Naging Sandigan ng Magkaibigan ang Isa’t Isa Noong Sila ay Wala pang Naaabot; Ngunit Tila Magkakasira Sila Ngayong Pareho nang Mataas ang Antas Nila sa Buhay

High school pa lamang ay magkaibigan na sina Armand at Nestor. Noon pa man ay magkasama na silang nangarap. Nagkakilala sila sa unibersidad na kanilang pinapasukan noong sila ay kolehiyo pa lang. Parehas kasi silang mga working students noon at iisa pa ang kanilang pinapasukang part time job.

Mula noon ay naging mabuti na silang magkaibigan. Halos wala na ngang makapagpahiwalay sa dalawa. Palagi silang magkasama sa lahat ng kaganapan sa kanilang mga buhay. Pareho kasi silang nag-iisang anak lang ng kani-kaniya nilang mga magulang kaya halos magkapatid na rin ang turingan nila.

Hanggang sa parehong naka-graduate sa kolehiyo ang dalawa. Halos sabay rin silang nagkatrabaho at nakapag-asawa. Tumagal ng ilang taon ang kanilang magandang samahan, hanggang sa pareho silang makaipon ng pera.

“Alam mo, pare, maganda kung sa negosyo natin ilalaan itong pera natin,” minsan ay ani Armand sa kaibigang si Nestor habang magkaharap silang dalawa sa inuman. Pareho kasi nilang off ngayon sa trabaho kaya naman naisipan nilang magkaroon ng kaunting bonding kasama ang kani-kaniya nilang pamilya.

“Naku, pare, alam mo bang ’yan din ang balak ko?” tila nasasabik namang sagot ni Nestor sa kaibigan. Sandali siyang sumimsim sa kaniyang tagayang baso bago muling ipinagpatuloy ang kaniyang sinasabi. “Balak ko sanang buhayin ang negosyo noon ng tatay. Iyong furniture business namin na nalugi buhat nang magkasakit siya?”

“Aba, ayos ’yan, pare!” Malawak na napangiti si Armand sa sinabi ng kaibigan habang napapaisip. “E, paano kaya kung makisosyo na lang ako sa ’yo? Tutal ay tungkol naman sa marketing ang tinapos ko, maaaring ’yon ang maging papel ko sa itatayo natin kung sakali. Habang ang sa iyo naman ay iyong sa designs at ideas, dahil doon ka magaling.”

“Magandang ideya ’yan! Dahil diyan, mag-celebrate tayo para sa pagsisimula natin, pare!” bulalas naman ni Armand. Itinaas niya ang kaniyang baso upang ayain ang kaibigan sa isang pagtatagayan.

Ganoon na nga ang ginawa ng dalawa. Agad silang nag-umpisa sa pagtatayo ng furniture business na kakatuwang mabilis na umarangkada sa merkado! Dahil na rin sa kakaiba ngunit napakagagandang disenyong inilalabas ni Armand at sa magaling na marketing strategies ni Nestor ay talaga namang mabilis ang naging pag-angat ng kanilang negosyo.

Advertisement

Ngunit kalakip ng mabilis nilang pag-arangkada ay ang pagdating naman ng iba’t ibang mga competitors na gusto silang pabagsakin. Noong una ay hindi naman iniinda ng dalawang magkaibigan ang tungkol doon, hanggang sa isang trahedya ang bigla na lamang dumating sa kanilang negosyo.

Isang sunog ang tumupok sa kanilang pinaghirapang factory na siyang naghatid ng matinding pinsala hindi lang sa kanilang negosyo, kundi pati na rin sa pagkakaibigan ng dalawa. Dahil kasi sa nangyaring trahedya ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil parehas silang nagsisisihan at nagtuturuan kung sino ang mas nagkulang!

“Pare, kasalanan mo ’to, e! Wala ka na ngang ibang gagawin kundi ang mag-isip ng paraan kundi ang i-market ang mga produkto natin. Sana man lang, inisip mo na p’wedeng may mangyaring ganito dahil marami na tayong kakompitensya!” singhal noon ni Armand sa kaibigan habang nag-uusap sila sa opisina.

“Bakit ako ang sinisisi mo?! Sino ba sa atin ang nagsabi na huwag na lang silang pansinin? Hindi ba’t ikaw? Saka, sa tingin mo ba, madali lang ang trabaho ko? Ikaw nga, nag-iisip ka lang ng disenyo!” pabulyaw namang sagot ni Nestor na hindi papatalo at sinalubong din ang init ng ulo ng kaibigan.

Buhat noon ay hindi na naging maganda ang pakikitungo sa isa’t isa hanggang sa tuluyan na silang nagkaniya-kaniya ng landas.

Apektado maging ang mabuting samahan ng kani-kaniyang pamilya nina Armand at Nestor. Matalik din kasing magkaibigan ang kanilang mga asawa na ngayon ay naiipit sa nangyayari sa kanila.

Nang pareho nang mapuno ang dalawang babae sa hindi magandang nangyayari sa kanilang dalawa ay parehong nagplano ang mga ito na umalis sa kani-kaniya nilang mga bahay hangga’t hindi sila nag-uusap na dalawa. Hindi inaasahan ng dalawang lalaki ang gagawing iyon ng kanilang mga asawa kaya naman parehas silang nataranta at wala nang nagawa kundi ang muling mag-usap.

Sa pagkakataong ito ay maayos na at pareho silang kalmado.

Advertisement

Inamin ng magkabilang panig na sila ay kapwa nagkamali. Pareho silang nagpatalo sa kanilang mga emosyon at sa pagsubok na minsan lang dumating upang suriin kung gaano katibay ang kanilang pagkakaibigan. Dahil doon ay muling nanumbalik ang masaya nilang samahan. Muli nilang binuksan ang kanilang negosyo, na sa pagkakataong ito ay mas mabilis pang umangat!