Nadurog ang Puso ng Dalaga nang Makita ang Lalaking Iniibig na Kahalikan ng Kuya Niya; Isa Pala Itong Beki?!
Simula bata si Tiara ay may gusto na siya kay Bryan, barkada ito at ka-edad ng kuya Tyrone niya. Apat na taon ang agwat ng dalawa sa kanya, ang tingin tuloy sa kanya ni Bryan ay habangbuhay na lang na nakababatang kapatid.
Kaya inis na inis si Tiara, hindi man lang kasi siya napapansin nito bilang dalaga. 22 years old na siya ngayon, katunayan ay bukas nga ang unang araw niya sa trabaho- hindi na siya bata!
Ang ipinagpapasalamat niya na lamang at tanging pag-asa niya ay wala pa siyang nakikitang girlfriend ng lalaki ni minsan, sigurado siya dahil halos araw-araw ay nasa kanila ito.
“Aling Tiara, kuya mo?” sabi ni Bryan isang beses na bumisita ito sa kanila. Nakasanayan na nitong itawag iyon sa kanya bilang pang-aasar, noong bata kasi sila ay pikon-talo siya.
“Nasa kwarto,” sabi niya na hindi ito tinitignan sa mata. Baka kasi mabasa nito ang damdamin niya.
“Saan ka pupunta?” tanong nito at minasdan siya, nakasando lamang kasi siya at maikling shorts.
“Bibili ako ng..ng shampoo,” pagdadahilan niya dahil ang totoo ay napkin ang bibilhin niya. Malakas ang regla niya ngayon.
“Diba may stocks naman kayo? Bakit lalabas ka pa? Akin na,” sabi nito at pilit na kinukuha ang pera, inilayo naman ni Tiara ang braso niya pero dahil mahaba ang kamay ng lalaki ay madali pa rin nitong naabot iyon.
“Ano ba! Pampam ka no? Papansin.” sabi niya pero pinipigil rin naman ang ngiti.
“Ibibili ka na nga ayaw mo pa? Aba, hoy miss hindi lahat ng babae sinuswerte na isang gwapo at matalinong Engineer ang tagabili nila sa tindahan.” pagyayabang nito. Well, totoo naman iyon.
“Ako na sabi! Dun kana kay Kuya,” sabi niya.
“Ako na,”
“Ano ba! Bibili kasi ako ng napkin!” di niya na napigilang pag-amin.
Natigilan naman ito at natawa, “Okay lang din naman kung ako na. Pero kung nahihiya ka, sige ikaw na. Sa isang kondisyon,” sabi nito.
Ayos ah, bahay nila itong tinutungtungan nito, nananahimik siyang bibili ng napkin tapos haharangin siya nito at para makalagpas siya ay may kondisyon pa?
“Ano?! Dalian mo, matatagusan ako!” sabi niya.
“Magpalit ka ng shorts. Ayoko ng ganyang kaiksi ang suot mo. MagT-shirt ka rin, ayokong may ibang makakakita sayo na ganyan.” seryosong sabi nito.
Natulala si Tiara, binalot ng kilig ang puso niya. “Bakit?”
“Basta, kumilos ka na.” sabi nito at tumalikod na, pumasok na sa kwarto ng kuya niya.
Pagpasok ni Bryan sa kwarto ni Tyrone ay inabutan niya ang lalaking naggigitara.
“Magtapat ka na kasi,” bungad ni Tyrone sa kanya.
“Nakakatakot ang kapatid mo bro, parang tigre,” natatawang sabi niya sa lalaki.
“Pero mahal mo.” sagot nito sa kanya, hindi naman makatanggi si Bryan. Totoo naman kasi iyon, mahal niya si Tiara noon pa man. Kaya nga wala siyang girlfriend ay ito ang hinihintay niya. Nangako lang siya sa kaibigan na hihintayin muna itong makatapos ng pag-aaral bago niya liligawan.
Pero ngayon namang ayos na ang lahat, saka naman siya dinadaga nang ganito.
“Aray ko! P*ta!” sigaw ni Tyrone kaya nagising sa pagkakatulala si Bryan.
“Napano ka?”
“Napuhing ako t*nginang yan. Aray!” sabi nito at kusot nang kusot sa mata.
“G*go ka kasi, sabi sayo mag aircon ka na lang at isara mo na ang bintana dito sa kwarto mo dahil maraming insekto. Ayan,” tatawa tawa niyang sabi.
“G*go tanggalin mo,” sabi ni Tyrone. Natatawa pa rin siya pero nilapitan niya na ang kaibigan at pilit na hinipan ang mata nito. Hindi pa rin iyon matanggal kaya inilapit niya pa bibig sa mukha nito.
Samantalang ang laki naman ng ngiti ni Tiara hanggang makarating siya mula sa tindahan. Concerned kasi sa kanya si Bryan, at ang nakita niya sa mata nito kanina..hindi iyon pang’kuya’ lang. Tiyak niyang kahit paano ay may pwesto na rin siya sa puso nito.
“Ano na kayang ginagawa nila?” nakangiting sabi niya. Sisilipin niya muna ang mga ito bago siya magpalit ng napkin, tapos babalik nalang siya ulit para makijamming sa gitara.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, pero napanganga siya sa nakita at agad isinara iyon. Naghahalikan ang kuya niya at si Bryan!
Diyos ko po!
Kaya pala walang girlfriend si Bryan, kaya walang nagtatagal na relasyon ang kuya niya, kaya kapatid na rin ang tingin nito sa kanya. Kaya lagi ito sa kwarto ng kuya niya, kaya pala!
Natatandaan niya pa noon, naulinigan niya ang kuya niya na pinipigilan itong ligawan ang kung sinong babae, iyon pala ay dahil may relasyon ang dalawa!
Ang sakit sakit ng puso ni Tiara, pakiramdam niya ay niloko siya ng dalawa. Ilang araw siyang nagkukulong lang sa kwarto. Di niya masyadong pinagkikibo ang kuya niya at hindi siya nagpapakita kay Bryan.
Isang gabi ay kakauwi niya lamang galing trabaho nang harangin siya ng kanyang kuya, “May pinagdaraanan ka ba? Kuya mo ako, palagi akong nandito para ipagtanggol ka. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang bumabagabag sayo. Iba ka these days..” sabi ng lalaki.
“May boyfriend na ako.” simpleng sabi niya, gawa-gawa niya lang iyon. Galit pa rin kasi siya hanggang ngayon kahit di naman kasalanan ang pagiging bakla.
“Ano? Bakit di ko alam?” sabi nito.
“Bakit kailangan mong malaman? Ikaw nga may mga LIHIM ka rin sakin diba?” idiniin niya talaga ang salitang lihim. At ano ang akala nito, ito lang ang may karapatang mag-boyfriend?
Naguguluhan ang kanyang kuya, pero umalis na ang dalaga at dumiretso na sa kanyang kwarto.
Kinabukasan ay nagulat pa siya nang pagkalabas niya pa lamang ng pinto ay nasa harap niya na ang kanyang kuya, pero di ito nag iisa. Kasama nito si Bryan, malungkot ang ekspresyon ng lalaki.
“Pabayaan mo munang magsalita si Bryan.” utos ng kanyang kapatid. Tututol pa sana siya pero muli itong nagsalita, at mas matigas na ang boses nito. “Kuya mo ako, sumusunod ka pa rin dapat sa akin dahil mas matanda ako.”
Bumuntong hininga siya at tinignan si Bryan, “Ano?”
“M-may boyfriend kana ba talaga?” halos bumulong na lamang ang lalaki.
“Ano? At kailan mo pa naging business yan? Alam mo kayong dalawa, ang hilig nyong manghimasok sa buhay ko. Kayo ba kinalkal ko yang mga lihim nyo? Lagi tayong magkakasamang tatlo pero nagtago kayo sa akin. Pareho nyo akong sinaktan, ikaw kuya, mahal kita dahil kapatid kita. At ikaw Bryan, higit pa sa kaibigan at kapatid ang turing ko sayo. O ayan, alam mo na, happy? Mahal na mahal kita.
At ngayon miserable ako dahil kayo pala ang may relasyon. Pero you know what? Kaya ko ito, dahil mahal ko kayo pareho kung dyan kayo masaya sa pagiging bakla ay tatanggapin ko-“
“HA?!” halos sabay na sabi ng dalawa pagkarinig sa salitang ‘bakla’.
“Come on boys, wag na kayong maglihim. Nahuli ko kayong naghahalikan.”
“Naghahalikan?! Kami?!” sabi ni Bryan.
“Diyos ko po Maria Magdalena!” sigaw naman ng kuya nya.
Bakit ba kailangan pang umarte ng mga ito? Buking niya na nga. “Nung Thursday, nung naggigitara ka kuya tapos nasalubong kita Bryan at pinagpalit mo pa ako ng shorts. Pagkabili ko noon ng napkin sinilip ko kayo at magkalapit ang mukha ninyo, naghahalikan kayo.”
Saglit na pilit na inalala ng dalawa ang tinutukoy niya, nagkatinginan ang mga ito at parehong nanlaki ang mata, sinundan iyon ng malakas na pagtawa.
“Bryan, bahala ka na dyan. Baliw talaga ang kapatid kong yan,” iiling-iling na sabi ng kuya niya, pumasok na ito sa kwarto nito.
Naguguluhan naman si Tiara sa mga nangyayari, medyo naiilang rin siya kasi kanina pa nakangiti at nakatitig sa kanya si Bryan.
“Napuhing ang kuya mo noon, kung hindi ka naniniwala, tignan mo ang mata niya mamaya. May bakas pa ng pamumula,” simpleng sabi nito.
Di makapaniwala ang babae.
“So..tama ba yung narinig ko kanina? May nagtapat ng pag ibig dito eh,” sabi ni Bryan at nagkunwari pang lumilingon-lingon. Pulang-pula naman ang mukha ni Tiara.
Dahil di siya makapagsalita sa sobrang hiya ay nagpatuloy sa pagsasalita si Bryan, “Noon pa kita gustong ligawan. Pero nirerespeto kita, at syempre ang kuya mo na barkada ko. Nagkaroon kami ng deal na pagkatapos mong mag aral, pwede na kitang ligawan. Syempre nasayo pa rin ang desisyon pero pinauubaya ka na niya sa akin.” nakangiting sabi nito.
“M-manliligaw ka?” kinikilig na sabi niya.
“Mahal kita eh..” malambing na sagot ni Bryan, sa sobrang tuwa ni Tiara ay nahalikan niya ito.
Nagulat naman sila pareho sa nangyari at nagkangitian, maya-maya pa ay napapitlag sila nang sumilip ang kuya niya mula sa kwarto nitong katapat lamang ng sa kanya.
“O yun nalang muna, doon nga kayo sa salas. Wag kayo malapit sa kwarto, kinakabahan ako,” sabi nito pero nakangiti.
Nagkatawanan silang tatlo.
Masugid siyang niligawan ni Bryan, ang laki na agad ng pogi point nito dahil madalas ay kakampi nito ang kuya niya na magharana sa kanya o bumili ng kung anu-ano.
Pagkatapos ng dalawang buwan ay sinagot na rin ito ni Tiara. Apat na taon rin silang naging magkasintahan bago nag-propose ng kasal si Bryan sa dalaga.
Ngayon ay nasa byahe silang tatlo papunta sa magtatahi ng kanyang gown sa kasal sa susunod na buwan.
Nagkatotoo na ang ‘bro’ na tawagan ng dalawang mag-barkada dahil ngayon ay magiging ganap na talaga silang magkapatid. Panatag ang loob ni Tyrone dahil alam niya kung gaano kamahal ni Bryan ang kanyang kapatid.