Inday TrendingInday Trending
Isang Binatang Basag-ulo ang Nakahanap ng Katapat Niya, Hindi Niya Inaasahang Ito Pala ang Taong Magiging Kasangga Niya sa Buhay

Isang Binatang Basag-ulo ang Nakahanap ng Katapat Niya, Hindi Niya Inaasahang Ito Pala ang Taong Magiging Kasangga Niya sa Buhay

Isa si Ian sa mga pasaway na estudyante ng isang public high school sa Caloocan. Ngunit sa tinagal-tagal niya nang nag-aaral doon ay wala pa siyang nakikilalang kapareho niya ng ugali. Dahil nga sa pagiging pasaway ay kinaiinisan siya ng mga guro at kapwa-estudyante sa paaralan na siya rin namang dahilan ng pagkainis sa kanya ng mga ate niya na palaging taga-sundo niya sa away. “Ano ba naman ‘yan Ian! Kailan ka ba magtitinong bata ka? Hirap na hirap si Mama sa pagtatrabaho tapos ikaw puro kabulastugan ang alam.” Pasok sa isang tenga at labas sa isa ang palagi niyang ginagawa sa tuwing sinesermunan siya ng kanyang ate. Lumaking walang ama ang bata samantalang ang ina naman nito’y bata palang siya’y nagtrabaho na sa abroad kung kaya mga kapatid niya nalang ang nag-aasikaso sa kanya. Isang araw ay isa na na namang kalokohan ang naisip ni Ian. Nilagyan niya ng bubble gum ang upuan ng katabing si Giovani. Galit na galit ang kaklase samantalang siya ay tawa nang tawa. Halatang siya ang may kagagawan ng kalokohan. Walang patumangging sinumbong siya ng kaklase sa guro. Ipinalabas siya ng guro at sa kanyang paglabas ay nabunggo niya ang payat at maliit na estudyante. Natapon ang juice na iniinom nito sa uniporme. “Sorry,” simpleng hinging paumanhin niya. Ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito. “Aray! Bakit mo ginawa ‘yun?” inis na tanong niya dahil sinuntok siya nito sa mukha. Hindi pamilyar ang mukha nito kaya sigurado siyang transferee lang ito. Isang mapang-asar ang ginawa ng lalaki sabay sabing, “Sorry.” Inis na inis si Ian, hindi siya makapaniwalang may gumawa sa kanya ng ganoon. First time niyang mapahiya, sa harap pa ng mga kaklase niya! Hindi niya nagawang gumanti kanina dahil nandoon ang guro niya, “May araw ka rin sa akin, payat.” Nang sumapit ang lunch break ay tumambay si Ian sa gym ng school, doon siya madalas matulog. Ngunit pipikit palang siya nang may marinig siyang ingay. Nakita niyang may isang lalaking pinagtutulungan. “May nag-aaway na naman pala,” bulong niya sabay tayo sa pwesto. “Hahanap nalang ako ng ibang pwesto.” Papaalis nalang siya nang gym nang matamaan siya ng isang maliit na bato sa ulo. Agad na nag-init ang ulo niya at nakisali na rin sa away. Wala na siyang pakialam kung sino ang masuntok niya, ang mahalaga ay magantihan kung sinuman ang bumato sa kanya. Natapos lang ang away nang hilahin sila ng guard papuntang guidance office. Doon niya lang namukhaan ang lalaking pinagtutulungan kanina, yung lalaking natapunan niya ng juice at sumuntok sa kanya. Artlong pala ang pangalan nito. Nakaramdam siya ng inis. Ang nangyari parang pinagtanggol niya pa ang lalaki kanina. Nang makalabas sa guidance office ay nagkanya-kanya na sila. Naramdaman niyang may humawak sa likuran niya, yung matabang lalaki. “Ano, gusto mo pa?” agad niyang tanong dito. Ngunit nginitian lang siya nito, “Okay ka ah.” Nagsabay silang maglakad ngunit nagtaka sila dahil pareho sila ng daang tinatahak. “Saan ka ba pupunta?” inis ng tanong ni Ian. “Sa room ko, ikaw?” sagot ni Artlong. “Sa room ko din.” Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa pumasok sila sa iisang room, “Dito ka din?” Sabay nilang tanong sa isa’t-isa at saka nagtawanan. Simula noon ay naging matalik silang magkaibigan. Naging inspirasyon ang isa’t isa upang magpatuloy sa pag-aaral at iniwasan na ang ilang kalokohan. Maloko pa rin, ngunit sa mabuting paraan na. Hanggang ngayon na may kanya-kanya na silang pamilya ay parang magkapatid pa rin ang turing nila sa isa’t isa. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement