Inday TrendingInday Trending
Sinumpa ng Lalaking Ito na Hindi na Siya Kailanman Maninigarilyo Matapos Mangyari ang Trahedya sa Kanyang Pamilya

Sinumpa ng Lalaking Ito na Hindi na Siya Kailanman Maninigarilyo Matapos Mangyari ang Trahedya sa Kanyang Pamilya

“Kailan ka ba titigil sa paninigarilyo mo, Arvin?” Naiirita si Arvin, kay aga aga kasi ay bunganga ng misis niya ang naririnig. Kasalukuyan kasi siyang nagkakape at naninigarilyo nang maabutan ng asawang kagagaling lang ng palengke. Paulit-ulit nalang siya nitong pinagsasabihan na itigil ang paninigarilyo. Hindi ba nito alam kung gaano kahirap tumigil sa bisyong nakasanayan na? “Aba, Arvin sinasabi ko sayo buntis ako at madaling hikain–” “Oo na! Oo na, Sonia! Nakakarindi ka!” iritableng sagot nito sabay padabog na lumabas ng bahay. “Bwisit!” Ilang linggo ang lumipas ay ganoon palagi ang senaryo nilang mag-asawa. Kahit anong bunganga ang gawin nito nito sa kanya ay hindi siya nagpapigil sa paninigarilyo. Bagkus, para maasar ito, ay mas dinamihan niya pa ang pagyoyosi sa isang araw. “Balang-araw magsisisi ka kakasigarilyo mo. Hindi naman para sa akin ang sinasabi ko sayo. Para sayo at sa magiging anak natin,” sabi pa minsan ng asawa niya matapos niyang manigarilyo. Imbes na pakinggan ay pasok sa isang tenga at labas lang sa kabilang tenga ang ginagawa niya. Nakakasawa na rin kasing pakinggan ito. Ngunit isang gabi ay nagising nalang siyang ubo nang ubo ang asawa. Sa una’y nainis pa siya dito dahil nasira ang pagtulog niya. “Ano ba naman ‘yan, Sonia hinaan mo nga ‘yang pag-ubo mo,” inaantok niyang sabi. Ngunit wala siyang narinig na tugon mula sa asawa. Patuloy pa rin ito sa pag-ubo at biglang nawala ang antok niya nang makitang may dugo na sa kamay ng asawa. “Sonia, anong nangyari sayo?” taranta siyang bumango sa asawa. Namumutla na ito. Kaya naman agad niyang tumawag ng ambulansya. Tila binagsakan ng langit at lupa si Arvin nang marinig ang sinabi ng doktor. “Stage 4 lung cancer ang sakit niya. Terminal na ito kaya tatapatin na kita, ihanda mo na ang sarili mo sa pagkawala ng mag-ina mo.” Naging biktima daw ang asawa niya ng second-hand smoking gas o mas kilala sa tawag na radon gas. Dahil sa ilang taon nitong pagtitiis na malanghap ang palagian niyang pagyoyosi sa kanilang bahay ay nadevelop nito ang lung cancer. At dahil wala namang iniindang sakit ang misis niya ay ni minsan ay hindi ito nagpatingin sa doktor. Lubos-lubos ang pagsisisi ni Arvin. Kung nakinig lang sana siya sa kanyang asawa na itigil na ang paninigarilyo ay hindi siya maagang mabubiyudo. Mas masakit rin sa kanya na patiang inosenteng bata sa tiyan nito ay nadamay sa katigasan ng ulo niya. Habang nakadungaw sa kabaong ng kanyang asawa ay lubos ang paghingi niya ng tawad sa yumaong asawa at gusto niyang ibalik ang nakaraan. Ngunit huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang gawin niya ay wala na siyang magagawa. Nagsilbi nalang itong aral sa buhay niya. Simula noon, kailanma’y hindi na niya sinubukang manigarilyo. Masakit isiping wala na ang mag-ina niya, pero hindi siya dapat sumuko at sa halip ay kailangan niyang magpatuloy sa buhay. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement