungin ito ni Kim ay sa isip niya na lamang ito binanggit.

Natuwa ang dalaga nang isang araw ay pinangakuan siya ni Miko na sila ay lalabas sa kanilang ika-anim na anibersaryo.

Ngunit nang dumating ang araw na iyon, magdamag siyang nag-antay. Hanggang pumatak ang alas dose ng madaling araw ay walang Miko ang nagpakita o nagparamdam sa kanya. Ni tawag o mensahe, wala.

Napakasakit nito para sa dalaga ngunit nakatulog na rin siya sa kakaiyak. Pero hindi pa pala doon natatapos ang sakit. Pagkagising niya, nakita niya ang isang mensahe na galing kay Miko.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya noong mga oras na iyon dahil parang may boses sa kanyang isip na nagsasabing huwag nalang niyang basahin ang mensahe na ito.

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang dahan-dahan niyang tinignan ang text na galing sa kanyang nobyo.

“I’m sorry. Break na tayo.”

Inalam niya ang lahat. Pinilit niyang alamin kung ano ang nangyari at kung saan siya nagkulang.

Pakiramdam niya ay siya ang pinakatangang tao dahil naniwala siya sa mga panahong sinabi sa kanya ni Miko na “magkaibigan lang” sila ni Lea.

Sobrang sama ng loob niya sa kanyang sarili dahil bakit nga ba pinayagan niya ang kanyang nobyo na puntahan ang babae na iyon sa mga panahong malungkot siya.

Ilang taon rin ang lumipas at siya pa rin ay nanatiling nag-iisa habang ang kanyang dating nobyo, ay ikakasal na kay Lea.

Ngunit imbis na magmukmok na lamang at magpakain sa sakit na nararamdaman, ipinangako ni Kim sa kanyang sarili na sa susunod na siya’y magmamahal muli ay magiging mas maingat na siya. Mula noon ay inilaan na lamang niya ang lahat ng kanyang oras sa pagsasa-ayos ng kanyang sarili.

Hindi nagtagal at nakatagpo rin siya ng lalaking hinding-hindi siya lolokohin at mamahalin ng tapat at tunay.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement