Lahat ng Minamahal ng Dalaga ay Malagim na Binabawian ng Buhay, Di Niya Inaasahan ang Salarin

Kinikilig na isinara ni Aileen ang pinto ng kanyang kwarto, hindi niya naman kasi akalaing mapapansin rin siya ni Marco. Bestfriend ng kuya James niya ang binata at maliit pa lang siya ay crush niya na ito.

Akala niya ay hanggang pangarap nalang siya, pero ngayong 25 years old na siya ay abot kamay niya na ang lalaki. Nakarinig siya ng ilang katok kaya dahan-dahan niya iyong binuksan.

“Wala na, umuwi na ang manliligaw mo,” nakasimangot na sabi ng kuya James niya.

“Si Kuya naman eh, baka maudlot pa kagaganyan mo eh.” biro niya rito.

“Wala naman akong problema kung gusto ka niya, tropa ko naman yan eh. Ang akin lang, naka-move on ka na ba kay Alex at Burt? I mean, ready ka na bang magmahal ulit?” nananantyang tanong nito.

Nang maalala naman ni Aileen ang dalawang dating nobyo ay bumalatay ang lungkot sa kanyang mukha. Kasunod noon ay ang takot. May sumpa yata kasi siya, lahat ng minamahal niya ay namamatay.

“Ayokong pag-usapan kuya. Basta masaya lang ako ngayon kay Marco, lalo at nagtapat na siya. Tsaka,dalawang taon na rin naman ang nakalipas..”

Nakakaunawang tumango ang kuya James niya, tapos ay hinalikan siya sa noo. “Naiintindihan ko my princess. Basta kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ang kuya.”

Advertisement

Ngiti lang naman ang isinagot ni Aileen. Kahit na dalawa lang silang kapatid ay napaka-swerte niya dahil ni minsan ay di siya pinabayaan ng kanyang kuya. Palagi lang itong nariyan at naka-suporta kahit na anong pagdaanan niya.

“O sige na, sobrang drama na ito. Mag-ready ka na ng gamit mo, maaga raw ang alis natin bukas sabi ni mom at dad.” sabi nito at tinapik ang kanyang balikat.

Tumango naman si Aileen at isinara na ang pintuan. Bukas ang family outing nila sa Batangas at sobra ang excitement niya dahil kasama si Marco.

Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay masaya nang nag-iihaw ang dalaga ng barbecue na pinagtulungan nilang timplahin ng mommy niya.

“Boys! Kakain na!” tawag ng ginang kay Marco, sa Kuya James at daddy niya.

Isa-isang nagsi-ahon ang mga lalaki sa dagat at patakbong lumapit.

“Hi, parang ang bango niyan ah. Pwede ka nang mag-asawa,” sabi ni Marco.

“Hoy, asawa agad! Nanliligaw ka pa lang sa utol ko!” saway ng kuya niya.

Advertisement

Nginisian lang naman ito ni Marco.

“Aba bakit? Nasa tamang edad na rin naman si Aileen, at okay na rin sa akin kung si Marco ang makatuluyan niya dahil kilala na naman natin ang batang ito,” sabi ng kanyang daddy. Kinilig naman si Aileen, lalo pa nang kindatan siya ni Marco.

Kinagabihan ay naisipan nilang sa room na sa tabing dagat maghapunan. Tutal ay malakas ang alon at hindi rin naman enjoy na lumangoy dahil sobrang lamig ng tubig.

“Maglalakad-lakad lang ako,” sabi ng daddy niya.

“Huy mahal, malakas ang alon. Wag kang lulusong at delikado.” paalala ng kanyang mommy. Tumango ang lalaki at lumabas na.

Makatapos ang ilang minuto ay napagpasyahan ng kuya James niya na sundan na ang kanilang ama. Pero sandali lamang ang lumipas ay humahangos na bumalik ang kuya niya sa room.

“Si Daddy! Nalunod!” napatayo silang lahat, isinugod sa ospital ang matanda pero hindi na umabot. Masyadong maraming tubig na ang nainom nito, buti nga at nadala ng kuya niya sa pampang kung hindi ay baka lumubog nalang ito sa ilalim ng dagat at di na nila matagpuan pa.

Napakasakit ng mga pangyayari, ang bilis lang ng oras. Parang kailan lang ay masaya pa nila itong kasama sa bakasyon at di akalain ni Aileen na ang outing na iyon pa pala ang kikitil sa buhay ng pinakamamahal niyang ama.

Advertisement

Alam niyang sobrang lungkot rin ng kanyang kuya, napagpasyahan niyang katukin ito sa kwarto at makipagkwentuhan. Susubukan niyang maging masaya muli ang bahay nila kahit paano.

“Kuya?” katok niya pero wala ito, baka kasama ng mommy niya dahil wala rin ang ginang. Bagamat hindi naka-lock ang pinto.Ewan niya ba pero parang may kung anong bumulong sa kanya na pumasok.

Nakakalat sa kama ng kuya niya ang ilang mga photo album. Siguro ay nagbabalik-tanaw ang kanyang kapatid sa mga magagandang alaala ng kanilang pamilya. Isang partikular na photo album ang pumukaw sa kanyang atensyon. Puno kasi iyon ng puso at kulay pula pa.

Na-curious siya. Na-inlove na kaya ang kuya niya? Ni minsan kasi ay wala pa itong ipinakilalang girlfriend. Umupo siya sa kama at binuklat ang photo album.

Medyo nagulat siya nang makita ang laman noon, puro mukha niya.

Mga picture nilang dalawa. Pero napakunot ang noo niya nang makita ang mga larawan sa huling pahina. Ang mga dati niyang nobyo, sina Alex at Burt.

“Nakita mo na pala,”

Napapitlag si Aileen nang marinig ang boses ng kapatid mula sa likod niya.

Advertisement

“Kuya, bakit ka may picture nila?” maang na tanong niya.

“Susunod na dyan ang picture ni Marco, sayang. Bestfriend ko pa naman siya.” kaswal na sagot nito.

“Ano ang ibig mong sabihin-” hindi na naituloy ni Aileen ang tanong dahil sinibasib na siya ng halik ni James.

Kasunod noon ay padabog siyang inihagis nito sa kama. Kumuha ito ng lubid mula sa drawer nito at itinali ang dalawang kamay at paa niya. Nilagyan rin ng duct tape ang bibig niya.

“Gustong-gusto ko nang angkinin ka pero hindi ko mamadaliin. Nanamnamin ko ang bawat sandali dahil matagal kong hinintay ito, my dear sister.

Alam mo, hindi ko alam sayo eh. Bakit kung kani-kanino ka pa lumilingon, sino ba ang laging nandyan para sayo? Hindi ba, ako?! Akala ko dati, noong bata ka pa, kapag hinarang ko ang panliligaw ni Marco malilihis na sa akin ang pag ibig mo. Nalihis nga, pero hindi sa akin! Nagka-boyfriend ka! Kaya wala akong choice, kundi patayin sila pareho.

At ngayon na wala na ang mga hadlang, nagkatapatan naman kayo ni Marco! Anak ng teteng, nakalusot kayo sa akin. Wag kang mag-alala, pinukpok ko na siya. Tiyak kong matindi ang tama sa ulo niya baby girl, at walang maghihinala sa akin. Inaasar-asar pa kayo ni daddy na magiging mag-asawa, kawawang matanda. Nadamay tuloy,”

Hayop! Gustong magsisigaw ni Aileen, ito pala ang pumatay sa daddy niya!

Advertisement

Isa-isang tinanggal ni James ang butones ng kanyang blouse. May hawak itong kutsilyo at itinapat sa dibdib niya.

“Pagka-angkin ko sayo, tatapyasin ko ito para remembrance. Sorry ha? Gusto ko sana ng happy ending kaya lang hindi mo naman ako mahal eh. Kung hindi ka mapapasakin, mas mabuting mawala ka na lang,” kasunod noon ay pinaghahalikan nito ang leeg ng dalaga.

Iyak nang iyak si Aileen, hindi niya namalayan na ilang putok na ng baril ang umalingawngaw at lumupaypay ang lalaki sa kanyang ibabaw.

Biglang may humila kay James na wala nang malay, mga pulis pala. Tapos ay humahangos na lumapit sa kanya si Marco, duguan pa ang ulo nito.

“Nasaktan ka ba? Hayop siya!” sabi nito at niyakap siya.

Nanginginig si Aileen hanggang madala siya sa ospital.

“Kinita ako ng mommy mo sa bahay namin, para ipagtapat na iba ang nararamdaman niya kay James. Pero kinutuban ang hayop at sinugod kami roon. Nagpanggap kaming patay para lang umalis na siya,” paliwanag ni Marco habang yakap siya.

“Buti nalang ay nagmamadali siyang umalis sa bahay namin para balikan ka, nagkaroon ako ng pagkakataon na tumawag ng pulis. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sayo,”

Advertisement

“S-Salamat Marco,” tulala habang umiiyak na sabi ni Aileen.

Lingid sa kaalaman ng dalaga, ampon pala si James. Walong taong gulang na ito nang ampunin ng mga magulang niya kaya may isip na. Akala kasi ng parents ni Aileen ay di na sila magkakaanak pa pero ipinagbuntis naman siya ng kanyang mommy.

Noong una ay natutuwa pa ang magulang nila na close silang magkapatid pero nagsimula nang maghinala ang mommy niya matapos mamatay ang dalawa niyang boyfriend at iba ang turing ni James sa kanya.

Biglang bigla ang dalaga sa pangyayari at masyadong masakit ang lahat, mabuti at hindi siya sinukuan ni Marco.

Matapos ang isang taon ay inamin niya na rin ditong mahal niya ito, ilang buwan ang nakalipas ay nagpakasal ang dalawa. Panatag na ang mommy ni Aileen dahil alam niya na sigurado na ang kaligtasan ng anak sa piling ng mister na mag-aalaga at po-protekta rito.