Inday TrendingInday Trending
Isang Madilim na Plano ang Handa nang Isagawa ng Magkalaguyo Para Alisin ang Mister ng Babae sa Eksena, Ngunit Sila Pala ang Magbabayad sa Lahat ng Kasalanang Ginawa Nila

Isang Madilim na Plano ang Handa nang Isagawa ng Magkalaguyo Para Alisin ang Mister ng Babae sa Eksena, Ngunit Sila Pala ang Magbabayad sa Lahat ng Kasalanang Ginawa Nila

Mag iisang taon nang magkalaguyo si Ken at Elaine. Dati silang magnobyo noong high school at naghiwalay lang bago gumraduate ng college dahil nag abroad si Ken. Makalipas ang ilang taon ay umuwi si Ken sa Pilipinas, binata pa rin siya ngunit may asawa na si Elaine. Noong una ay ayaw naman sana nilang lokohin si Josh, pero hindi nila napigilan ang nararamdaman sa isa’t isa. Maganda ang trabaho ni Josh, mabait rin ito, maunawain at mahal na mahal nito ang misis pero ewan ba ni Elaine, siguro ay naghahanap siya ng thrill. Boring ang asawa at habang tumatagal na kasama niya ito ay tinatabangan talaga siya. Gusto na niyang makasama sa iisang bubong si Ken, pero hindi niya naman maisip na mawawala sa kanya lahat ng ginhawang tinatamasa ngayon. Magandang bahay, kotse, at hindi na kailangan pang magtrabaho, lahat iyan dahil kay Josh. Samantalang si Ken ay naubos agad ang inipon mula sa abroad dahil gastador ito, pero di bale na, ito ang lalaking mahal ni Elaine. Kaya naman nakaisip ng plano ang dalawa, palalabasin nilang naholdap ang lalaki at pinatay, para hindi sila magmukhang masama. Ang ending, si Elaine pa ang mukhang kawawa dahil na-biyuda ito ng maaga. Naisip nilang gawin ang plano bukas ng gabi, alam ni Elaine na madilim ang parteng labasan ng parking ng opisina ni Josh kaya kung doon ito papatayin at walang makakakita. Si Ken mismo ang gagawa dahil wala silang tiwala sa ibang tao, mahirap na. “Basta, bukas ay pagsusuotin ko ng navy blue na kapote si Josh tutal ay naulan naman. May tatak iyon na parang bull sa bandang likuran, siya na yun.” sabi ni Elaine kay Kenneth sa telepono. “Okay okay love.. Calm down. I’m excited na tumira dyan sa bahay kasama ka.” hindi mapigilang sabi ni Kenneth. Kinabukasan, nagising si Elaine sa mabangong amoy ng almusal. Pagpunta niya sa kusina ay naroon ang mister at naghahain. “Kain na honey, para sayo yan.” nakangiting sabi nito. Nakunsensya naman si Elaine. “Huy, bakit ka tulala. Kain na.. Halika nga rito.” hinila nito ang kamay niya at iniupo siya sa kandungan nito, tahimik naman ang babae. Ayaw niya man ay tila tumalon ang puso niya sa kilig sa ginagawa ng asawa, may ganoon pa palang epekto ito sa kanya? “Sorry these days busy ako. Alam mo naman may tinatapos na project sa opisina, para sa atin din yun, at para mapagtapos natin ang mga kapatid mo diba? Pero babawi ako sayo okay? Mahal na mahal kita Laine..” masuyong bulong nito sabay halik sa pisngi niya. Naiiyak naman ang babae, habang tulala. Kinagabihan, nakaabang si Ken malapit sa labasan ng parking, Bitbit ang isang kutsilyo. Malakas ang ulan pero kahit papano ay naaaninag niya naman ang mga parating. Hindi nagtagal ay dumating na ang hinihintay niya, navy blue jacket at may tatak na bull. Mas maliit pala si Josh sa akin, hah! sa isip isip niya habang nakangisi. Tila pumapanig sa kanya ang tadhana dahil tumayo ito sa mismong madilim na parte ng parking, walang ideya si Ken kung bakit pero hindi niya palalagpasin ang pagkakataon. Agad agad niya itong nilapitan, niyakap ang leeg patalikod at ibinaon ang kutsilyong dala. Isa. Dalawa. Tatlong saksak. Gusto pang dagdagan ni Ken pero titignan niya muna ang mukha nito. Gusto niya ring makita ni Josh kung sino na ang magiging kasama ni Elaine ngayon. Nakangiti siya na inalis ang hoodie ng lalaki..pero.. “Elaine?!” nanlaki ang mata ni Ken nang makita ang duguang babae. “S-sabihin mo kay Josh.. I’m sorry..” iyon lang at nalagutan na ito ng hininga. Na-realize pala ng babae kaninang umaga na mahal niya pa rin ang asawa at natukso lang siya sa ex boyfriend, pero hindi rin kinaya ng kunsensya niya na niloko niya ang mister at naisip niyang siya ang nararapat na mamatay dahil sa panloloko dito. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement