Inday TrendingInday Trending
Sa Kabila ng Problema sa Negosyo Ay Palagi Lang Nakangiti ang Mayamang Babae, Pero Hindi Pala Pera ang Dahilan ng Kasiyahan Niya

Sa Kabila ng Problema sa Negosyo Ay Palagi Lang Nakangiti ang Mayamang Babae, Pero Hindi Pala Pera ang Dahilan ng Kasiyahan Niya

Sekretarya ng isang mayamang negosyante si Carlotta. Ang amo niya, si Mrs. Castro ay may ari ng isa sa mga kilalang brand ng pabango sa Pilipinas. Napakaganda ng ginang, lalong nagpaningning sa itsura nito ang matatamis nitong ngiti na kahit kalian ay hindi tinipid. Napakayaman nito pero lahat ay nginingitian pa rin, mapa-manager man yan o janitor. “Good morning!” masayang bati nito sa kanilang lahat isang umaga. “Good morning Ma’am, I sent the files po sa email ninyo, you have a meeting by 9am.” organisadong sabi ni Carlotta. “Okay, nag almusal ka na ba Carlie?” masayang tanong nito sa kanya. “Hindi pa Ma’am pero we have a problem po kasi, nagback out yung isa sa mga supplier natin, kailangan na nating tapusin yung kontrata sa project within June pero hindi po tayo makakahanap ng kapalit na supplier sa ganoon kabilis na panahon,” problemadong sabi ni Carlotta sa amo. “Believe me Carlie, makakahanap tayo. Kumain ka muna,” nakangiti pa rin ang ginang. Minsan ay bilib talaga si Carlotta sa attitude nito, kahit kailan ay hindi niya ito nakitang namroblema. Maraming pinagdaanan ang kumpanya nitong nakaraang buwan pero nareresolbahan iyon nang nakangiti ang amo niya. Ganito siguro ang nagagawa kapag maraming pera, wala ka nang poproblemahin. “Hey? Come on. Eto ang coffee, tig isa tayo.” pinukaw ng amo si Carlotta sa kanyang pag iisip. Tahimik naman na sumunod ang dalaga, bagamat nagkakape na ay okupado pa rin ang isip niya ng mga dapat gawin. “Alam mo, hinahangaan kita sa pagiging dedicated mo sa trabahong ito pero wag ka naman sanang workaholic, minsan, magchill ka rin hija.” sabi ng amo sa kanya. “Paano nyo po ba ginagawa yun?” di na siya nakatiis na itanong dito. “Ang alin?” tanong nito habang umiinom ng kape. “Yung masaya lang po kayo. Syempre nakakastress magpatakbo ng negosyo pero ang galing nyo po.” sabi niya. “Ah. Siguro kasi noong kabataan ko ay binugbog ko sa trabaho ang aking katawan, at nagbunga naman iyon ng maganda. Marami nga akong pera, pero hindi pala mahalaga iyon. Kung alam ko lang ay sana nag enjoy na ako, nagspend ng time kasama ang mga anak ko.. huli na nang malaman kong may taning na ang buhay ko at sinusulit kona…. May cancer ako.” sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement