Inday TrendingInday Trending
Naglilihim sa Isa’t Isa ang Magkapatid na Magsasaka Tungkol sa Ani Nila, Nagkagulatan Sila nang Mabuking ang Sikreto Nila

Naglilihim sa Isa’t Isa ang Magkapatid na Magsasaka Tungkol sa Ani Nila, Nagkagulatan Sila nang Mabuking ang Sikreto Nila

Panganay siJun at bunso naman si Lito, dalawa lang silang magkapatid at pareho silangmay sinasakang bukid. Pamana sa kanila ng yumaong mga magulang na tinataniman nila ng palay. Pareho silang maraming inaaning palay. Inimbak nila sa kanilang kamalig ang kanilang mga ani. Habang nakahiga ng gabing iyon si Lito ay naisip niya ang kapatid na si Jun. May asawa ito at tatlong anak. Siya naman ay binata. Naisip niyang mas kailangan niJun ang maraming palay. Kumuha siya ng isang kabang palay sa kanyang kamalig at palihim niyang dinala iyon sa kamalig ni Jun. SiJun naman ay nag-iisip din ng gabing iyon. Naisip niyang kawawa naman ang kanyang kapatid na si Lito dahil walang asawa at mga anak na titingin dito. Naisip niyang bigyan ito ng palay. Kumuha siya ng isang kaban sa kanyang kamalig palihim niyang dinala iyon sa kamalig ni Lito. Nagtaka si Lito ng bilangin niya ang natirang palay sa kanyang kamalig. Parang hindi nabawasan. Ganoon din si Jun. Wala din bawas ang kanyang aning palay sa kanyang kamalig. Kaya ng gabing iyon, muli siyang nagdala ng isang kaban sa kamalig ni Lito. Ganoon din naman ang ginawa ni Lito, nagdala ito ng isang kaban sa kamalig ni Jun. At pareho silang nagtaka nang sumunod na araw na bilangin nila ang kanilang palay sa kamalig. Parehong walang bawas ang mga iyon. Nang sumunod pang gabi ay pareho silang bumuhat ng tig-isang kaban para dalhin sa kamalig ng bawat isa. Hindi sinasadyang magkasalubong sila. Nagkagulatan ang magkapatid. Hindi na sila nagtanong sa isa’t-isa kung saan dadalhin ang pasan nilang palay. “Kuya”, bulalas ni Lito at wala nang nasabi. “Lito, kapatid ko!” sambit naman niJun at wala naring nasabi. Yumakap sila sa isa’t-isa. Nag-uumapaw ang pagmamahal sa kanilang mga puso. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. Ano ang napulot mong aral sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement