Kahit na Anong Pananakit ng mga Kaklase ay Tahimik Lang ang Estudyanteng Ito, Palihim na Palang Nawawasak ang Puso Niya
Pasukan na naman, magkahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ni John Paul. Malungkot dahil kailangan na naman niyang pumasok sa klase kahit wala naman siyang interes mag aral, at masaya dahil mayroon na namang siayng extrang pera mula sa baon niya. Hindi bale na, magka-cutting nalang kami nina Emil, sa isip isip ni John Paul. Pangalawang beses na siyang umuulit sa 3rd year high school dahil bumagsak siya noong una. Ganoon din ang nangyari sa 1st at 2nd year niya, palaging umuulit.Masaya na nga ang magulang niya kung maka 75 siya. Puro kasi kalokohan ang binatilyo, sa murang edad ay natuto na siya manigarilyo at mag inom ng alak, impluwensya na rin ng kanyang barkada. “Anak, ano ba ang problema? Umiiyak ang mama dahil ayaw mong magpakatino.” kalmadong tanong sa kanya ng ama minsang kausapin siya nito ng masinsinan dahil nahuli siyang nasa computer shop habang oras ng klase. Halatang halata na galit na galit ang lalaki pero pinipigil dahil ayaw niyang masaktan ang anak. “Wala, kulang ang baon ko.Tinatamad akong mag aral.” Iyon lang ang sagot niya at pumasok na siya sa kwarto. Alam niya sa sariling hindi totoo ang sinabi niya tungkol sa baon, sa totoo lang ay sobra sobra nga ang pera niya.Talagang tinatamad lang siya. Ngayon ay naglalakad na siya palapit sa classroom nila. “JP! Dito ka pre, tabi tayo.” tawag ng isang kaibigan niya mula sa likuran. Lumapit naman si John Paul at inokupa ang bakanteng upuan sa likod.Maganda ang pwestong iyon,hindi sila masyadong tanaw ng teacher kung may ginagawa man silang kalokohan. “Tignan mo classmate na naman natin si Yulo, hahaha!” sabi ulit ng kaibigan ni John Paul. “Masaya nga yan eh, may paltukin.” nakangisi naman ang binatilyo. Si Yulo ang paborito nilang asarin, kadalasan ay nasasaktan pa nila ito.Hindi naman kasi ito pumapalag at lampa, kaya nakakatuwang ipahiya. Ilang minuto na ang nakakaraan ay wala pa rin ang kanilang teacher, akalain mo nga naman, unang pasukan ay na-late pa ito. Naiinip na ang mga estudyante, lalong lalo na ang buong barkada ni John Paul, kaya naisip nilang pagtrip-an at gawing katatawanan si Yulo. “Hoy, pango! ano?” bungad ni John Paul na hinila ang polo ni Yulo. Nakatungo lang ang binatilyo at hindi kumikibo, nakakagulat dahil noon ay titingin pa ito ng masama at sasagot ng “ano ba!”. “Hoy! sapakin kita gusto mo?” sabi ulit ni John Paul. Nagtawanan ang iba niyang mga kaklase, ang ilan naman ay walang pakialam.Medyo napahiya si John Paul dahil hindi pa rin sumasagot ang binatilyo, nang silipin niya ang mukha nito ay nakita niyang namumugto ang mga mata at paluha na ulit. “Crying baby pala tong gag*ng to eh! Iyak ang p*ta!” sabi niya na pinipigil ang tawa, kasabay niyon ay hinila hila niya pa ang patilya nito at sinampal sampal ito ng marahan, pero sapat na para mapahiya ang kaklase. Saktong may napadaang teacher at nasaksihan ang ginawa niya kaya pareho silang ipinatawag sa opisina nito. “Ano? Kakasimula lang ng class 2018 nagkakaganyan na kayo? Ikaw JP Santos, laman ka na ng guidance? At ikaw Eric Yulo, disappointed ako sa’yo. Akala ko mabait ka.” sermon ng guro sa kanila. “Sorry Ma’am.” si John Paul. Habang ang isa namang binatilyo ay tahimik pa ring nakatungo. “Yulo? Ano?” sabi ng guro na tila naghihintay na humingi ng tawad ang binatilyo pero tahimik pa rin ito.Nang iangat nito ang mukha ay tuloy tuloy ang agos ng luha doon. “Ano’ng nangyayari sayo Yulo?”tanong ulit ng guro. “P-pasensya na ho kayo.Namatay ho kasi ang tatay ko kaninang umaga..” mahinang sabi nito, sa bawat hikbi ay dama ang sakit na dinarama, kitang kita ang hirap na itago ang pagdadalamhati. “Oh my God! Bakit pumasok ka pa? Pwede kang i-excuse hijo!” gulat na gulat naman ang guro. “Dahil nangako ho ako sa tatay na mag aaral akong mabuti. Sorry ho sa gulo ma’am.” naiyak pa rin ang binatilyo. Napatungo lang si John Paul, hiyang hiya siya sa kaklase, at sa sarili niya. Siya ay mahal na mahal ng magulang at ibinibigay lahat pero puro kalokohan ang ginagawa.Heto ang kaklase niyang namatay ang ama, pero nagpupursigi pa rin. Pag uwi sa bahay ay kinausap niya ang ama at humingi ng tawad rito. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.