Inday TrendingInday Trending
Bigla na Lamang Iniwan ng Kasintahan ang Babaeng Ito, Isang Masakit na Rebelasyon ang Nalaman Niya Makalipas ang Ilang Taon

Bigla na Lamang Iniwan ng Kasintahan ang Babaeng Ito, Isang Masakit na Rebelasyon ang Nalaman Niya Makalipas ang Ilang Taon

Naiisip na naman si Eurika ang nalalapit na reunion nila ng mga high school classmates. Naroon kasi panigurado ang ex-boyfriend niyang si Harvey na nang-iwan sa kanya pitong taon nang nakakalipas. Base sa kanyang alaala ay pinagpalit siya nito sa ibang babae. Apat na taon ang tinagal ng relasyon nila. Magkakilala na sila noong sila’y nasa elementarya pa lamang ngunit nagkagustuhan at naging sila noong first year high school. Agad na sinagot ni Eurika ang binata dahil bukod sa taglay na gandang lalaki nito ay mabait at masunuring binata. Doon niya hinangaan nang lubos ang lalaki. Running for honors kasi ito simula first year high school hanggang fourth year high school. Ngunit sa araw ng graduation ball nila ay kataka-takang hiniwalayan siya ng lalaki, “Hindi na kita mahal. Nawala na ‘yung spark, Rika,” tanging sinabi nito bago siya iwan sa kawalan. Matapos noon ay nakita niya itong may kayakapang ibang babae sa araw ng kanilang graduation. Masakit para kay Eurika ang ginawa ni Harvey lalo na’t unang nobyo niya ito. Ito rin ang unang lalaking pinakilala niya sa mga magulang. Ilang buwan ang lumipas matapos ng kanilang graduation ay pinilit ni Eurika makalimutan ang mga alaala ni Harvey. Alam niyang niloko siya ng binata ngunit hindi siya talaga makalimutan ang dating nobyo. Hanggang isang araw ay lumapit sa kanya ang dati nilang matalik na kaibigan ni Harvey–si Rusty. “Pwede ka bang ligawan, Eurika?” nagulat siya sa tinanong nito sa kanya, “Pangako, aalagaan kita at hindi iiwan kailanman.” Ilang buwang panunuyo ang ginawa ni Rusty sa dalaga nang sa wakas ay sagutin siya nito. Tumagal sila nang ilang taon at kalauna’y nagpakasal na rin. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Ilang taon ang lumipas at nabalitaan niyang may reunion daw ang high school batch nila. Niyaya niya si Rusty at pumayag naman ang kabiyak. Sa araw ng reunion at kinakabahan si Eurika. Ang nasa isip niya kasi ay baka makita niya ang dating nobyo na si Harvey. Pasimple niyang hinanap ito sa paligid. Wala na naman siyang gusto dito ngunit gusto niya lang talagang malaman ang totoong dahilan nito sa pakikipaghiwalay sa kanya. Ilang oras ang lumipas at bigo pa rin siyang mahanap ito hanggang sa makita siya ng dati niyang matalik na kaibigan na si Mishka, kinamusta siya nito, “Ano nang balita sayo? Condolence, bhe ah?” Nagulat siya sa sinabi nito at nagtaka, “Anong condolence?” Nagtaka ito sa sinabi niya, “Hindi ba patay na ‘yung jowa mo?” “Ha? Buhay na buhay pa si Rusty?” “Anong Rusty? Si Harvey ‘yung sinasabi ko. Hindi ba namatay siya sa sakit na Lupus? Sorry girl ah, lately ko lang din nalaman.” Gulantang siya sa narinig. Hindi niya akalaing ang hinahanap niyang dating minamahal ay ito ang sisiwalat na balita sa kanya. Nalaman niya rin kay Rusty na pinlano talaga ni Harvey na makipaghiwalay sa kanya noon upang hindi siya masyadong masaktan kapag nalamang wala na ito. Kay Rusty, na asawa niya ngayon, din daw siya binilin ng dating nobyo. Iyak siya nang iyak. Hindi malaman kung anong dapat maramdaman. Pero sa isip niya’y nagpapasalamat siya kay Harvey dahil hanggang sa huli ay siya pa rin ang inisip nito. At dahil din dito kung bakit nahanap niya ang lalaking tunay na mamahalin. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming update, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement