Inday TrendingInday Trending
Atat na Atat nang Makita ng Maganda at Seksing Babae ang Nobya ng kanyang Crush, Nagulat Siya nang Makilala kung Sino Ito

Atat na Atat nang Makita ng Maganda at Seksing Babae ang Nobya ng kanyang Crush, Nagulat Siya nang Makilala kung Sino Ito

Matagal nang crush ni Mayen ang ka-opisina niyang si Jeric. Bukod sa guwapo ito at malakas ang dating ay napakabait din ng lalaki, kaya hindi niya napigilan ang sariling mahulog rito.

“Hoy, ano ‘yan, Mayen? Baka mabali na ang leeg mo kasusulyap kay Jeric,” pang-aasar ng kaibigang si Sammy.

“Huwag kang istorbo at tinatanaw ko pa ang aking prince charming!” aniya sa kinikilig na boses.

“For your information, day! May nobya na si Jeric at magli-limang taon na sila nung babae!”

Napasimangot si Mayen sa sinabi ng kaibigan.

“Nobya pa lang naman di ba? Hindi pa sila kasal kaya may pag-asa pa ako ‘no! Teka, nakita mo na ba kung ano ang hitsura nung nobya niya?”

“Hindi pa, e,” sagot ng babae.

“Ah, okay. Ayokong magkomento. Hehehe.”

Naging palaisipan tuloy kay Mayen kung ano ang hitsura ng nobya ng kanyang crush.

Siguro ay maganda rin at seksi ang babaeng iyon. Sino kaya sa aming dalawa ang pinakamaganda at pinakaseksi?” bulong niya sa sarili.

Di rin kasi maipagkakaila na maganda si Mayen at nagtataglay rin ng seksing katawan kaya hindi malayong matipuhan siya ni Jeric kung ang mga panlabas lang na katangiang nabanggit ang gusto nito.

Nang minsan magkita sila ni Jeric sa isang convenience store ay agad niya itong binati.

“Hi, Jeric! Balita ko naghalf day ka raw?” tanong niya rito.

“Ikaw pala, Mayen. Oo, naghalf day lang ako ngayon kasi magkikita kami ng nobya ko. Nagpapasama kasi siya sa mall at may importante siyang biblhin,” sagot ng lalaki

Lihim siyang nainggit sa babae ngunit pagkakataon na iyon para makita niya ang nobya nito.

“A, e… Saan naman kayo magkikita?”

“Dito rin sa convenience store, alas tres ng hapon. Dito ko siya hihintayin,” anito.

Tinignan niya ang suot na relos at nakitang alas dos na ng hapon. Nagpaalam siya sa lalaki na babalik na sa opisina dahil ang totoo’y nagpaalam lang siya sa kanilang supervisor na may mahalaga siyang bibilhin at babalik rin agad.

“Babalik ako mamayang alas tres!” sabi niya habang paakyat sa elevator.

Pagbalik niya sa opisina ay agad siyang sinalubong ng kaibigang si Sammy.

“Mars, magkikita raw si Jeric at ang nobya niya ngayon!” malakas na sabi nito.

“Hay naku, huli ka na! Alam kong magkikita sila ngayon!”

“Alam mo na? Paano mo nalaman?”

“Nakita ko si Jeric sa convenience store at sa kanya ko nalaman na kaya siya naghalf day ay nagpapasama sa kanya ang babaeng iyon sa mall.”

“E, anong balak mo, mars?” tanong ng kaibigan.

“Siyempre pagkakataon ko nang makita ang hitsura ng babaeng kinahuhumalingan ng prince charming ko. Titignan ko kung mas maganda ba at mas seksi kaysa sa akin ang nobya niya.”

Napangisi na lamang ang kaniyang kumare.

Sumapit ang alas tres ng hapon at break time na. Nagmamadali si Mayen na sumakay ng elevator pababa ng gusaling pinagtatrabahuhan. Nang makalabas ay mabilis na tinungo ang convenience store kung saan nakatakdang magkita ang kanyang crush at ang nobya nito.

Pagpasok niya sa convenience store ay napakunot ang kanyang noo. Wala roon ang hinahanap niya. Hindi niya nakita ang presensiya ni Jeric at ang nobya nito.

Inantay niyang matapos ang oras ng break ngunit walang sumipot.

“Kainis naman! Sabi niya dito sila magkikita, e!”

Lulugo-lugong bumalik sa opisina si Mayen. Agad na naman siyang nilapitan ni Sammy.

“Anong nangyari mars, nakita mo ba ang hitsura ng nobya ni Jeric?” atat na tanong nito.

Napakamot na lamang siya sa ulo at napainom ng tubig sa kaniyang inuminan.

“Wala akong nakita! Hindi sila dun nagkita!” inis niyang sabi.

“Imposible! Di ba sabi mo alas tres daw sila makikita?”

“Oo nga, pero pagdating ko dun ay wala sila!”

“Baka naman naiba ang plano at sa iba sila nagkita?”

“Ewan ko! Kaasar talaga!”

Hanggang sa sumapit ang oras ng uwian. Dahil nabitin si Mayen sa hangarin nitong makita ang nobya ni Jeric ay masama ang kanyang loob na umalis sa opisina.

Maging sa pagpila niya sa sakayan ng jeep ay nakasimangot siya ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na eksena.

“M-Mayen?” sabi ng tumawag sa kanya sa likuran.

Napalingon siya at nagulat sa kanyang nakita.

“Jeric?”

Nakita niya si Jeric na nakapila rin sa sakayan ng jeep pero may kasama ito. Isang di kagandahang babae na halos pumutok na ang suot na damit sa sobrang katabaan.

Gustong matawa ni Mayen sa hitsura ng kasama ng lalaki. Napakalaki kasi nito at nag-aalala siya na baka kapag sumakay ito sa jeep ay hindi magkasya ang mga pasahero at magreklamo ang mga iyon dahil sa katabaan ng babae.

“Pauwi ka na pala? Nga pala, si Gladys, NOBYA ko!” bunyag ng lalaki.

“Hindi kami natuloy na magtagpo sa convenience store dahil mapapalayo siya, kaya sa mismong mall na lang kami nagkita.”

Napanganga si Mayen at hindi nakapagsalita sa sinabi ni Jeric. Hindi siya makapaniwala na ang kasama nitong di naman kagandahan at matabang babae ay ang nobya nito na gustong-gusto niyang makita.

“Hi, Mayen! Nice meeting you,” bati ng matabang babae.

Ngumiti lamang siya ng matipid rito.

Habang nakasakay sila sa jeep ay wala pa ring imik si Mayen. Tahimik na pinagmamasdan ang dalawang magkasintahan, masayang nag-uusap.

“Kumusta ang trabaho mo, beh? Baka sobra kang napapagod, ha?” pag-aalalang wika ng babae sabay punas ng panyo sa pawisang pisngi ng lalaki.

“Ayus naman ako, beh. Ikaw ang inaalala ko, wala ka pang tulog galing sa call center na pinapasukan mo, tapos nagyaya ka pa na mag-mall tayo para bilhan mo lang pala ako ng bagong sapatos?”

“Luma at sira na kasi iyang sapatos mo, e, ayaw mo pang palitan. Huwag mo namang tipirin ang sarili mo.”

“Alam mo namang nagtitipid ako para sa kasal natin ‘di ba? At saka di mo pa ipinagpabukas ang pagbili, napagod ka tuloy. Alam mo namang ayokong nakikita kang napapagod beh,” sagot ni Jeric sabay akbay nang mahipit sa nobya.

“Okay lang na mapagod ako basta kasama kita,” wika pa ng babae.

Sa simpleng pag-uusap na iyon ng magkasintahan ay naramdaman ni Mayen na mahal na mahal ng dalawa ang isat’isa. Lubos niyang naunawaan na hindi lang sa panlabas na anyo nasusukat ang totoong pagmamahal.

Maya-maya ay nagsabi na siya ng ‘PARA’ sa drayber at masayang nagpaalam kina Jeric at Gladys bago bumaba ng sasakyan.

Tanggap na niya sa sarili na kahit kailan ay hindi mapapaksanya ang puso ng kanyang prince charming dahil pag-aari na ito ng babaeng tunay na karapat-dapat na magmay-ari nito.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement