Inday TrendingInday Trending
Dahil Sikat sa Lugar Nila ang Lalaki ay Ubod Siya ng Yabang, Tanggal ang Angas Niya Matapos Mabagok ang Kanyang Ulo

Dahil Sikat sa Lugar Nila ang Lalaki ay Ubod Siya ng Yabang, Tanggal ang Angas Niya Matapos Mabagok ang Kanyang Ulo

Nagsimula noon sa paglalaro sa mga paliga ng barangay si Antonio at parati siyang nanalo bilang MVP. Ang paglalaro na rin ang nakapagpa-tapos sa kanya ng pag-aaral simula noong high school hanggang sa tumuntong siya ng kolehiyo.

“Antonio,nga pala, kinukuha kang tagapagsalita ni Kapitana sa darating na paliga dito sa atin. Magbigay ka raw ng kaunting mensahe para sa mga bata at mga manlalaro,” saad ng isang kagawad sa binata.

“Okay yan, no problem. Wala naman rin talagang may kakayahan dito sa barangay natin kaya inasahan ko na yan. Marami silang makukuhang tips sa akin.” saad ng binate, na akala mo naman ay rurok na ng tagumpay ang naabot sa buhay.

Bukod kasi sa pagiging manlalaro ay sikat rin si Antonio sa kanilang barangay bilang dating Mr. Gwapings. Dahil doon ay lumaki ang ulo niya, ubod siya ng yabang at mapagmataas sa kapwa.

Dumating na ang araw ng paliga at si Antonio ang nagbigay ng pangbungad na pagbati.

“Hindi biro ang pinagdaanan ko. Kita nyo naman, dahil sa pagva-varsity ko nakakuha ako ng scholarship. Kailangan kasing galing ko kayo, alam kong mahirap pero kinaya ko. Di naman sa pagyayabang pero ang pamilya ko ngayon maginhawa na, malayong malayo na sa kinalalagyan nyo ngayon e nagkakapantay lang naman tayo dati diba,” sabi niya, imbes na magbigay inspirasyon ay nagmalaki pa.

Napapailing na lamang ang mga nakikinig, maging ang Kapitana ay di inasahan ang iaasal niya. Marami pa kasi siyang idinugtong na kayabangan.

Matapos ang ilang buwan ay nakilala niya rin ang dalagang si Aileen. At ilang taon lamang ay naging mag-asawa na rin ang dalawa.

Bilang isang manlalaro ay marami nang naranasang aksidente si Antonio. Natapilok, nabalian ng buto, nasiko, nasapak at nadulas lahat ng iyon ay gumaling naman ang lalaki.

Ngunit isang araw, naglalaro sila ng kanyang asawa na si Aileen sa court ng kanilang barangay ng biglang madulas si Antonio. Dahan-dahan na bumagsak ang katawan ng lalaki sa sahig at nauna ang kanyang likod tsaka tumama ang kanyang ulo.

“Honey!”huling sigaw na narinig ni Antonio.

Isinugod si Antonio sa hospital at agad na ginamot. Walang malay ang lalaki sa loob ng anim na oras. At nang magising ito ay naging ayos naman ang lagay niya.

“Okay ka lang ba daddy? Ano nararamdaman mo?” tanong sa kaniya ni Aileen, mugto ang mata ng babae na halatang galing sa pag iyak.

“Ayos lang ako mommy, uwi na tayo at nakakalaki lang ng gastos itong pagdala mo sa akin rito,” nakangiting sagot ni Antonio sa kanyang asawa.

Agad naman silang umuwi. Hindi pa man lumilipas ang isang araw ay panay na ang daing ni Antonio na masakit ang kanyang ulo na parang may sumusuntok ng paulit-ulit dito. Kaya napagdesisyunan nilang bumalik sa hospital at pinatingnan ang ulo ng mister.

Doon nalaman nila na nakakaranas ang lalaki ng isang concussion o isang trauma sa utak na nakakaapekto sa normal na pag-iisip. Nagkakaroon nito ang isang tao matapos ang matinding pagkauntog o pagbagsak.

Noong nasa hospital sila ay sumisigaw si Antonio at agad na pinuntahan ni Aileen ang asawa.

“Doc. Hindi niya raw po kayang isulat ang pangalan niya at hindi niya rin kilala ang mga magulang niya,” saad ng nurse na nasa kwarto ni Antonio.

“Misis normal lang na bigla siyang makakalimot, isa yan sa mga mararanasan niya ng dahil sa trauma na naka apekto sa kanyang utak. Isa sa mga dahilan ay ang pagkabagsak ng kanyang ulo nitong nakaraan,” paliwanag ng dokto kay Aileen.

Simula noon ay nagbago ng lahat. Halos gumuho ang mundo ni Aileen na may mga araw na hindi siya kilala ng kanyang asawa o kahit sagutin ang simpleng 5×5 ay hindi rin nito alam.

Ngayon ay kasalukuyung nagpapagaling si Antonio at unti-unti naman niyang nalalagpasan ang mga pagkalimot sa tulong ng kanyang pamilya at mahal na asawa na hindi siya sinusukuan.

Dumaan ang halos tatlong taon bago siya gumaling ng tuluyan.

Sa kanyang paggaling ay isang bagong Antonio na ang nakagisnan ng lahat. Mapagkumbaba, mabait at isang tunay nang inspirasyon. Hindi man siya makapaglaro nang muli sa takot na maulit ang pagkabagok ng ulo, nanatili naman siyang masaya dahil mas marami na ang nagmamahal sa kanya ngayon.

Advertisement